forty four☆KYLIE

3K 81 0
                                    

Masakit ang ulo ko pag bangon ko.Pagdilat ko ng mata,Nagulat ako dahil nasa ibang kwarto ako.Tinignan ko ang sarili ko,baka wala akong damit or may ginawa akong nakakahiya na naman.Buti naman at nasa maayos pa akong kalagayanan. Pagbaba ko sa kama,muntik ko na palang maapakan si Ken!..Wait,Andito ako sa kwarto ni Ken?Haaaaist!Sa kalasingan ko,di ko na nagawang makauwi.Pero wala namang nangyari sa amin ni Ken.Sabagay,asa paba ko?Kung Normal nga sya,dedma lang sya sa akin,kung lasing pa kaya?Alam ko naman kapag lasing ako,galit sya at di ako kinakausap.Lumabas ako ng kwarto at nabungaran ko ang nanay ni Ken na naghahain na sa mesa.
"Good morning po._ Ako.
"Aba,good morning din iha.Tamang tama ang gising mo nakahain na ako.Tayo ng kumain._Inang
"Papano po si Ken,di po ba natin kasabay?_Ako
"Naku,gigisingin na yan ni Kian.Alam mo naman yang dalawa, close na close.Di yan kakain si Kian na di kasabay ang ate nya._Inang
"Ganun po ba,aantayin ko na din po sila para po sabay sabay na tayo.Sya nga po pala,pasensya na kayo sa abala._Ako
"Naku,hindi ka naman abala iha.Natutuwa nga ako at may kaibigan si Ken na gaya mo.Kahit na mayaman,hindi maarte at di matapobre._Inang
"Good morning ate Kylie.Good morning inang!_Kian sabay kiss sa inang nya.
"Good morning din KIAN,ang sweet mo naman sa inang mo._Ako
"Ganyan talaga yan si bunso ate akylie.Kahit sa amin ni ate,palagi yang pabebe.hahahaha_Miggy. Na kagigising lang din pero nakaligo na.
"Naku,kumain na tayo at ng makapag simba na.Baka mahuli tayo sa unang misa._Inang
"Pano si ate kylie ate ken,sasama ba sya sa pagsisimba natin?_Kian.Na nakatingin sa akin.tapos sa kakagising lang na si Ken,Napasulyap ako kay ken bigla,Kahit bagong gising ang gwapo este ang ganda pa din nya.Bigla tuloy akong na concious sa itsura ko.
"Nakakahiya naman.Pinatulog nyo na nga ako dito,pati pa ba sa pagsisimba abala pa ako._Ako
"Di ka naman abala sa amin ate kylie.Ang totoo nyan,masaya si inang na may kasama kaming babae dito sa bahay.May nakakausap sya._Miggy
"Totoo yun.Sabi ko nga dito kay Ken,mag asawa na.Para may kasama kami dito sa bahay na babae.Si Mickey kasi,nag asawa nga di naman sa amin pumisan kaya hindi din namin kasama madalas._Inang
"Inang naman.Andito naman ako ah.Babae din naman ako paminsan minsan._Ken.Nakakamot kamot pa.
"Hahahaha! Sira kang bata ka.Ang ibig kong sabihin,ung may nakaka usap ako tungkol sa mga fashion._Inang.At nagkatawanan naman kami lahat.
"Okey lang po ba na sumama ako sa inyo magsimba?Baka naman po nakaka abala ako?_AKO
"Naku,pahihiramin ka ni Ken ng damit nya.Madami yang damit na di sinusuot.Magsipag ligo na kayo at kami na ni Miggy ang bahala dito sa mesa._Inang.Nakaligo na kasi silang dalawa ni Miggy.Bale,kami nalang nila Ken at Kian ang inaantay.
"Mauna kana maligo,ihahanda ko na yung mga susuotin mo. Okey lang naman sayo ang pantalon at tshirt diba?_Ken
Tumango naman ako at dali daling pumasok sa banyo.Paglabas ko sa bathroom,nakahanda na ang mga damit at underwear sa kama.Magkasing katawan at magkasing taas naman kasi kami ni Ken.Pagkatapos ko magbihis,saka ako nagmamadaling lumabas.Naligo na pala sa kabilang banyo si Ken kaya ako na lang ang inaantay nila.Nakanganga naman sila Kian at Miggy sa akin paglabas ko sa kwarto.
"Bakit? May mali ba sa suot ko?_Ako.sabay tingin sa suot ko na din
"Wala ate kylie!Ang ganda mo pa din kasi kahit wala kang make up tapos kupas na yang mga damit na suot mo.Model na model pa din ang itsura mo._Kian
"Oo nga.Bakit pag si ate Kendra ang may suot nyan,mukha syang mahirap noh?hahaha.peace ate!_Miggy
"Kayong dalawa,ang dami nyong napapansin talaga.Oo na ako na mukhang mahirap.Halika na,si inang kanina pa nasa labas._Ken
"Tara na ate Kylie,ako ang bodyguard mo!_Kian.Na minuestra pa ang kamay at braso nya para dun daw ako sa kanya kumapit
"Kian!Ikaw talaga.Pabayaan mo lang ang ate Kylie mo.Paminsan minsan lang yan makakapaglakad ng walang bodyguard at alalay.Tara na,baka malate tayo._Inang
Magkatabi kami ng inang ni Ken tapos si Ken naman sa kabilang tabi ko.Ngayon lang ata ako nakapagsimba ng maaayos.Ung tahimik lang kaming nakikinig lahat sa misa.Nagulat pa nga ako ng hinawakan ni Ken ang kamay ko nung kinanta ang Ama namin.Pagkatapos ng misa,kumain na muna kami sa isang Fastfood.Si Ken ang nagbayad sa lahat.Natutuwa akong pagmasdan ang pamilya ni Ken,napaka saya nila sa kabila ng kasimplehan sa buhay. Na aalala ko kasi nuon,pag nagsisimba kami nila mom and dad,may kinakausap pa din si dad sa fone na kabusiness nya,tapos si mom naman panay ang tingin sa relo nya.Parang di naman nakikinig ng misa.Tapos pag uwi ng bahay kanya kanya na silang alis para mag asikaso ng business.Ako lang palage naiiwan sa bahay nuon mag isa.
"Ate kylie,okey lang ba sayo na dito sa fastfood lang kumain?_Kian
"Uu naman.Kahit saan pwede ako noh! Saka wala naman sigurong makakapansin sa akin dito._Ako
..Pero akala ko lang yun!mga ilang minuto lang,nagsilapitan na ang mga fans para magpapicture.Nahiya tuloy ako kila ken at sa inang nya na pinag aantay ko pa.
"Guys,pasensya napo.We need to go na.Salamat po sa inyo.Sa ibang araw na lang po._Ako
Nagmamadali naman akong inalalayan ng magkakapatid papasok sa kotse ni Ken.Bumalik na kami ng bahay nila at saka ako nagpaalam na para umuwi
"Ibabalik ko na lang ung mga damit mo bukas after ko mapalabhan._Ako.Na nakatingin kay Ken
"Okey lang,di ko na naman sinusuot masyado yan.Saka mo na lang isoli kapag nagkita tayo.Or padala mo na lang kila Verna at Mj._Ken
Tumango lang ako habang hinatid nya ko sa kotse ko.Kumaway naman ang Inang at dalawang kapatid ni Ken sa akin kaya kumaway din ako.
"Salamat Ken ha.Pasensya na sa abala.Pakisabi ulit sa inang at mga kapatid mo salamat._Ako
"Okey,makakarating.bye._Ken.sabay pasok na sa loob ng bahay nila
Bakit ganun,ang lamig lamig pa din talaga ng pakikitungo sa akin ni KEN.Kahit dun sa Kwarto,halata namang umiiwas sya sa akin.Sana pala di ako nagpakalasing at siniduce ko nalang sya. Masyado kasi syang conservative.Kundi lang kahihiyan sa sarili ko na din,ako na sana talaga ang gagawa ng first move para sa aming dalawa eh.haaaaist!KEN.bakit ba ang ilap ilap mo.

Umuwi ako ng bahay at tinawagan ang mga dapat tawagan. Napaka dami ko pa lang pending na papers na dapat pirmahan at saka si dad.Bakit ang dami nya namang miskol.Mamaya ko na lang sya tatawagan,gusto ko na munang matulog at magpahinga.
Muli ko na namang naalala si Ken.Parang ayaw ko na tuloy hubadin tong mga pinahiram nya sa aking mga damit.Feeling ko kasi,nakayakap pa din sya sa akin gaya nuon.Pero dahil need ko magshower,pina dampot ko na lang sa taga laba namin ung mga damit para malabhan.Isosoli ko nalang din kapag di na ko busy sa trabaho.Nakatulog na lang ako after kong magshower.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon