EIGHTY TWO *KEN

2.7K 61 0
                                    

            May dalawang taon pa bago ko matapos ko ang Doctoral ko.(EdD-Doctorate in Education).Kung papalarin,Mag apply ako para maging Dean sa pinapasukan kong University or maybe sa mas magandang eskwelahan kung sakali.Kahit mahirap pagsabay sabayin kailangan kong magtyaga para may marating.
Madalas kaming magkasama lang ni Kylie sa Condo nya or sa bahay namin,pero sa gabi kanya kanya pa din kaming uwi sa bahay namin.Hanggat maaari,iniiwasan kong makagawa ng mga bagay na hindi pa naman dapat gawin ng hindi pa mag asawa.
Tawagin man na corny or conservative type,Hindi ako naaapektuhan...Ang mahalaga,Nagmamahalan kami ni Kylie ng higit pa sa inaakala ng iba.

"Kylie,Yang jowa mong manang tulala na naman.Mamaya yang iniihaw nyan sunog na pala!hahaha_MJ.then tumungga ng beer in can.
"Hahaha,sweety oh si MJ inaalaska ka na naman.Tulala ka na naman daw.Anu ba kasi yang iniisip mo ha?_Kylie na umakbay sa akin habang nagpapaypay ako ng barbeque.Andito kasi kami sa Batangas,Kapag wala kami masyadong gagawin ng sabado,we make it a point na nagba bonding kami kahit once a month.
"Baka iniisip nya kung pano sya magpo propose sayo Kylie! Hahaha_Rhian.Na nagbabalat naman ng manggang hilaw.
"Wow ha,parang gusto mo pa kaming unahan ni VM nyan Ken ha..Totoo ba yan?_Mikee.Naglalagay ng mga plates sa picnic table.
"Haaaist!Sa dami ng ginagawa ko ngayon,hindi ko pa maisip yang ganyan.Kapag naka graduate na ko baka sakali._AKO.
"Eh kasi naman,bkit pa need mag aral ng mag aral..Di mo na lang tulungan si Kylie sa Bussiness nya?_VM.Naka upo sa picnic chair habang naggi games sa ipad nya.
"Asa kapa dyan kay Ken.Walang Interes yan sa Bussiness ni Kylie gusto nyan sarili nyang pundar noh!_MJ.Sabay hagis sa akin ng isang beer in can.
"Kakain pa lang pinapainum mo na yan!Gagaya mo pa sayong alcoholic!_Kylie.Inagaw sa akin yung beer
"Mas masarap kumain pag nakainum.Mas gaganahan ka.Wag ka ngang KJ dyan Kylie ha.Ken,cheers tayo!_MJ sabay abot ng beer sa akin ulit.Pinagbigyan ko na,paminsan minsan lang naman.
"May problema kaba MJ?Ang aga aga naka dalawang can kana ah!_Mikee.
"Meron nga.Pinagalitan ng daddy nya.Na short sa pinapagawa naming bahay kaya nanghihiram sa daddy nya._Rhian
"Whaat?Panong na short ka,kala ko ba naka budget na yun?_VM
"Kinapos ako.Hindi ako kumota this month sa shop ko.Kaya ayun nabawasan yung sa pabahay ko.Naiinis ako kay dad,5M lang naman ang hinihiram ko,barya nya lang yun._MJ.
"5M lang,Bakit nagagalit na agad?Baka may iba kapang hiniram before?_VM
"Wala noh!Pag ako nainis,bebenta ko yung kotse ko eh.!_MJ
"Sa akin mo na lang ibenta,I'll pay you in cash!Yung Lamborghini ba?_VM
"Baliw kaba?Kahit 10M lugi pa ko dun ah...Yung BMW ko sana!
_MJ
"BMW lang 5M?Pang palengke ko lang yun ah!Di ko na bibilhin,meron din ako nun,kalimutan mo ng may sinabi ako._VM.Nag laro na ulit sa ipad nya
"Hahahaha.Kumain na lang tayo guys,gutom na siguro kayo kaya kung anu anu na mga sinasabi nyo._Kylie
"Imaginin nyo,mayaman na si MJ pero kinakapos pa sa pagpapagawa ng bahay nya,pano pa kaya ako?Kubo lang yata mahihirapan pa kong patayuan ka sweety._AKO.
"hahaha.Sweety,kahit kubo lang basta kasama kita okey na ko dun!_Kylie
"Woooooh!Yun oh!Pag ibig nga ba yan Kylie?Baka mamaya,kapag tinangay ng bagyo yung kubo nyo ni Ken iiyak iyak ka sa daddy mo.Daddy,si Ken kasi eh kubo lang yung pinagawang bahay namin kaya eto im kinda basang basa here!_MJ.
