After what happened,naging normal na sa amin ang lahat.Saka lang namin naikwento kila MJ at VM ang totoong nangyari.But ofcourse,may part na deleted na,kasama ng kay Tita Tere na kahit si Kylie ay hindi alam.Nagbakasyon na muna sa ibang bansa si Tito Alex at pansamantalang namahinga sa pagta trabaho.Hindi pa kasi sya masyadong nakaka recover sa mga sunod sunod na pangyayari sa kanilang pamilya.Sila Tita Shiela at Shiera naman,kasama na ni Kylie sa condo nya tumira.Sa next school year,itutuloy na ni Shiera ang pag aaral nya.
"Guys,lapit na wedding namin ni Mikee ha.Ihanda nyo na yung mga regalo nyo.Ayoko ng bababa ng five hundred thousand yung worth ha!_VM.Nasa taas kami ng boutique shop,Dito kami madalas nagkikita kita after office hours.At sympre kapag wala akong night class.
"Ang kapal mo VM,regalo lang pala habol mo sa amin kaya mo kami ininvite!_Rhian.
"Hahaha.Dina kayo nasanay dyan,Wag kayong mag alala guys, kahit walang gift basta andun lang kayo masaya na kami nun._Mikee
"Aba dapat lang noh!,ang mahal kaya ng pamasahe papuntang
Canada.Nabawasan ang savings ko dun ha._AKO
"Hahaha,kasi naman sweetheart,sabi ko na kasing ako na magbabayad ng pamasahe mo ayaw mo naman._Kylie
"Kaya ko din naman magbayad.May trabaho ako.Binibiro ko lang si Verna about that._AKO
"Im glad na meron tayong mayamang kaibigan dun sa Canada noh.Buti na lang talaga,mabait si Gabb at Stephen kaya wala na kaming problema sa paghahanda ng wedding ceremony namin ni VM._Mikee
"Haaay Oo nga!Grabeh,Malaking katipiran yun sa budget ko. Sya nga pala, ipadadala ko na lang sa mga bahay nyo yung mga damit nyo ha.Mahirap pa kung kayo ang kukuha nun._VM
"Much better.Hindi din ako maka alis during working hours,si dad kasi ang higpit ngayon...Ewan ko ba dun,binigyan nga ko ng pera,kailangan ko namang paghirapan sa shop nya.haaaist! Mga tatay talaga,problema ang dala!_MJ
"Hahahaha.Sinasanay ka lang nun sa negosyo nyo.Wala naman kasing ibang magmamana nung mga luxury cars na binibenta nya kundi ikaw lang noh!_Kylie
"Tama!Wala ng iba.hehehehhe.Parang si Kylie lang,look at her.Bukod sa Sampung resorts na ipinundar nya,May mga negosyo pa ang tatay nya na sa kanya din ipapasa balang araw. Tsk! Di magtatagal,may mga matatanda na tayong kaibigan! Hehehehe_VM
"Hahahaha.Sira! Hindi naman ako gagaya kay daddy na buong buhay na yata nilaan sa kakatrabaho.Ofcourse im BLESSED dahil para sa akin din naman lahat ng yun,kaya lang okey lang naman sa akin maging simpleng may bahay lang,kahit sa kubo lang pwede na sa akin._Kylie
"Woooooh!Ken,Ayan na oh.Grabeh,Nagpaparinig na si Kylie... Kelan ba kasi yung Proposal?Bakit ang tagal?_MJ
"Wag nyo kasing minamadali si Ken,For sure may hinanda yang pasabog later on.Antay lang tayo,diba KEN?hahahah_VM
Nagkunwari na lang akong walang naririnig.Lumabas ako sa balcony ng shop,Napatingin ako sa mga bituin sa langit.After what happened to Kylie, Inilagay na ng daddy nya sa pangalan ni Kylie ang lahat ng negosyo at mga ari arian ng pamilya nila.Kasama pa duon ang kayaman ng mommy Teresita nya.Mas lalong naging matayog ang bituin,Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit dahil kung dati rati halos abot kamay ko na sya,
parang mas lalo syang nagningning ngayon at lumayo ng lumayo sa abot ng tanaw ko.Hindi ko namalayan,napaluha na pala ako...
"Ang daming bituin sa langit diba sweety? Nasaan nga ba ako dyan,yun bang maliwanag na nasa malayo?_Kylie.Na nakaturo ang daliri sa itaas ng kalangitan.
Napatango lang ako.Hindi ako makapagsalita dahil ayokong makita nyang umiiyak ako.Ni hindi ko sya nilingon.
Pero yumakap lang sya sa akin mula sa likuran at sumandal sa balikat ko.
"Hindi mo kailangang abutin ang bituin Ken,Dahil kusa syang bababa para sayo.Kung palage mong iisipin ang layo ng distansya nyo,hinding hindi kayo magtatagpo.
Hayaan mong sya ang bumaba para mag abot kayo.
Kung bituin sa langit ang tingin mo sa akin,Ikaw naman ang ARAW ko.Ikaw ang nagsisilbing liwanag sa mga gabing napakadilim ng mundo ko.Palage kang may pabaong ngiti sa twing nakakaramdam ako ng kalungkutan at pag iisa.
Kahit kailan Ken,Hindi ko gugustuhing maging bituin kung mag iisa lang ako dun sa itaas.Mas pipiliin kong bumaba sa lupa na kasama ka dahil alam kong dun ako magiging masaya._Kylie
Napayakap naman ako sa kanya at humarap.Ibang iba na nga si Kylie.Hindi na sya ang dating Kylie nuon na masyadong matayog at Braty.Mas naging matured na sya at naging mas mapagpakumbaba.Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata.
"Im Sorry sweetheart.Sorry kung nakakaramdam ako palage ng panliliit sa sarili ko at nakakalimutan kong hindi ka na nga pala bituin ngayon.Matagal ka nga palang bumaba para sa akin.Im Sorry for being so Immature right now.I love you with all my heart,my FALLING STAR._AKO.Then i kiss her passionately.
Mas matagal,mas damang dama.Malakas na palakpakan naman ang nagpatigil sa halikan namin ni Kylie.Sila MJ at VM,inistorbo kami sa pagmomoment naming dalawa.Napailing na lang ako.
"Hey!Ang aga namang honeymoon nyan? Get a room dude! Wag kayo ditong maghasik ng lagim sa shop!deemmm!_VM tapos tawa sila ng tawang pumasok sa loob.
Sumunod naman kami at saka nagsimulang mag inuman.In moderation lang kasi may mga trabaho pa kami kinabukasan.
Puro lang kami asaran at kantyawan.Hindi naman na kami nagtagal at maya maya lang ay nagsiuwian na.Hinatid ko si Kylie sa Condo nya at nakipag kwentuhan sandali kay Aling Shiela at Shiera.Balak daw ni Shiera na sa University na pinagtuturuan ko mag enroll kaya nag offer naman ako sa kanya na tutulungan ko syang makapasok duon.
"Business Admin ang course ko ate Ken,balak ko sanang ituloy yun kung makakapasok ako._Shiera.
"Well,tamang tama.Sakop ng tinuturuan ko ang Business Ad kaya mas madali kitang matutulungan._AKO.
"Bakit naman sa University pa ni Ken mo gustong mag aral ha? Andami naman dyang mas malapit na School._Kylie
"Syempre ate para may kakilala na ko agad.At saka ayaw mo nun, mababantayan ko si Ate Ken sa mga chicks na aali aligid sa kanya dun._Shiera.
"Hahahha.Loko ka Shiera ah!Walang mga umaali aligid sa akin duon noh,loyal yata to sa ate mo!_AKO.Then kinindatan ko si Kylie
"Aba,okey nga yang naisip mo sis!Tama yan.Dun kana nga lang mag aral._Kylie.
"Kita mo to,Sineryoso nga!Sweetheart naman ih.Wala ka bang tiwala sa akin?_AKO
"Sayo meron,pero sa iba wala.Kaya okey na sa akin na dun mag aral si Shiera._Kylie.At nag apir pa silang magkapatid.
Natatawa naman sa amin si Aling Shiela.Napailing na lang ako, kahit kelan talaga,napaka SELOSA ng girlfriend ko..haaist!
"Sya nga pala ate,okey lang ba dito ko patuluyin si MK habang nandito sya sa Manila?Gusto daw kasi nya mag work para makapag aral sya._Shiera
"Uhmm,Walang problema sa akin.If want nya,sa boutique sya magtrabaho para hindi na sya mahirapan maghanap._Kylie
"Really ate?Naku,for sure matutuwa yun.Tatawagan ko na sya agad para makapag paalam na sya sa kanila!_Shiera.Na pumasok na sa kwarto nya.
"Ako din,mauuna na sa inyong magpahinga.Ken,mag ingat ka sa pag uwi.Pakisabi na lang sa Inang mo na magshopping at mamasyal naman kami minsan ha._Aling Shiela.
"Ay Opo tita,Sasabihin ko po kay Inang.Advance goodnight din po._AKO.
Naiwan naman kami ni Kylie sa sala na magkatabing nakaupo lang at nagkukwentuhan.Mga Isang oras din kaming nagkwentuhan lang at maya maya ay nagpaalam na din akong umuwi.
"Ingat sa pagmamaneho sweetheart.Tawag ka na lang pag nakauwi kana.Sweetdreams._Kylie.We kiss and then sumakay na ko ng sasakyan ko pauwi.

BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomansKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...