Nalaman ko na lang kinabukasan na umalis na pala sila dad and mom papuntang Dubai.Sa Dubai madalas sila Dad dahil mas madaming investor duon na pwedeng makasosyo sa pagpapatayo ng mga building.Mas malaki kasi ang kita sa pag iinvest ng mga condo kaysa sa mga resort.Kaya madalas,mga may condominium properties ang sinasamahang ka business partner ni dad.
"Kylie,hindi mo pa ba sasabihin kay Ken yung tungkol sa encounter nyo ng daddy mo?Baka naman sya ang balikan ng dad mo pag nagkataon?_Mikee.
Ganun kasi ang ginawa ng parents nuon ni Mikee sa kanya,Itinago sya at pilit inilayo kay VM at binalak din ipakasal sa ibang lalaki.
"Wag na muna.Ayoko kasing mamublema pa si Ken.Si Gabb na muna ang kakausapin ko.Kapag nakaisip na kami ni Glenn ng plano saka ko na sasabahan si Ken sa dapat nyang gawin._Ako
"Alam mo kylie,Ang swerte mo lang kasi gay pala yang si Gabb anoh?Hindi kagaya nung kay Mikee nuon,kundi pa sya muntik gahasain nung Ipakakasal sa kanya hindi sya makakawala sa lalaking yun._Rhian. Naikwento ko na din sa kanila ang tungkol sa pagkato ni Gabb.Pero sinabihan ko silang ilihim na muna ang pagkatao ni gabb bilang respeto ko sa kanya.Sasabihin ko din naman sa tamang panahon.
"Oo nga.Hindi ko talaga alam ang gagawin ko nuon.Takot na takot ako.Buti na lang,may mga kaibigan si VM dun na natakbuhan ko pansamatala kaya di ako nahabol ng hayup na yun._Mikee
"Haaaaist! God is good talaga mikee.Mabuti na nga lang walang nangyari sayong masama.Syanga pala,about dun sa guy,pinakulong mo ba sya?_Ako
"Actually,Nung nalaman nila mom yun,Sila na mismo ang nagpakulong kay Ben.Pag uwi ko ng Pinas kala ko okey na,malaya na kami ni Verna,kaso hindi pa din pala.Kaya eto,napilitan akong tumakas at sumama ng tuluyan kay VM._Mikee
"Ohh how sad naman.Parang kayo din pala ni Ken talaga kylie noh?Ang kaibahan nga lang,Pera naman ang punot dulo ng lahat ng problema sa inyo.Buti na lang ang parents ni MJ hindi matapobre anoh?_Rhian
"Kaya nga maswerte ka Rhian.Bukod sa Mahal na Mahal ka ni MJ pati parents nya walang tutol sayo._Ako
"Sana maging okey na din ang lahat para sa inyong dalawa._Rhian
"Sana nga.Gusto ko din maging okey na tayong lahat._Mikee
"Fighting! Kaya nating lahat toh guys! Enjoy lang natin._Rhian.
Napangiti naman kami parehas ni mike sa pagtaas ng kamay ni Rhian pagkasabi nya ng fighting.
Ilang araw after ng mahaba kong modeling skedule,Saka naman dumating si Gabb.Sympre kasama ng kanyang long time partner na si Stephen,na di mo aakalaing kagaya ni Gabb na gay din.Pareho kasi silang gwapo at matangkad na akala mo mga modelo ang tindig.Tuwang tuwa tuloy si Rhian dahil di sya makapaniwalang mag jowa yung dalawa.Panay din ang pisil nya sa mga muscle njng dalawa.
"Gabb,sure ka ba talagang gay tong jowa mo? Grabe,ang macho saka ang gwapo naman nya!_Rhian.Na parang inspector sa kakatingin kay Stephen.
"Hahaha.loka! Nakaka intindi ng tagalog yan.At oo nga sabi,bakla yan kaya kahit maganda ka di ka papatulan nyan._Gabb
"Grabeh ka! Hindi din naman ako patola noh! Mas type ko pa din ang Bf ko kaysa sa kanya._Rhian
"Oo na! Ikaw na may hearthrob na jowang Lesbian!hahahaPero infairness ha,gwapo nga din yun si MJ noh? Kaso mas type ko yata si KEN,simple pero malakas ang dating!hahaha_Gabb
"Hahahah sira ka gabb! Aagawan mo pa si Kylie! Ang landi mo talaga!_Mikee
"Crush lang,di naman aagawin! Hahahaha.Buti nalang maganda yang Jowa mo noh,di halatang lesbian._Gabb kay mikee
"Kung alam mo lang! Grabe ang pagbabantay ko dyan sa agency namin.Ang dami kayang lumalanding model dun sa kanya.Madami na kaya akong nasabunutan dun nuon!_Mikee
"Ahahaha.Ganun ba,mas mapanganib pala kapag babaeng lesbian ang jowa._gabb.Kapag nasa ibang bansa pala sya,pumipilantik sya kumilos.Kapag kasi sa Pinas,lalaking lalaki sya sa kilos nya.Naisip ko tuloy,ang hirap din ng sitwasyon ni gabb para lang ma please ang daddy nyang General.
"Btw Gabb,buti naman at napasyal ka dito.Gusto talaga kita sanang makausap regarding sa Wedding preperation na hinahanda ng mga parents natin._Ako
"Ay naku,imbyerna nga ako dyan.Bakit may pa wedding prep pa kasi ang mga mudrakels natin! Pati nga tong si Stefen,takot na takot,baka daw bigla na lang tayong ikasal pag uwi natin sa Pinas!_Gabb
"Anung gagawin natin?May naisip ka na bang plano?_Ako
"Actually wala pa din.Gusto ko din kasing malaman ang opinyon mo.May mga naiisip akong plano,pero mas gusto ko yung pareho nating idea para mas masaya.hahaha_Gabb
"Gabb naman eh! Puro ka kalokohan.Serysoso nga!Anung gagawin natin?_AKO
"Well seriously,Kailangang isa sa ating dalawa ang magsakripisyo para hindi matuloy ang balak ng parents natin._Gabb
"What do you mean magsakripisyo?_Ako.Napatingin naman ako kila mikee at Rhian na nakikinig lang sa aming dalawa.Kahit si Stephen,nakatingin kay Gabb.
"Ganito yun,since parehas naman nating ayaw ang plano ng mga magulang natin,isa lang ang pwedeng sulusyon sa problema... its either,ikaw ang umaming lesbian ka or ako ang aaming bakla ako!_Gabb
"Pero gabb,hindi naman ganun kasimple yun.Pano kung kahit umamin tayo,ipakasal pa din nila tayo at pilitin?_Ako
"Kaya nga kita gustong makausap.Magpapakasal na muna kami ni Stephen abroad,para if ever na magka aminan,wala na silang magagawa kasi kasal na kami ni Stephen._Gabb
"Really?Magpapakasal kayo?whew! Ang saya naman! Kakainggit!_Rhian.
"Hahahah,kaya nga din kami andito para kausapin ka Kylie.Gusto ko kasi bago kami magpakasal,ma ayos na muna natin lahat ng plano para hindi maging kumplikado ang lahat._Gabb
"So,Ang mangyayari nyan.Isa sa inyo ang aamin sa gender nyo tapos palalabasin nyong hindi nga kayo pwedeng ikasal dahil iba ang gusto nyo?_Mikee
"Thats right girl! Ang problema,sino sa ating dalawa ang gustong mag suffer ang CAREER at masira ang pangalan ng pamilya alang alang sa pag ibig?_Gabb.
Saglit akong natigilan.Kung ako ang aamin,baka hindi na ko makakapag model at wala ng endorser na magtiwala sa akin.Pwede ding baka magsipag back out ang mga kasosyo ko sa negosyo.Kapag si gabb naman,masisira ang image ng tatay ng General at baka tuluyan na yang itakwil ng pamilya nya dahil sa pag amin nyang bading sya.Haaaaist,anung gagawin ko?
"Naku ang hirap naman mamili!Parehas kayong baka mawawalan ng Career at baka ng pamilya na din kung sakali._Rhian
"Sa Career,ayos lang ako.Hindi naman makaka apekto sa software business ko ang pagkatao ko dahil about computer naman ang pinag uusapan dun.Regarding naman sa pagiging General ng tatay ko,Wala naman syang magagawa kundi tanggapin na may bakla syang anak._Gabb
"Pero gabb,unfair naman na ikaw lang ang mag suffer tapos ako ung mas makaka tanggap ng benefits sa gagawin mo.Sympre hindi din naman ako magiging masaya nun_Ako
"So,anong balak mo? Sasabihin mo din sa parents mo na hindi pwede matuloy ang kasal dahil babae din ang gusto mo ganun ba?_Gabb
"Kylie,just think about it first.Pag isipan mo muna bago ka magdecide,anyways,di pa naman kami agad aalis dito ni Gabb, may ilang araw pa kayo para pagplanuhan ang lahat.Sa ngayon,Isipin mo kung anung mas magpapasaya sayo,KARIR AT PAMILYA BA O SI KEN?_stephen.
"Tama! For the meantime,mamamasyal muna kami ng asawa ko. Seeyah later guys!_Gabb sabay hila kay Stephen saka masayang lumabas ng apartment.
Naiwan naman akong nakatulala dito sa Sala.Nagsipasukan na kasi sila mikee at Rhian sa mga kwarto nila.
BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomanceKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...