Natawa tuloy kaming lahat.Ginaya pa kasi ni MJ ung accent ni Kylie kapag nagsasalita.
Binato naman ni Kylie si MJ ng stick ng barbeque kaya tumakbo si MJ pababa sa tabing dagat.
Actually,medyo nasa taas kaming bahagi ng Island.May rock formation dito pababa sa dagat.Nasa itaas kaming bahagi ng lugar kaya abot tanaw namin ang ganda ng dagat sa Island.
Kapag lumingon ka naman sa itaas na bahagi,Kitang kita ang mala palasyong hotel na pinasadya talaga ni Kylie para sa aming dalawa.Bigla ko tuloy na alala ang naging pag uusap namin ng daddy ni Kylie ng matanaw ko ang ikalawang palapag ng hotel.Mistulang balkonahe pala sya ng kastilyo,Yung tipong aakyatin ka dun ng prince charming mo para lang mailigtas sa bruhang nagkulong sayo dun sa castle.
After naming kumain,nagsimula na kaming mag change ng outfit na pang swimming.Naka rushguard ako at saka short pati si MJ while yung mga girls including VM,naka two piece bikini naman.
Beach is life sa aming magkakaibigan.Madalas,sa dagat kami nagpupunta para mag relax.Yun ang pinaka reward namin sa araw araw na pagta trabaho.Kahit sila Mikee at Rhian,busy na din sa pagma manage ng shop at boutique na kasosyo kaming lahat.Since dalawa na ang branches,pinaubaya na namin sa dalawa ang pangangalaga duon.Diretso naman sa bank account namin ang kita ng boutique.Hindi ko talaga yun ginagalaw,para kasi yun sa pagpapakasal namin ni Kylie kung sakali,Pero matatagalan pa bago mangyari yun,sa ngayon kasi nagsisimula pa lang akong mag ipon.So far,hindi na din masama kumpara nuon na sapat lang sa pamilya ko ang kinikita ko.
"Ken,kamusta na yung tungkol sa mother ni Kylie may balita kana ba?_MJ.Andito kami sa umbrella bench na umiinum ng beer habang nasa dagat yung mga babae at nagkukulitan.
"Uhmm,Im just waiting for tito Alex signal.Ang sabi naman nya,malapit na daw.Hindi ko lang alam kung kelan._AKO.Napahinga ako ng malalim.Hindi pa kasi alam nila MJ na kumpirmado ng si Aling Shiela ang totoong nanay ni Kylie.
"So,you mean to say alam na ni tito Alex ang identity ng mother ni Kylie?Bakit di nya pa sabihin kay Kylie kung ganun?_MJ
"I really dont know.Maybe,may kailangan muna syang masiguro. Hindi naman kasi ganun kadaling basta bsta ka nalang magturo ng magiging nanay ni Kylie,dapat talaga pag aralan mabuti._AKO
"Sabagay,baka mamaya nyan madaming biglang mag claim na nanay sila ni Kylie.Sa yaman ng mga Samaniego,madaming magpapanggap na ina ni Kylie para magkapera lang._MJ
"Yeah,ganun na nga.Pero kung sakaling ikaw ang malagay sa sitwasyon ni Kylie,sa palagay mo ba matatanggap mo basta bastang magpatawad sa taong naglayo sayo sa tunay mong ina?_AKO
"Kung ako,baka hindi agad agad eh.Mahirap kasi yun diba,Kalahati ng pagkatao mo ang pinagkait sayo.Baka kung sa akin,mapatay ko pa yung naglayo sa akin sa tunay kong ina._MJ
Saglit akong natigilan.Paano nga ba mapapatawad ng isang anak ang taong kumuha sa kanya sa kanyang ina?Papano mo tatangapin sa sarili mo na ang kinilala mong Ina pala ang syang nagpakidnap sayo?Pano mo mapapatawad ang iyong ama,na sa loob ng ilang taon,itinago sayo ang katotohanan?haaaist. Kahit ako siguro ang nasa sitwasyon ng tatay ni Kylie,Matatakot din akong magpaliwanag.Kinakailangan nasa ayos ang lahat bago pa maging kumplikado ang sitwasyon.Nakatanaw lang ako kay Kylie na enjoy na enjoy namang nakikipag selfie kila Mikee at Rhian sa tabing dagat.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon