Fortyfive *KEN

3K 85 0
                                    

  "Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko?Sinabi ko na sayong layuan mo ang anak ko hindi ba,bakit pati sa pagsisimba ng pamilya mo karay karay nyo pa sya?Mga mapagsamatala!!!
_dad ni Kylie sa kabilang linya
"Magdahan dahan naman po kayo sa pagsasalita.Hindi mapagsamantala ang pamilya ko.Ang anak nyo ho ang nagpaka lasing kahit na pinipigilan na naming wag uminum._Ako
"At sino ba ang nag imbita sa anak ko para umattend ng Birthday party,hindi ba ang pamilya mo din?Lahat kayo,pera lang ng anak ko ang habol.Kaya tigilan nyo na sya!_Dad ni Kylie
"Sa totoo lang sir,ayoko na kayo sana@ng kausapin.Dahil baka di ako makapagtimpi may masabi lang akong di maganda sa inyo.
Pwede nyo akong hamakin at laitin.pero please lang WAG ANG PAMILYA KO.Bago pa mawala ang pag galang ko sa inyo,Tigilan nyo na ko.Wag kayong mag alala,Hindi ko na lalapitan at kakausapin ang anak nyo para sa ikatatahimik ng pamilya ko._AKO
"Dapat lang!Dahil sa susunod na malaman kong magkasama na naman kayo,hindi na ko mangingiming hilahin sya at kaladkarin sa harapan mo para malaman ng lahat na hindi kita gusto para sa anak ko!_Dad ni Kylie
Haaaist! Bakit ba may mga kontrabida sa buhay.Hindi na lang maging masaya sa buhay ng iba.Napasuntok tuloy ako sa pader dahil sa inis ko.Hindi ko napansin napalakas pala kaya nagdugo.

"Oh my gee,Ken!..Anung nangyari dyan sa kamay mo.Bakit may dugo?_Charry.Nasa labas kasi ako ng opisina at di ko namalayan nakasunod na sa akin si Charry dito sa labas
"Wala ito,Nasagi lang kanina.Papasok na nga ako sa loob para gamutin ih,sige pasok na ko sa loob._Ako.Naghanap ako ng panyo sa bag ko para matakpan ung gasgas.Hindi naman kasi sya ganun kalala.may konting dugo lang sya pero hindi naman grabe.OA lang mag reak talaga si Charry.
"Ken,are you okey ba talaga?Nagpabili ako ng bandage at betadine para di yan ma infect._Charry.Pati naman kasi sa CR nakabuntot sya.Wala ako sa mood magsalita ngayon kaya lumabas na lang ako sa CR at hinayaan syang gamutin ang sugat ko.
"Ayos lang naman ako Charry.Hindi naman to malala.Gasgas lang naman.Anyways,salamat sa pagtulong.Sige mauna na ko._ako. Sabay tayo na at dumiretso na sa tuturuan kong klase.
Palabas na ko ng school building ng masalubong ko sila VM at MJ na parehong nag aalala sa akin.Wala akong dalang kotse kasi ngayon dahil nagkataong coding.
"Budz,kamusta naman?Okey ka lang ba?_MJ
"Yang kamay mo budz,masakit pa ba?Patingin nga?_VM sabay kuha sa kamay ko.
"Sa kotse na tayo guys,Para dun na tayo magkwentuhan.Sakay na muna kayo._MJ
"Ang bilis naman ng balita.Para gasgas lang,masyado naman kayong nag aalala._Ako
"Anu ba kasing nangyari?Maliit na sugat nga lang pala.Ang kwento kasi ni...Ay hindi pala.Naisipan ka lang naming ayain uminum._VM
"Ang kwento ni Charry.Wag na kayong mahiya.Wala namang ibang magku kwento kundi sya lang.Wala nga kasi toh,gasgas lang._Ako
"Budz,sabihin mo nga sa amin.May problema kaba?Ang sabi ni Charry,nakita ka daw nyang sinuntok mo yung pader after mong ibaba yung fone na hawak mo._MJ
"Unang una,Sino ung kausap mo?pangalawa,bakit pader ang sinuntok mo.Sana ung mismong kinaiinisan mo ang sinuntok mo para mas masaya._VM
"Kung pwede ko nga lang bang suntukin yun ginawa ko na nuon pa.Kaso hindi pwede eh._Ako.Nakita ko namang nagkatinginan ung dalawa
"Buti pa,uminum na lang tayo.Tamang tama,Kadarating lang nung mag asawa from Japan._VM. Nasa tapat na kami ng Bar nila Aya at Rhaine kaya wala akong choice kundi bumaba na lang din.Pero hindi ako pwede magpakalasing tonight dahil may pasok pa ako bukas.
"Ayos ka lang budz?Balita ko may pinagdadaanan ka ngayon.Andito lang kami for you,alam mo yan._Aya.
"Ayos lang ako,alam ko naman maaasahan ko kayo guys,pero okey lang naman ako.Kaya ko to._Ako
"Kaya nga!Kaya pati pader na walang kalaban laban sinuntok mo!Yan ang hirap sayo eh,pag kami konting drama lang nakasabi agad kami sayo.Pag ikaw,palage mo lang sinasarili._MJ
"Hayaan na lang natin si Ken kung ayaw nya mag share sa atin. For sure naman kaya nya yung ihandle kaya ayaw nya sa ating sabihin.Ang mahalaga,andito lang tayo para sa kanya._VM
"Salamay guys.Saka ko na lang siguro sasabihin.Sa ngayon,kaya ko pa naman syang ihandle.Kapag kailngan ko na talaga ng tulong,alam ko namang maaasahan ko kayo._Ako
"Okey Ken,naiintindihan ka namin.Btw,si Kylie nga pala susunod daw dito._MJ
"Mauna na ko umuwi.May pasok pa bukas.Magta taxi na lang ako._Ako
"Ihahatid ka na namin.Umupo ka lang dyan.Alam mo budz,kahit di ka magsalita,alam namin si KYLIE ang problema.Wag mo syang taguan.Harapin mo.Alam naman namin na mahal mo sya, may mga bagay lang na pumipigil sayo.Kung nahihirapan ka na,bakit kailangan mong tiisin ang sarili mo para mahalin sya?_MJ
"Budz,hindi sagot ang pag iwas.Di kapa ba natuto sa mga nagawa namin ni MJ nuon?Look at yourself,sarili mo na yang sinasaktan mo.Baka sa susunod nyan,maging kagaya mo na ko._VM
"Hindi naman siguro aabot sa ganung point.Kaya ko naman kasing ihandle ang nararamdaman ko._Ako
"Hanggang kailan?Sa nakikita namin sayo,parang gusto mo ng sumabog eh.Nagkakayan kayanan ka na lang.Naglalakas lakasan. Budz,andito kami oh.Tutulungan ka namin._Verna
...Nakatulala lang ako.Hanggang kailan ko nga ba kakayanin ang lahat.Kahit naman anung gawin kong PAGTATRABAHO,hindi ko pa din matatapatan ang yaman ni KYLIE eh.Wala naman din akong magagawa para labanan ang tatay nya.Pero pano ko naman lalabanan ang bulong ng damdamin ko para sa kanya?..
"Hi guys,sorry im late.May dinaanan pa kasi akong ka meeting. Kamusta naman?Anong topic,mukhang seryoso tayo ah!_Kylie Bigla syang napatingin sa kamay kong may bandage kaya itinago ko sa ilalim ng mesa ang kamay ko.
"Nothing serious,nagka ayaan lang._VM.Na napatingin sa akin
"Gusto mo ba uminum Kylie?_MJ
"No,ayoko na muna.Mahirap na baka malasing na naman._Kylie
"Oo nga,balita ko dami mo daw pasabog last time na magkakasama kayo eh!_AYA
"Hahahaha! Naku,sobra.Kung alam mo lang.Pasalamat si Charry, nakauwi na sya.Kundi,baka nanghiram sya ng mukha sa aso nung araw na yun._VM
"Grabe ka!Di naman ako ganun ka warfreak.Saka di naman ako galit kay Charry.Pag lasing lang talaga kung anu ano sinasabi ko.
_Kylie
"Hindi ka nga galit,selos na selos lang!hahahaha._MJ
"Ay grabeh sya oh!Hahahha.Ang prangka mo.Indenials pa nga eh sinopla mo agad!_VM
"Hahahaha.Mga sira talaga kayo.Kaya lalo nagkakailangan yang dalawa sa kaka bully nyo eh!_Aya
"Yan kasi ang hirap sa inyong dalawa.Kinakailangan nyo pang gumamit ng CHARRY AT YOHAN para mapagtakpan yang mga nararamdaman nyo sa isat isa.Di nyo ba alam,mas dumadami pa ang masasaktan sa mga ginagawa nyo?_MJ
"May point si MJ guys.Lalo na si Charry,halata namang patay na patay un sayo Ken...Kung di mo naman sya gusto,wag mo nalang paasahin.Mas masakit kaya pag mas lumalim pa ang nararamdaman nya sayo._VM
"Hahahaha.Grabe,open forum talaga.Sabagay,mas okey na yan. I share nyo yang mga nararamdaman nyo wag nyo itago,kawawa naman kasi ung pader diba KEN?_Aya
"Bakit,anung nangyari.Anong pader?_Kylie
"I need to go.Saka na tayo mag usap ulit guys.May pasok pa bukas Mauna na ko sa inyo._ako.Sabay alis na.Pumara lang ako ng taxi tapos inalis ko ang benda ko sa kamay.Baka kasi makita pa ni inang at mag alala pa.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon