SIXTY THREE*KEN

3K 71 0
                                    

          Excited pa naman akong makausap si Kylie para ibalitang papasok na ako sa pasukan para sa ang doctoral ko.Pero dahil sa nalaman nya na pala na binalaan ako ng daddy nya nuon na layuan sya,hindi na ko nakapagkwento ng magandang balita.
Kaya na nga ba ayaw ko na sanang ipaalam pa yun kay Kylie,tyak na hindi sya titigil hanggat hindi nya makokompronta ang daddy nya.Mas lalong magkakagulo.Mas lalo silang magkakasira ng daddy nya.haaaist!Yun ang iniiwasan kong mangyari nuon pa.

"Anak,gabi na.bakit di kapa natutulog? May problema ba?_Inang.
"Inang! Bakit po kayo ang di pa natutulog? Hindi naman kayo sanay ng nagpupuyat.Ayos lang naman po ako dito.Patulog na din maya maya._Ako.Nasa labas kasi ako ng bahay at nakatanaw sa mga bituin sa langit habang nagmumuni muni.
"Naku anak,Nakatulog na nga ako.Naalimpungatan lang ako sa box na nasagi ko.Nag ayos kasi ako kanina ng sapatusan ko,hindi ko napansin,may kahon pa pala ng sapatos na naiwan sa paanan ng kama ko._Inang
"Hahaha,Inang talaga.Kay bata bata pa,nagiging ulyanin na! Tara na po sa loob ng makatulog na kayo ulit._Ako sabay sarado ng bintana at pintuan dito sa salas.
"Mabuti pa nga.Ikaw din matulog na.Kung anu man yang bumabagabag sayo ngayon,Ipagdasal mo anak..Walang hindi mareresolba ng pagtawag sa itaas.Siya,goodnight anak._Inang
"Salamat po Inang.Gagawin ko po yang paalala nyo.Kung nuon tatlong beses lang ako magdasal,gagawin ko pa pong lima para mas pakinggan ako ni God._Ako.Na pinigil ang matawa sa biro ko
"Seryoso ako anak!Alam ko naman may problema kayo ni Kylie,basta wag lang kayong bumitiw sa pagmamahalan nyo,hinding hindi kayo maliligaw ng landas na pipiliin nyo._Inang
"Salamat talaga inang.Salamat sa suporta at pag tanggap nyo sa relasyon namin ni Kylie.Kaya po lalong lumalakas ang loob kong ipaglaban sya dahil sa suporta nyo sa aming dalawa.Masaya ako at kayo ang ibinigay na magulang sa akin.Hinding hindi ko po kahit kailan kayo ipagpapalit sa kahit kaninong magulang pa. The best kayo para sa akin Inang!_Ako sabay akap sa kanya.
"Mabuti ka ding anak.Maswerte din ako sayo.Maswerte din si Kylie sayo.Kaya karapat dapat kayong maging maligayang dalawa.Palage mong tatandaan anak,hindi man tayo mayaman sa salapi,mayaman naman tayo sa kabutihang loob.Yun ang mahalaga.Yun ang magdadala sayo sa tagumpay anak._Inang
Ngumiti naman ako kay Inang bilang tugon sa sinabi nya. Atlis gumaan gaan ang nararamdaman ko dahil sa mga Inspiring words ni Inang.Nagpasya na akong matulog dahil maaga na naman ako sa pagpasok bukas.Bago ako matulog,Isang taimtim na dasal muna ang ginawa ko.

Pakiramdam ko,May mga matang sumusunod na naman sa akin.Kaya imbis na umuwi ako,naisipan kong makipag kita kila VM at MJ.Eksakto namang nasa Bar daw silang dalawa after nilang mag close ng shop.May mga ka table silang mga babae sa VIP room ng datnan ko sila dun.Pabirong kukuhanan ko na sana sila ng picture ng bigla nilang bulungan ang mga babae at sabay sabay na nagsialisan.
"Dude relax! Ikaw naman di na mabiro.Sinadya naming makita mo yun para sana aliwin ka,balita kasi namin may pinag dadaanan kayo ngayon ni Kylie._MJ.Na halatang madami ng nainum
"Hahahaa.Tama!Buti naman at naisipan mo kaming sabayan. Palagi ka naming inaaya dito pero ayaw mo.Alam mo kasi ken,Mahirap yung malayo sa minamahal,nakakalungkot._VM
"Pero hindi naman porke malayo ang mga mahal nyo,magti table na kayo ng mga babae!Kaya nga ayaw ko kayo samahan dito,Ganyan ang makikita ko._Ako
"Dude!Kakasabi lang ni MJ sayo.Gusto ka lang namin patawanin.Swear,kahit itanong mo pa kay Aya or rhaine hindi kami tumi table ng babae dito._VM
"Ewan ko sa inyo! Papakahirap yung mga girlfriend nyo sa malayo tapos kayo naman dito puro babae ang inuuna nyo._Ako
"Haaaist! Okey,okey.Sorry na.Alam naman naming mali.Pero eto totoo na.Wala kaming kinakama sa kanila.Hanggang dito lang kami sa bar._MJ.
"Totoo yun Ken.Inum lang talaga sila at saka kausap ang hanap nila dito.Kaya wag kang mag alala dyan.Binabantayan ko din kasi sila.Hindi namn ako mangingiming isumbong sila kay mikee at Rhian pag ginawa nila yun._Aya.Nakakapasok lang mula sa bar counter.
"Syanga pala KEN,nabalitaan namin yung tungkol sa pananakot at pagbabanta sayo ng daddy ni Kylie.Totoo ba yun?_Rhaine
"Kaya pala madalas kang malungkot nuon,May problema ka palang di sinasabi sa amin.At kaya pala ganun na lang ang pag iwas mo kay Kylie nuon,may matinding dahilan ka pala para gawin yun._VM
"Yan ang hirap sayo ken.Di ka nagsasabi ng nasa loob mo.Buti nakakaya mong dalhin lahat ng pang iinsulto at pagbabanta ng tatay ni Kylie sayo nuon pa?_MJ
"Haaaist! Mas okey na yung ako na lang sana ang nakaalam.Para hindi na magkagulo pa.Iniiwasan ko ding magkasira yung mag ama kaya hindi na lang din ako kumibo._Ako
"Alam mo ken,Bilib din ako sa tibay ng loob mo.Kung sa akin yun ginawa ng tatay ni mikee,baka matagal na kong sumabog.
Kaya nga diba,kahit sa States pa nya dinadala si Mikee nuon talagang sinundan ko pa sya.Hindi ako papayag na ganun ganun lang._VM
"Kaya kita mo,anung nangyari kay Mikee?Ayun,tinakwil na nga ng magulang tapos ikaw dyan painum inum at pa table table pa ng mga babae!_Aya
"Aya naman eh! Hindi nga sabi ako nangbababae!Nag aaliw lang. Wala naman akong ginagawang masama._VM
"So dude,anong plano nyo ni Kylie nyan? Im sure galit si Kylie sa tatay nya ngayon.Malamang mag away ung mag ama at mas paghigpitan nya si Kylie ngayong lumapit sayo._MJ
"Hindi ko pa din alam ang gagawin ko.Hindi ko alam kung anong aproach ang gagawin ko sa mga magulang ni kylie.Gusto ko sanang makausap sila at sabihin ang intensyon ko para sa anak nila_Ako
"Uhmm,basta if you need back up Ken..Dito lang kami.Sasamahan ka namin kung kailangan.Kahit ipalapa pa tayo ng daddy nya sa mga aso sasamahan kapa din namin diba Verna_MJ
"Sino naman nagsabing kahit ipalapa ka sa aso sasama ako? Pag aso na ang usapan,pass muna ako dyan guys! Si MJ yata gusto magpalapa.Sya na lang isama mo._VM
Nagtawanan  naman kami lahat sa biro ni Verna.Atlis kahit papano,nabawasan ang alalahanin ko after ko sila makausap.Isa pa,natutuwa akong malaman na may mga kaibigan akong handang umaalalay sa akin sa mga pinag dadaanan namin ni Kylie ngayon.
Nakadalawang bote lang ako ng alak pagkatapos nagkanya kanya na kaming uwian.Pare pareho kasi kaming may mga trabaho pa bukas.Sila Aya at Rhaine naman ay nangako na tutulong din para sa ikagagaan ng problema ko.
At dahil medyo nakainum.Madali akong inantok at nakatulog.
Kinabukasan ko na nalaman na may mga tao palang pumunta dito sa amin para sabihan ako na gusto daw akong makaharap ng tatay ni Kylie.
Kinabahan man,mas nanaig pa din sa akin na makaharap at makausap ang dad ni Kylie para matapos na ang alitan sa pagitan nilang mag ama.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon