NINETY FOUR☆KYLIE

2.8K 92 6
                                    

       Katabi ko si dad sa eroplano.After ko malaman from mommy Shiela na tinawagan daw sya ni VM para sabihing naaksidente si Ken,Nagmamadali ako sa pagpapabook ng flight pauwi ng Pilipinas.Panay ang dasal ko na sana ay ligtas si Ken sa aksidente.Panay naman ang tapik ni daddy sa balikat ko at bulong na wag akong masyadong mag alala.

"Dad,Kasalanan ko lahat.Kundi ako umalis at umiwas kay Ken hindi sya magda drive ng lasing na lasing.Napaka Imature ko talaga.Hindi ko na inisip ang magiging epekto ng ginawa ko sa kanya._AKO
"Iha,relax.Nakausap ko na kanina si MJ at ang sabi naman nya okey na si Ken at nagpapagaling na lang ng kaunti sa hospital.
Wag ka ng mag alala okey?_Daddy
"I can't help it daddy.Sobra ko ng miss si Ken,Pero nagawa ko pa syang tiisin at pairalin ang pagiging makasarili ko.Haaaist._AKO
"Anak,Walang ibang hangad si daddy kundi ang kaligayahan mo.
Kaya kung anu man ang makapagpapasaya sayo,GAWIN mo lang anak.Andito lang ako para suportahan ka.At kung sa palagay mo,Si ken ang tamang tao para sayo,hinding hindi ako hahadlang sa kaligayahan nyo._Dad
"Thanks dad.Masaya akong malaman na habang tumatagal lalo kong nararamdaman na buong puso mo kaming tinatanggap ni Ken.Ngayon ko nari realize daddy,kung gaano ko kamahal si Ken.Sobra akong nag aalala,Bigla akong napaisip na hindi ko pala kaya kapag nawala si Ken sa buhay ko._AKO
"Anak,Isang bagay lang ang gusto ko sanang hilingin sayo...Sana ay mapagbigyan mo._Dad
"Dad?Para namang kinabahan ako lalo dyan sa sinasabi mo eh! Anu ba kasing hiling yun?_AKO
"Gusto ko sana kapag dumating yung araw na mag aasawa kana, Dun sa Mansyon kayo tumira.Para naman may makakasama ako at may mga apo akong maaalagaan._Dad
"Dad!Akala ko naman kung anu na!At saka bakit mga apo, mahal ang IVF Procedure( In Vitro Fertilization)._AKO
"Pinapagaan ko lang ang damdamin mo anak.Wag kang mag alala,kahit isa o dalawa ang magiging anak nyo,hinding hindi ko pababayaan ang magiging apo ko._Dad
"Daddy talaga.Apo agad?Hindi pa nga nagpo propose.Parang matatagalan pa yun bago mangyari._AKO
"Ayos lang anak,malakas pa naman si daddy.Makakapag antay pa ko._Daddy.
Natawa naman ako sa reaksyon ni dad.Ipinakita pa kasi nya ang muscle nya para patunayang malakas pa sya.Sabagay,bata pa din naman si daddy talaga.Kaya marami pa kaming time para bumawi sa mga panahong parehas kaming busy nuon sa pagnenegosyo.Agad akong dumiretso sa Hospital kung saan dinadala si Ken.Si dad naman,nagpaalam sa akin na sa mansyon na daw muna tutuloy para makapagpahinga.Pero bago ako tumuloy sa hospital,dumaan muna ako sa isang bakeshop at bumili ng cake para kay Ken.Braso de mercedes ang binili ko, pareho kasi naming paborito yun.Madalas kaming mag unahan sa magkabilang dulo ng cake roll dahil mas madami dun ang laman sa loob ng cake.Napangiti naman ako habang papalabas ng bakeshop.
"Kylie,Ikaw nga ba yan Kylie?_Matangkad na babae na nakasalubong ko palabas ng bakeshop
"Yes,Ako nga.Magkakilala ba tayo Miss?_AKO
"Ikaw nga,hindi mo na siguro ako natatandaan.Ako si Tessa Montes, yung may ari ng jewelry shop na dating inindorso nyo ni Verna Madisson remember?_Tessa
"Oh,yeah naalala ko na.Im sorry,medyo madami lang iniisip. Kamusta naman,Dont tell me pati sa mga hospital rumaraket kana din?_AKO
"ahahahha,medyo.But actually,Naghatid lang ako ng order nung new client ko.Since papunta na din ako malapit dito kaya ako na mismo ang naghatid._Tessa
"Ganun ba,wow ha special delivery pa.Ang swerte ng costumer mo ikaw pa mismo ang nag abot._AKO
"Hahahaha.Nagkataon lang.Papano,next time na lang ulit tayo magchikahan.Daan ka naman minsan sa shop ko,bigyan kita ng discount._Tessa
"Hayaan mo,One of this day dadaan ako dun.Sige next time na lang ha.Ingat._Ako
Nagmamadali naman akong tumawid papunta ng Hospital. Madami din ang nakakakilala sa akin kaya hindi maiwasang ngitian ko sila kahit nagmamadali na kong makita si Ken.
Pag ask ko sa room ni Ken,sumakay ako sa elevator.Ang sabi ng nurse,sa 5th floor daw ako magpunta.Pagpasok ko sa elevator, inabutan ako nung elevator girl ng isang bouquet ng red roses.
Nagtataka man,tinanggap ko na lang.Baka fan sya na natuwang abutan ako ng bulaklak.
Pagbukas ng elevator,may isang nurse na sumalubong sa akin at sinabihan akong nasa rooftop daw yung hinahanap ko.
Pagdating ko sa hagdan,may mga nakasaboy na rose petal sa daraanan ko.At bago pa ko makarating sa rooftop may isang babaeng nurse naman na kumuha sa dala dala kong cake roll.
Nagtataka man,inabot ko sa nurss yung cake at saka ako dumiretso sa pagpanhik sa rooftop.
Nakangiti sa kin sila Inang,kian,miggy,mickey at si Mico.
Andun din si Daddy,si Mommy Shiela at Shiera with MK.
Magkatabi naman sila MJ at Rhian na may dala dalang camera, habang sila VM at Mikee naman ay may dala dalang banner na hindi ko alam kung anu ang nakasulat dahil nakatalikod.
Maya maya pa,Si Ken naman ang dahan dahang lumapit sa akin at dinala ako sa pinaka gitna ng rooftop.Saka ko napansin na may mike pa lang nakatayo duon with matching Malaking tv monitor kung saan pinapakita ang mga larawan naming dalawa na may background music pa habang magkasama kami sa mga lugar na pinupuntahan namin.

"Sweetheart.Alam ko na madami akong mga pagkukulang sayo bilang kasintahan.May mga times pa nga na alam kong napapagod ka na din sa pag hihintay sa akin.Sorry kung matagal bago ko to ginawa...Kahit kasi anong gawin ko,Nahihirapan akong abutin ka.Pero gaya nga ng palage mong sinasabi sa akin, handa kang bumaba mula sa langit para lang magkalapit tayo...
Kaya naman,eto ako ngayon sa harap mo..Nagsusumamo na sana tanggapin mo ang inaalok kong Pag ibig sayo...
Sweetheart,Kylie...WILL YOU MARRY ME?_Ken.Sabay luhod sa akin at abot ng singsing.
Bigla naman akong napaiyak.Hindi ako handa sa ganitong pangyayari pero ang sarap sarap sa pakiramdam.Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaligayahan lalo pat andito lahat ng mga taong mahalaga sa buhay namin ni Ken.Wala na akong nasabi at napatango na lang sa kanya at saka ko sya niyakap ng mahigpit.Nagpalakpakan naman lahat ng mga nakapaligid sa aming dalawa.Hinalikan ako sa labi ni Ken at gumanti din ako ng halik sa kanya.Isa isa namang bumati sa amin lahat unang una na ang inang ni Ken at sumunod si mommy.
"Congratulation sa inyo mga anak.Hangad ko ang masaya at mapayapang buhay para sa inyong dalawa._Inang
"Ako din anak,Para sa inyo ni Ken dalangin ko ang habambuhay nyong pagmamahalan at masayang pamilya._Mommy Shiela
"Salamat po sa inyo,inang,Aling Shiela.Kayo po ang nagsisilbing gabay at huwaran sa amin para sa masayang buhay.Mahal na mahal po namin kayo ni Kylie._Ken.Na umiiyak na nagsasalita.
"Naku,Kendra.Tama na ang pag iyak.Umuo na si Kylie dapat masaya ka na!_VM
"Hahahaha.Sa wakas,maaayos na din ang mga kailangang papers ni Kylie._MJ
"Papers,anong papers yun MJ?_AKO.Tapos napatingin naman ako kay Ken na kakamot kamot ng ulo.
"Actually kasi Sweetie,Napagkasunduan namin nila MJ at Rhian na mag double wedding tayo.Kaya need na yung mga documents mo para sa requirements na ipadadala dun sa Massachusetts.
_Ken
"Kasal?Double Wedding?You mean to say,Magpapakasal na din tayo?_AKO.
"Oo sana Sweetie,Pero kung ayaw mo naman ng double wedding pwede namang sa ibang araw tayo magpakasal._Ken
"Ofcourse gusto ko!Aarte paba ko eh KASALANAN NA ANG USAPAN?Payag na payag ako sa double wedding,Basta ikaw ang Groom ko Miss KENDRA CHESKA ROMUALDEZ!_AKO tapos niyakap ko si Ken ng pagkahigpit higpit.👰❤💙💚

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon