FIFTY SIX☆KYLIE

3.4K 85 2
                                    

                        Being with the one you love is the best feeling ever.
Ganito kasarap sa pakiramdam,ganito kasaya at ka romantic.
After ng Star gazing,(in MITAKA CAMPUS TOKYO) to be exact.Naglibot pa kami sa iba pang mga lugar dito sa Japan.
Bukas makalawa,uuwi na sila Ken.Simula na din ng trabaho at panibagong pakikipag sapalaran.Kung tutuusin,hindi ko naman kailangan pang tanggapin ang trabahong ito.Nagkataon lang na since hindi pa kami okey ni Ken nuon,gusto ko muna sanang magpakalayo layo.Pero ayos na din ang anim na buwan para maihanda ko ang sarili ko sa dapat kong sabihin at harapin pag nakausap ko na sila mom and dad.

"Sweetheart,are you okey? Parang ang lalim yata ng iniisip mo, may problema ba?_Ken.Sabay akbay sa akin.
Andito kami ngayon sa tapat ng Tokyo tower.May taas syang 1,092 ft, At pangalawa sa may pinaka mataas na structure dito sa Japan.Sa unang palapag ng tower matatagpuan ang isang aquarium na may 50,000 uri ng ibat ibang klase ng mga isda.Mga souvenir shop,restaurants and conservatory.Sa ikalawang palapag naman ay makikita ang foodcourt,habang sa ikatlong palapag ang wax museum,ang guiness world record museum.Ang ika apat na palapag naman ang arcade center at ang huling palapag ang main observatory and amusement park roof garden.Sa gabi mas magandang pagmasdan ang tower dahil sa napakagandang mga ilaw nito sa paligid.
"Okey lang ako sweetheart.Na aamaze lang ako sa tayog ng TOKYO TOWER.Napakaganda talaga nya sa malapitan._Ako.
"Kaya nga eh,bagay na bagay talaga sa mga lovers na kagaya natin.Look at Mikee and Verna,Ang sweet din nila oh_Ken.
"Magpapatalo ba ang team MJ at Rhian? Haahahah.Mas sweet sila oh, para silang mga batang naghaharutan at nasi selfie sa harapan ng tower._Ako
"Pero mas sweet pa din tayo.Sa isang bukas uuwi na kami.Im going to miss you.haaaaist! Kung pwede lang dito na din ako for six months._Ken tapos hinalikan ako sa lips
"Grabeh ka! Ang dami kayang nakatingin sa atin oh! Ken ha, nasasanay ka ng halik ng halik sa akin kahit nasa public places tayo!_Ako
"Eh ano naman? Wala akong pake! Hahahah.Kidding aside,Ang sarap mo kasi halikan eh,ang lambot ng lips mo tapos ang tamis pa.May asukal kaba dyan?_Ken sabay tingin sa lips ko tapos humalik ulit.
"Hahaha.Sira ka talaga! Para paraan ka lang eh! Nilalamig na ako sweetheart,di paba tayo uuwi?_Ako.
"Here,use my jacket.Malamig naman talaga.Baka sipunin ka kaya doblehin mo yang suot mo._Ken.
"Ay anu ka ba,ikaw naman ang nilamig nyan!Isuot mo na toh,kaya ko naman eh._Ako
"Im okey,yakap mo naman ako eh.Mas mainit pa nga tong yakap mo kesa sa jacket na yan._Ken.sabay kindat sa akin.
Napatawa na lang ako sa sinabi nya.Totoo namang hot kasi ako talaga kasi.hahahaha
"Guys,lets go back to the hotel.Medyo mag gagabi na.May isang araw pa tayo dito bukas,sulitin na natin bukas._MJ
Tumango naman kami at sabay sabay ng bumalik sa hotel namin.
Pagtapos naming mag shower at magbihis ng pang tulog,sabay kaming nahiga na sa kama at magkayakap na natulog.

Umaga na ng mapagkasunduan naming mamasyal sa UENO PARK.Nagkataong winter kaya hindi namin nakita ang pamumukadkad ng Cherry blossoms.Pero sa ganda ng park na to,sulit ang paglilibot naming magkakaibigan. May 8,800 na mga  mga ibat ibang klase ng mga puno.Ang SHINOBAZO PONDS,na may mga lotus beds na nakalatag duon sa lake naman ang sinasabing pinaka romantic na lake para sa mga lovers.Napapalibutan din ang ponds ng ibat ibang klase ng mga temple.
Pero kahit mapa winter or spring pa sya,hindi makakaila ang maganda at peaceful na atmosphere sa park na ito.
May Art gallery din at Museum sa loob mismo ng Park.
Bumili din kami sa starbucks ng maiinum na bitbit namin habang namamasyal.
May zoo din na matatagpuan dito.Bago kami pumasok sa Zoo, naisipan muna naming kumain sa isang Italian resto sa loob din mismo ng Euno.We ordered mhargarita pizza,and chocolate tiramizu na nagustuhan ko naman ang lasa.
Naaliw kami sa dami ng mga hayop sa loob ng Zoo. Tuwang tuwa naman si KEN sa mga giant pandas na nagmula pa daw ng China.
"Guys,can you please take a picture of me with the Pandas?_KEN
"Yan kaya ang pinaka gustong makita ng mga tourist dito._MJ.
"Hahaha,ang cute mo sweetheart!Para kang panda!_AKO
Nagtawanan naman silang lahat.
"Guys,i want to buy Crepes please..._Mikee
"I want a caramel brownie!_Ako.Para lang kaming mga bata na naglalambing.
"Lets go guys,Super enjoy naman ang pasyal natin today.Foodtrip naman tayo this time._VM.
Magkakahawak kamay kaming anim habang naglalakad sa kahabaan ng Takeshita street.Madaming stand duon na nagtitinda ng masasarap at nakakatakam na mga pagkain.
Gusto pa sana naming mag skiing pero kakapusin na kami sa oras.Sa ibang pagkakataon na lang siguro.Isa pang lugar dito sa Tokyo ang di namin napasyalan,Ang Tokyo Disneyland.
Last place na pinuntahan namin ay ang souvenir shops.
Namili sila MJ at VM ng mga pasalubong pag uwi nila sa Pinas, Instant ramen,Japanese green tea,chopsticks at mga goodluck and lucky charms.Bumili naman si Ken ng cute na Rilakkuma
Stuffed bear toy para sa pamangkin nyang si MIRO.
Bumili din ako ng mga keychain na may mga cute designs para ipamigay ni Ken sa mga co teachers nya.
...
"Guys,lets go to GINZA..May bibilhin lang ako dun para kay Mikee._VM.
"Oh really hon? Lets go guys,baka magbago pa isip neto._Mikee
"Anu namang meron dun? Baka naman gabihin na tayo nyan?_Rhian
"Hahahha,its the Biggest luxury SHOPPING district here in Tokyo.
Puro mga branded and authentic shopping malls ang makikita dun._VM na kakamot kamot ng ulo dahil for sure magpapabili din si Rhian sa kanya pagdating namin duon.
"Woooh! Bet ko dun babe! Tamang tama,may gusto akong bag na bilhin.Lets go na!_Rhian
"Hahaha.Patay tayo dyan Verna! Ubos ang pera natin nito._MJ
We go to BAPE,BEAMS and CA4LA shop,From caps,hats and shirt meron sila dito pero surely na mahal ang presyo.
Pumasok kami sa Sanrio world (the largest Sanrio product shop in the world) at bumili si VM ng malaking Hello kitty stuffed toy para kay Mikee.
"Thanks hon,your so sweet.Super like ko to.Uuwi ko toh sa Pinas._Mikee.
"Yan muna ang pansamantala mong i hug habang wala ako dito hon.Pasensya ka na muna._VM.sabay halik kay Mikee sa lips
"Ay grabeh sila oh! Kilig much.Babe,ako kaya anung bibilhin mo sa akin?_Rhian.
"What do you want ba babe? Lets go,mauna na tayo sa kabilang shop para makapili ka ng want mo._MJ.magkaholding hands naman silang lumabas sa sanrio shop para lumipat sa ibang branded boutique.
Sa WAKO sila pumasok at binili ni MJ si Rhian ng isang set of jewelries.
"Sweetheart,come.I'm going to buy something for you too. May nakita ako kanina dun sa isang shop na bagay sayo,for sure magugustuhan mo._Ken
Nagulat naman ako sa bigla nyang pag akbay sa akin at naglakad kami papasok sa UNIQLO shopping mall.Pinasukat nya sa akin ang isang cute na cute na Jacket na may hoodie at nagsukat din sya ng para sa kanya.Tawa kami ng tawa pag labas namin sa shop.Para kasi kaming mga teeny boopers na magkaparehas ang jacket na suot paglabas namin ng shop.
"Lagi mong isuot yan ha,para kahit wala ako sa tabi mo,parang nakayakap pa din ako sayo._ Ken.
"Hahahaha.Best gift ever! Super like!Sweetheart,ang cool ng naisip mo ha,atlis kahit nasa Manila tayo pwede natin tong sabay na isuot._AKO.
"Sympre naman.At saka pwede mo pa syang pang doble sa winter coat mo na ginagamit.Para di ka masyadong malamigan. _Ken
"Naku naman,ang sweet ng sweetheart ko oh!Lalo tuloy akong naiinlove eh!_Ako
"Hahaha! Kahit naman yata di kita regaluhan ng jacket eh,Inlove na inlove kapa din sa akin?_Ken
"Ang yabang mo talaga! Dyan ka na nga.Lakas ng hangin oh,baka tangayin ako!_Ako.Nauna na akong lumakad pabalik sa meeting place namin ng grupo.Pero agad naman akong hinabol at inakbayan ni Ken na tawa ng tawa sa akin habang naglalakad kami.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon