Inihatid kami nila Rhian,Mikee at Kylie sa Airport. Mabigat man sa dibdib ang magpaalam sa kanila pansamantala, pero kailngan na din namin umuwi para sa mga naiwan naming commitment sa Pinas.Baon ang masasayang alala,Hilam ang mga mata ko ng mga luha habang kumakaway kay Kylie papasok ng eroplano.Hindi ko alam kung anung nag aantay sa akin pag balik ko sa Manila,pero nakahanda ako sa anu mang mangyayari.
"Ken,its okey.Babalik ulit tayo dito for sure.Ipon muna._MJ sabay tapik sa balikat ko.
"Ngayon pa lang kasi nyo naiinjoy ni Kylie ang isat isa kaya ganyan pa ka sakit kapag nagkakahiwalay.Pansamantala lang naman yan,masasanay ka din._VM
"Guys,Ang dami kong pagkakataong sinayang nung andito pa si Kylie.Ang tanga tanga ko.Ang duwag ko._AKO.
"Dude hindi yun katangahan.Nag iisip ka lang para sa ikabubuti nyong dalawa.Natatandaan mo before,nung unang naging kami ni Mikee?Hindi ako nag isip nun,basta lang ako pumasok sa isang bagay na hindi ko muna pinag isipan,kaya pati si Mikee napahamak ng dahil sa akin._VM
"Thats true.Hindi pa kasi tayo ready nuon.Hindi pa natin napaghandaan na hindi lahat ng relasyon puro lang SAYA,May mga PAGSUBOK din at Pagsasakripisyo._MJ
"Atlis ngayon Ken,Mas matatag kana.Mas nakapaghanda at Nakapag isip.Dont worry dude,Andito lang kami,tutulungan ka namin harapin natin ang parents ni KYLIE._VM
Napatingin naman ako sa kanila at saka ako napangiti.Kahit di na ako magsalita,alam kong ramdam din nila ang mga agam agam sa isipan ko.Sa ngayon,Ang pagharap sa mga magulang naman ni Kylie ang dapat kong paghandaan.Alam kong hindi yun ganun kadali.Safe naman kaming nakabalik agad sa Manila.Nagpasundo nalang sa mga driver nila si MJ at VM dahil ayaw naman nilang mag taxi lang.At dahil mas malapit si MJ mula dito sa Airport,dun ako sa kotse nya sumabay. Pagkahatid sa kanya sa Condo nya,saka naman ako pinahatid ni MJ sa bahay namin.Si VM naman ay sa ibang ruta ang bahay kaya dumiretso na sya sa kanila ng uwi.
Mabilis naman akong nakauwi agad ng bahay dahil sa gabi na at wala ng masyadong traffic.Kumpleto silang lahat na nadatnan ko sa bahay.Alam kasi nila na ngayon ang dating ko.
Binuksan ko na agad ang bagahe ko para iabot sa kanila ang mga pasalubong ko at ni Kylie para sa kanila
"Inang,pinabibigay nga po pala ni Kylie yan._AKO.Isang branded na bestida mula sa Japan ang pasalubong ni Kylie sa kanya.Pabango naman ang bigay ko kay inang.
"Naku,Ang ganda naman nito anak.Siguradong mamahalin ito.Pakisabi kay Kylie,salamat.Pati na din dito sa pabango anak._Inang
"Si kylie po mismo ang pumili nyan,tinanong lang nya sa akin ang sukat tapos sinabi nya na bagay daw po yan sa inyo._AKO
"Ateh,Bakit wala kayong in upload na mga pictures nyo duon? Palage kaya kaming nag aabang nila inang sa FB at IG post nyo._Kian
"Busy kasi kami dun.Maikli lang ang time kaya wala ng panahon magpapicture masyado._AKO.Ang totoo kasi,sinadya naming di magpost ng mga pic namin together ni Kylie dahil baka makita ng parents nya na magkasama kami.
Inabot ko na lang kay Kian ang pasalubong kong nasa isang box.
"Ate!NIKON DSLR camera to ah! Ang ganda!Isa nga daw ito sa pinakasikat na tatak ng mga gadgets duon sa Japan._Kian
"Ingatan mo yan.Regalo ko na din yan sa birthday mo.hahaha
_AKO
"Thanks ate.Wag kang mag alala iingatan ko to sympre._Kian
Isang Seiko divers watch naman ang pasalubong ko kay Mickey para magamit nya kapag nasa barko sya.G shock na hot pink naman ang kay Rome.Binigay ko na din ang pasalubong kong stuffed toy bear kay Miro na tuwang tuwa dahil nagsasalita ito kapag pinindot mo ang button sa gitna.
I-phone7 naman ang binili ko para kay Miggy.Sa lahat kasi ng mga kapatid ko,si Miggy ang hindi pala hingi.Actually,matagal ko ng inipon talaga ang pambili ng Iphone para sa kanya,nagkataon lang na sa Japan ako nagkaroon ng chance para mabili ko yun.
"Ate,salamat ha.Kahit di ako humihingi sayo,alam na alam mo pa din kung anu ang gusto ko.Sobrang mahal nito kaya iingatan ko talaga._Miggy
"Wala yan!Deserving ka naman bigyan ng mga mamahaling bagay kasi mabait kang bata.At saka,advance graduation gift ko na din yan ha.hahaha_AKO.Niyakap ko naman sya dahil namimiss ko silang lahat talaga.
"Ate Kendra Salamat sa mga pasalubong ha,grabe pang malakasan talaga ang mga binili mo.Puro branded.Pasabi na din kay ate Kylie thanks sa gucci wallet,sobrang gustong gusto ko!_Rome
"Sige Rome sasabihin ko._AKO na napangiti ng mabanggit nya ang pangalan ni Kylie.
"Eh ate,kayo na ba ulit ni ate Kylie?_Mickey.Sa tatlo kasing magkakapatid,si Mickey ang maka Kylie.Kaya ganun na lang ang pagka curious nyang malaman kung totoong kami na nga.
Tumango lang ako ng may pagkalaki laking mga ngiti sa labi.
Nagsigawan naman silang lahat sa tuwa.Alam ko naman,lahat sila masayang masaya din para sa akin."Yan tayo eh,basta lovelife ko masyado kayong curious at apektado!Ang mabuti pa magpahinga na tayong lahat.Hindi ako masyado nakatulog sa byahe kaya need kong bumawi ng pahinga muna._AKO
"Sus ate,if i know mag uusap lang kayo ni ate Kylie eh! Magkwento ka na muna.Mamaya kana pumasok sa kwarto mo!
_ KIAN
"Kayo talaga,pabayaan nyo na muna makapahinga ang ate nyo. Napagod talaga sya ng husto.Madami pa kayong oras para sa mga kwentuhan na yan sa ibang araw._Inang
"Oo nga naman,sige ate pahinga kana.May jetlag kapa nyan for sure.Dito naman kami matutulog ni Mickey,May time pa tayo magchikahan bukas._Rome
Ngumiti naman ako kay Rome at saka humalik muna kay inang bago pumasok sa kwarto.Kahit antok at pagod ako,hindi naman pwedeng di ko muna kausapin si KYLIE.For sure kanina pa ko inaantay nun sa chat.Hindi nga ako nagkamali,pag bukas na pagbukas ko sa IPad mini ko,puro messeges na from Kylie.
"Hello sweetheart. Sorry now lang nakapag open ng net._AKO
"Kanina pa nga kita inaantay,akala ko nga di kapa nakauwi._Kylie
"Binigay ko na muna kasi ung mga pasalubong sa kanila,anyways SALAMAT nga daw pala sabi nila Inang pati na din ung mga kapatid ko salamat din daw._AKO.
"Pakisabi walang anuman.Kamusta naman ang byahe nyo _Kylie
"Okey naman,wala namang naging hassle.Kayo dyan kamusta?
_AKO.
"Eto,last day na namin dito sa hotel.Bukas dun na kami sa apartment mag i stay.Tinawagan na din ako nung agency na hahawak sa modeling carreer ko dito for 6 months._Kylie
"Alam ko nalulungkot ka dyan.Konting tiis lang sweetheart,isipin na lang natin mabilis lang ang anim na buwan._Ako
"Kasi naman,ambilis bilis ng bakasyon nyo.Namimiss na kita sobra._Kylie.Umiiyak sya habang magka usap kami.
"Tahan na,wag ka ng umiyak.Ako din naman nalulungkot pero wala naman tayong magagawa eh,parehas tayong kailangang tumupad sa mga tungkulin natin.Wag ka ng umiyak sweetheart. _AKO
"Di ko mapigilan eh! Kung kelan naman okey na tayo saka naman tayo magkalayo.Kundi lang nakapirma ako sa kontrata, Babalik na ko dyan eh._Kylie na umiiyak pa din habang nakikipag usap sa akin.
"Sira!Ayoko naman magkaron ng girlfriend na exconvic.Tahan na,mabilis lang ang araw,malay mo bukas pag gising mi andyan na ulit ako.Sa ngayon tiis muna okey?_AKO.tumango naman sya.
"Sige na sweetheart,magpahinga kana muna dyan.Andito na din sila Mikee at Rhian,pinapakuha na yung mga bagahe namin para madala na sa apartment.Chat you later.Iloveyou._Kylie
"Okey,Iloveyou too sweetheart.Ingat kayo dyan._AKO.
Nag logout na din muna ako para makapagpahinga at umidlip muna.

BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomanceKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...