"So,Nakita mo na ang lalaking mapapangasawa ng anak ko.Nakita mo na din kung anung klaseng lalaki ang nababagay sa nag iisang anak ko hindi ba?Bukod sa itsura,CEO din sya ng sarili nyang software company.Bagay na bagay sa pamilya ng mga Samaniego._Dad ni Kylie.As usual,siguradong naireport na ng agent nya ang pagkikita namin nila Kylie sa resto.
"Wala naman po akong pakialam sa kung anung meron sa anak nyo at sa lalaking tinutukoy nyo.Like i said,Hinding hindi ako lalapit sa anak nyo gaya ng napag usapan na natin._AKO
"Mabuti naman kung ganun.Ayokong mababalitaan na nag uusap pa kayo o nagkikita ng anak ko.At saka hindi na magtatagal,ipakakasal ko na sila,kaya wala ka nang pag asa pa sa kayaman ng anak ko._Alex Samaniego
"Inyong inyo na ang pera nyo Mr.Samaniego.Hinding hindi ko kahit kailan gugustuhing magkaron ng kauganayan sa inyo.At lalong wala din akong pakialaman sa kayaman nyo.Kung pwede lang sana patahimikan nyo na ako at lalong wag nyo idadamay ang pamilya ko._Ako
"Wala naman talaga akong balak na kausapin ka,sa totoo lang nasasayang ang oras ko sa pakikipag usap sayo,wag kang mag alala,kapag kasal na ang anak ko at si Gabb saka pa lang mapapalagay ang loob ko._Mr.Samaniego
...Binaba ko na agad ang telepono ko at hindi ko na pinatulan pa ang huling sinabi ng dad ni Kylie.Pero bakit ganito ang pakiramdam ko,para akong biglang nanghina pagkasabi ng daddy nya na sya ang lalaking pakakasalanan ni Kylie.Parang isang bahagi ng sarili ko ang unti unting nauupos na parang kandila.Makakaya ko bang makita si Kylie na ikakasal sa iba?..
Pagkahatid ko kay Charry,parang ayoko pang umuwi na muna. Nagpasya akong dumiretso sa condo ni MJ.Gusto ko sanang may makausap man lang.
"Dude?Anung balita,bakit gabing gabi na?May problema ba?_MJ Gulat na tanong sa akin ni MJ pagbukas nya ng pinto.
"Wala naman,gusto ko lang uminum kahit konti._Ako
"Seriously?Sa pagkaka alam ko,ikaw yung klase ng tao na di mag aaya uminum unless may problema ka?_MJ
"Wala nga.Asan nga pala si Rhian,di ba sya dito matutulog?_AKO
"Umuwi muna sa kanila,dumating yung ate nya from Japan, gusto daw sila lahat kumpleto dun._MJ
...Tumango tango lang ako.Tapos tumayo na si MJ para kumuha ng alak sa ref.
"Tinawagan ko si VM,papunta na.Ilang years na nga ba tayo magkakaibigan dude?_MJ.saka inubos ang laman ng beer na iniinum nya mula sa lata.
"I guess almost 9years na din siguro.Bakit mo naman naitanong?_Ako
"Sa loob ng magsasampung taon na yun ba Ken,Wala ka pa ding tiwala sa amin ni Verna?_MJ
"Wala siguro,kasi never naman syang nag share sa atin ng problema eh.Sinasarili nya lang palage._VM na kadarating lang at binuksan agad ung beer in can na nasa mesa.
"Hindi naman sa walang tiwala guys,Ayoko lang kasi na pati ako problemahin nyo pa.For sure naman kasi,madami din kayong iniisip at inaasikaso._AKO
"Pero kahit sana papano,nagbabahagi ka din.Ang hirap kasi ng ganito,nanghuhula pa kami sa kung anong pinagkakaganyan mo._VM
"Haaaist.Ang hirap kasi ipaliwanag guys.Hindi ko kasi alam kung problema nga ba sya o ako lang nag iisip na problema nga sya.
_AKO
"Alam mo kasi dude,pano ka namin masasagot nyan kung hindi nga namin alam._MJ.
"Hindi pa ko handa magkwento guys,gusto lang muna sanang may makausap.Hindi ko lang kasi alam kung san ako pupunta kaya kayo ang naisip kong puntahan._Ako
"Alright.Naiintindihan ka namin.Di ka na namin pipilitin.Anyways,I have good news.Na featured yung mini fashion show namin sa isang tv show sa JAPAN and guess what? Nagustuhan nila si Kylie para mag one woman show sa isang clothing line duon._VM
"Hahahah.Good news nga yan.Ibang level na talaga si Kylie noh? Pang International talaga ang beauty._MJ
"Thats right.May contract signing na nga sila tomorrow eh._VM
"Teka,parang alam na alam mo ha.Ikaw ba hindi nakuha?_MJ
"Hindi eh,pero ang maganda dyan.Pwedeng mag merged ang clothing line na ii endorse ni Kylie sa clothing line natin._VM
"Really?Meaning pwede nating dalhin sa Japan yung shop natin? _MJ
"Yup! Balak ko sanang habang andun si Kylie for six months si Mikee at Rhian ang ipadadala ko na makakasama ni Kylie sa itatayong shop natin duon._VM
"Teka,bakit naman pati si Rhian.Di naman ako papayag nun dude!_MJ
"Wala ka namang choice,kasi talagang isasama din sya ng ate nya duon kahit di pa man nakuha nuon si Kylie._VM
"What do you mean?_MJ
"Actually,hindi pa kayo ni Rhian nuon naka ready na talaga ang papers ni Rhian pa Japan.Na udlot lang nung naging kayo na.Yung ate nya ang gumastos nun para sa kanya._VM
"What?Bakit di ko alam yun? Sinong nagsabi sayo nyan?_MJ
"Yung ate mismo ni Rhian.Sya kasi ung nagpakilala sa amin dun sa mismong may ari ng clothing line sa Japan tapos ngayon gusto nung may ari,isabay na sana si Kylie pag alis nya._VM
"Naku KEN,pano ba yan?Papayagan mo ba si Kylie na umalis pa Japan?_MJ
"Hindi ko naman hawak ang buhay nya,nasa kanya yun kung gusto nya.Labas na ako dun._AKO.Pero deep inside,natatakot ako. Kung andito nga sya sa Pilipinas,mahirap na syang maabot mas lalo pa kung nsa ibang bansa sya.
"So,ikaw MJ pumapayag kaba sa pagpunta ng Japan ni Rhian?_VM
"Uhmm,sympre hindi.Pero kung yun ang makabubuti para sa negosyo,Malapit lang naman ang Japan,kayang kaya ko syang bisitahin dun anytime i want._MJ
"Wow!Ikaw na ba yan MJ? Talaga yatang nag matured kana ng tuluyan ah!Pero sabagay,may point ka naman.Kahit nga ako,kung pwede ko lang maiwan ang Company ko basta basta,sa Japan na din ako mag i stay ng 6months eh,kaso hindi pwede kaya pasyal pasyal na lang din kahit once a month.hahaha._VM
"Kuripot mo talaga!Ako,every weekend ako bibisita dun sympre. Ngayon pa nga lang,namimiss ko na si Rhian eh.Haaaist!
"Kasi mas mayaman ka sa akin.Saka mas malaki ang kita ng negosyo mo.Alangan mag every week ako dun,pamasahe pa lang ubos na pera ko.Mahal kaya!_VM
"Wag moko pinaglololoko VM!Mambababae ka lang dito eh! Mahal ang ticket?Isang rampa mo lang yan,kahit araw araw kapa magpabalik balik di ka mamumulubi noh!_MJ
"Hahahaaha.Kahit na.Teka nga pala,pano si Ken?di nya makikita si Kylie for 6 months?Kaya ba yun budz?_VM
"Hahahaha.As if naman may magagawa sya?Ilibre mo ng ticket. Alam mo Ken,mas okey kapag nasa ibang bansa kayo,mas magagawa nyo ung mga bagay na di nyo magawa dito sa Pinas. Diba Verna?_MJ
"tama!Malay nyo,manumbalik ang na unsyami nyong pagmamahalan diba?LOVERS IN JAPAN lang ang peg nyo dun!
_ VM
"Kayo talaga,Puro kayo kalokohan!Wag nyo na ko isali dyan sa kakornihan nyong dalawa okey.Dito na lang ako sa Pinas,mas masaya dito.Saka di ako marunong ng japanese language.hahaha _AKO.
Mas maige na siguro na malayo si Kylie,Para mas madali para sa akin makapag move on.Lilipas din siguro ang nararamdaman namin para sa isat isa.Mas okey na sigurong wag na kaming magkita pa.
😢Sadlife.Tuluyan na kayang di na magkatuluyan sina KYLIE AT KEN?
BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomansaKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...
