Ilang araw na mula ng makauwi kami from Japan pero wala akong natatanggap na paninita buhat sa parents ni Kylie especially sa dad nya.Nakakapagtaka namang sa lapit ng Japan at sa dami ng source nya,Imposibleng hindi nya pa nababalitaang nagkasama kami ni Kylie ng ilang araw.Pero sa isang banda,kinakabahan din ako sa pananahimik ng dad nya,baka naman bibiglain na lang ako ng mga bagong pasabog nya.
"Ken,Natapos mo na ba yung pinagagawa ko sayong report?
_Charry.Na di ko namalayang nasa harapan ko na pala.
Magkasama kami ngayon dito sa office ng dean para sa inaayos naming program sa nalalapit na foundation ng Unibersidad.
"Matatapos na,inaantay ko na lang ung confirmation ng guest speaker na ininvite natin kung availble ang sked nya para sa lunes.
"Okey,mauna na ko.Babalik pa kasi ako sa gym para i check yung mga trainee ko._Charry.
"Okey sige lang.Ingat na lang din._AKO.Mula ng mag usap kami ni Charry nuon,mas naging maayos ang samahan namin bilang magkaibigan.Mas naging komportable kami at hindi na naiilang sa isat isa.Natuwa din sya ng ibalita ko sa kanya na okey na kami ni Kylie.Isa din nga pala sya sa tumulong kila MJ at VM nuon na makapag file ng leave ko dito nung nagpunta ako sa Japan.
Paglabas ko ng campus,naka abang na sa akin sina MJ at VM sa parking lot.
"Hey! Bakit dito kayo nag antay,sana pumasok kayo sa loob ng opisina._Ako
"Ang init maglakad,saka isa pa iwas na din sa mga estudyanteng nagkakagulo kapag dumarating kami.Marupok pa naman ako sa temptasyon!hahaha_VM
"Hahahaha.Sira! Mga bata pa yun.Gusto mo makasuhan ng Child Abuse?_Ako sabay batok sa kanya.
"Bakit ba,Anu ba namang magagawa ko kung sila ang lapit ng lapit ha?Saka hindi ko naman sila papansinin kahit magsihubad pa sila sa harap ko!_VM
"Uloool! Ikaw pa!hehehe.Kagabi lang,di mo tinantanan yung chiq na ka table mo sa bar eh!Pasalamat ka,walang nagsumbong sayo dun kay Mikee._MJ
"Hindi ko tinantanan o sya ung gigil na gigil sa akin hah? Nakita mo nga ung kamay ko,nakataas lang,Sya tong dikit ng dikit sa future nya!hahaha_VM
"Ken,di ka sumama kagabi sa bar.Daming newbie.Ung sexy starlet na si Suzane Smith,ang lupet.Ang galing gumiling._MJ
"As if naman type yun ni Ken.Alam mo naman mga tipo nyan, mga pang Super model ang dating._VM
"Hahahha kayo talaga.Pag nalaman yang ng mga girlfriend nyo ewan ko lang kundi magka world war 3._AKO
"Btw Ken,Samahan mo kami ni Verna.Daan tayo sa boutique.May mga bagong deliver daw na damit na dumating kanina.Ang bilin nila Kylie,isa isahin daw na i check ung mga items baka may mga damages._MJ
"Ganun ba,Sige dun na tayo magkita kita.Dala ko tong kotse ko eh. Bibili na din ako ng food natin for dinner._AKO
"Mabuti pa nga.Tamang tama,May dala akong beer sa kotse. Ilalagay ko na agad sa chiller pag dating ko dun sa shop._MJ
"Olryt! Kita kits! Sagot ko na lang kwento.Im sure bibili na din ng pulutan yan si Ken pagbili nya ng food natin eh._VM
"Ako ng bahala.Sige na,mauna na kayo dun._AKO.
Dumaan na muna ako sa isang resto kung saan nagki cater ng Steak at Pork belly.Sinamahan ko na din ng SISIG at barbeque para sa pulutan.Mahilig kaming tatlo sa mga karne.Bihira kaming kumain ng seafoods at isda,depende nalang sa okasyon at sa lugar.
Naka open na ang ipad ni MJ sa loob ng shop at nakikipag usap na sya kila Rhian ng dumating ako.Habang si Verna naman ay nag hahanda na ng lamesang paglalagyan ng mga binili kong pagkain.Naka close na kasi ang boutique ngayon kaya malaya kaming nakakapag usap ng kami kami lang.
"Hello beautiful ladies out there!Kamusta kayo?_AKO.Sila Mikee at Rhian lang ang nasa screen kaya hinahanap ko si Kylie.
"Hello din Ken.Kung hinahanap mo si Kylie,antay ka lang nagshower pa.kadarating lang kaya nun from her training._Rhian
"Kawawa naman ang sweetheart ko,Im sure pagod na pagod yun. Kumain na ba kayo?_AKO
"Yes Ken.Kakatapos lang namin.Bago kayo tumawag,kumain na muna kami para walang istorbo.hahaha._Mikee
"Babe! Nagbi behave kaba dyan?Baka puro ka pambababae ha, lagot ka sa akin!_Rhian.
"Hahahaha.Babe naman,goodboi na nga ko diba? Kahit tanong mo pa kila VM at Ken,diba guys behave ako?_MJ
"Ay naku Rhian,ewan ko lang ha.Kasi kagabi.._VM na pinutol na yung sasabihin dahil binatukan ni MJ
"Babe!Wag ka maniwala dyan kay VM ha.Mapag imbento yan! _MJ
"Mapag imbento pala bakit parang pulang pula ka dyan?_Rhian
"Mainit dito babe! Mahina yung aircon nyo! Si Ken na muna kausapin nyo,check lang namin ni VM yung aircon baka may sira._MJ na hila hila si VM na tawa naman ng tawa.
"Ken,Bantayan mo yang dalawa ha.Alam mo naman yang mga yan kapag may mga babaeng lumalapit sa kanila,sige din ang pakikipag flirt._Mikee
"Oo nga Ken.Lalo na yang si MJ.Naku,humanda talaga sa akin yan kapag nagloko sya.Kakalbuhin ko sila ng babae nya!_Mikee
Natatawa naman ako na napasilip kila MJ at VM na nagtatalo dun sa isang korner.Pareho naman kasi silang maloko sa mga babae talaga pero hanggang kulit kulit lang,wala namang feelings na involve.
"Guys,let eat na muna.Mamaya nyo na ituloy yang pag chi check nyo sa aircon.heheheh_AKO
"Nagutom na nga din ako bigla,tara na para makapag simula ng uminum.Babe,kain tayo,subuan kita._MJ na nagsimula na ding kumain.
"Hello sweetheart,hello guys.Im here na.Bakit now lang kayo nagdi dinner,late na ah!_Kylie na kadarating lang fresh from the shower.Bigla namang kumabog ang dibdib ko pagkakita ko sa kanya.Namiss ko talaga syang katabi at kayakap.haaaist.
"Hi sweetheart.Kain tayo.Medyo late na nga,ang tagal kasi maluto nung mga inorder ko kaya ang tagal ko bago nakabalik dito._AKO
"Ganun ba,sana kasi nagpa order na lang kayo.Sya nga pala guys pag na check nyo na ung mga items,mag iwan kayo ng magkakaibang style ng damit para sa mga maniquin.Nagbilin na ko kay Faith para sya ang mag ayos bukas pag dating nya._Kylie
"Dont worry Kylie,dadaan ako dito bukas para mag check.Sila Mildred at johna kasi inutusan ko bukas para sa permit na kailangan kong ipasa sa DTI.Iaasisist ko na muna sila Vine at Edna since sila lang ang maiiwan dito sa umaga._VM
"Mabuti pa nga VM.Mas okey siguro kung mag alternate kayong tatlo sa pag check ng shop.Mas okey na minomonitor nyo sila dyan para di naman nila iisiping pinapaubaya lang natin lahat sa kanila._Mikee
"Good idea hon! Sige,kapag maaga ako sa Agency ko i'll make sure na dumaan na muna dito._VM
"May travel ako back and forth bukas to Malaysia.Baka di ako maka daan.Pero by next day,ako ang mag susupervise dito dont worry guys._MJ
Hindi naman ako makapag salita.Kasi naman,Di ako kasali sa business nila.Wala naman kasi akong pwedeng iambag hindi kagaya nila MJ,VM at Kylie na may mga pera.
"Sweetheart,ikaw kelan ka available?Di mo ba sila tutulungan?_Kylie
"Gusto ko naman tumulong,kaso wala naman kasi akong idea sa negosyo nyo,Isa pa nahihiya naman akong makisali dahil wala naman akong ambag dito._Ako
"Anu kaba dude! Sa ating lahat toh! Saka ikaw ang representative ni Kylie,habang wala sya ikaw na muna ang gagawa ng para sa kanya._MJ
"Hahaha.Relate ako sayo Ken.Ganyan din kaya ako nuon.Nung pinasok ako ni MJ dyan,saka ako nagka interest sa fashion_Rhian
"Pare pareho lang tayong tatlo na walang ambag financially guys,Pero aminin nyo enjoy mag business kapag kasama mo ang mahal mo hindi ba? Kaya ikaw Ken,Wag ka ng mag worry dyan, Just enjoy and isipin mo na lang para sa future din nating lahat to kaya nating to ginagwa lahat._Mikee
"Wooooh! Thats my Girlfriend guys! Maganda na,Business minded pa! Ikaw na talaga honey! iloveyouuu!_VM
"Hahahaha.Iloveyou too honey! Tagay na yan!cheers! _Mikee
Nakisabay na din silang tatlo dun sa pag inum sa apartment habang magkakausap kami thru facetime.😉
![](https://img.wattpad.com/cover/95541589-288-k937766.jpg)
BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomanceKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...