SEVENTY NINE*KEN

2.5K 72 0
                                    



Ilang araw na ang lumipas bago ako muling tinawagan ng dad ni Kylie.May pag uusapan daw kaming mahalaga.Nagulat ako ng pagkadating ko sa meeting place namin,andun din si Gabb.
Napangiti ako ng makita ko sya.Matagal tagal din kasi kaming hindi nakapagkita.After ng di pagkakatuloy ng kasal nila ni Kylie nag stay na sya ng Cambodia with Stephen.
"Hey there Ken.Lalong guma gwapo ah!Kamusta na?_Gabb
"Im fine.Grabeh,ang tagal mong walang paramdam,hows Stephen?_AKO.Sabay tapik sa balikat nya.
"He's fine.Masaya.Iba na kaya pag mag asawa na,mas lalong tumibay yung relasyon namin._Gabb
"Mabuti naman kung ganun.Anyways,pinatawag ka din ba ni tito?Tungkol ba saan ang pag uusapan?_AKO
"Actually,hindi ako sure.Pero sa pagkaka alam ko,Pina i- imbestigahan nya sa mga tauhan ni dad yung tungkol sa tunay na ina ni Kylie._Gabb
Tumango tango ako at pagkatapos saka naman lumabas mula sa pinto si Tito Alex.Sa tantya ko,parang biglang tumanda si Tito mula nung huli kaming nagkita.Nagmano ako sa kanya habang kumamay naman si Gabb sa kanya.Sumenyas syang maupo kami
"Salamat sa pagpunta nyong dalawa.Pinag isipin ko muna at kinunsulta sa mga abogado ko ang lahat lahat bago ako magdesisyon sa mga bagay na pag uusapan natin ngayon._Tito Alex
"Well tito,Kaya naman andito kami dahil willing kaming tumulong sa abot ng aming makakaya._Gabb
"Alam ko naman yun Gabb.Maasahan ka talagang kaibigan ng anak ko.Ganun ka din Kendra.Alam kong hinding hindi nyo pababayaan ang anak ko kung anu at anu man ang mangyari._Tito Alex.
"Makaka asa po kayo tito._AKO
"Bago ang lahat,gusto ko munang malaman nyo ang tunay na kwento ng buhay pag ibig ko nuong araw.Ang dahilan kaya't nawalay si Kylie sa kanyang tunay na ina._Tito Alex

Flashback: 1990 TITO ALEX'S POV

Matalik na magkaibigan sila Tere at Shiela.Bff kung tawagin nila ang isat isa.Naging kaklasmate ko sila during college.
Una kong naging kasintahan si Shiela nuon.Dahil bukod sa maganda sya,matalino pa.Tinanghal din syang Miss Manila nuon dahil sa pagsali nya sa isang beauty pageant.Sya din ang madalas kong nakakadebate sa loob ng classroom nuon,at dahil parehas kaming nangunguna sa klase kaya naman palage kaming nagkaka usap.Hanggang sa magsimulang  mag away ang dating magkaibigan.Nuon pa pala,may lihim ng pagtatangi sa akin si Tere.Nang malaman nyang magkasintahan na kami ni Shiela,hindi na sya kinaibigan ni Tere mula nuon.

"Mahal,bakit ganun si Tere sa akin.Dati dati naman palage kaming magkasundo sa lahat ng bagay.Pero mula ng maging magkasintahan tayo,Bigla syang nag bago sa akin._Shiela
"Hayaan mo mahal,kakausapin ko sya para magkabati kayong muli._AKO
"Salamat mahal ah.Sana magka ayos na nga kami ni Tere.Alam mo naman na mahalaga sya sa akin diba_Shiela
Tumango lang ako at yumakap sa kanya.Hindi ko pa sure kung magiging maayos nga ba ang lahat.After ng klase,kinausap ko si Tere sa isang maliit na cafe sa likod ng campus.Mangilan ngilan lang ang tao duon kaya dun kami nagkasundong magkita at  mag usap.
"Ano bang pag uusapan natin Alex?_Tere
"Actually,tungkol sana sa bestfriend mong si Shiela.Nag aalala sya dahil bakit daw bigla kang nanlamig sa kanya?_Ako
"Ganun ba?So napansin nya pala.Akala ko habambuhay syang magpapaka manhid._Tere
"What do you mean?May nagawa ba sya sayo?_Ako
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa.Ikaw ang dahilan ng pagkakagalit naming dalawa!_Tere
Saglit naman akong natulala.Ako ang dahilan.Papano?
"Papanong ako ang dahilan?_Ako
"Simple lang naman.Inagaw ka nya sa akin!_Tere
"Inagaw?Anung ibig mong sabihin?_AKO
"Nung una pa lang,alam na ni Shiela na gustong gusto kita. Madalas akong bumabati sayo kapag dumarating kana sa klase,pero hindi mo lang ako napapansin nuon.Akala ko naman,gusto mo din ako kasi panay ang tingin mo sa likuran. Yun pala,kay Shiela ka nakatingin._Tere
"Pero teresa,hindi naman tamang magalit ka nalang ng ganun kay Shiela.Unang una,ako ang unang lumapit sa kanya._Ako
"Kahit pa!Alam nya namang gustong gusto kita pero hindi nya pinigilang landiin ka kaya ambilis lang naging kayo na agad._Tere
"No.Hindi malandi si Shiela.Hindi nya kasalanan kung magkagusto ako sa kanya.At lalong hindi nya kasalanan na mahalin nya din ako._AKO
"Kaya nga!Kaya nga hindi ko na sya gustong maging kaibigan pa.Hindi ko gustong magkaron ng ahas na kaibigan.Kaya mula ng maging kayo,pinuputol ko na din ang pagiging magkaibigan namin._Tere
...Umalis si Tere at saka ako biglang nahimasmasan.Pano ko ba sila mapagbabating magkaibigan.Ako pala ang may kasalanan sa pagkakaroon nila ng gap sa isat isa.
Sinabi ko lahat yun kay Shiela at kahit pati sya biglang nalungkot sa nangyari.Hanggang sa dumating kami sa graduation nuon at nagkainuman ang lahat.May nangyari sa amin ni Shiela.Sa kauna unahang pagkakataon sa buhay naming dalawa,kami'y nag isa.Naisipan naming magplano ng magpakasal pero hindi pumayag si papa.Dahil pabagsak na ang kumpanya nuon ni papa,pilit nya akong pinakakasal sa anak ng kanegosyo nya.Para daw maisalba ang kumpanya namin,kailangan kong pakasalana ang taga pagmana ng Samonte group na si TERESITA Samonte.Wala akong nagawa.Kinalasan ko si Shiela at nagpakasal kay Teresita.
"Buntis ako Alex.Pero bubuhayin ko ang anak ko at palalakihin ko syang may paninindigan.Hindi ko kahit kailan ipadadama sa kanyang kaya ko syang iwanan dahil lang sa salapi kagaya ng ama nya._Shiela.
"Pero Shiela,wala akong magawa.Buhay ng pamilya ko at ng maraming tao ang nakasalalay dito.Kapag hindi ako nagpakasal kay Teresita,maba bankcrupt ang negosyo namin at tuluyan na kaming maghihirap._AKO
"Kaya nga ito na ang huling pagkakataon na magkakausap tayo.Hinding hindi mo na ko makikita at hinding hindi mo makikilala ang anak mo!_Shiela
"Pero Shiela,anak ko din yan!Hindi mo magagawa sa akin yan. Hinding hindi ako papayag na hindi ko sya masisilayan man lang!_AKO
"Wag mo kong subukan Alex.Hindi man ako sing yaman ni Teresita,kaya kong gawin ang lahat para mailayo sa inyo ang anak ko._SHIELA
"Hahaha.Ang yabang mo din umasta noh?Akala mo yata,porke naging kayo nuon ni Alex,hindi ko na sya makukuha sayo,pwes nagkakamali ka.Look at him now,Diba nasa akin na sya?Kaya kayang kaya ko ding kunin yang anak na pinagmamalaki mo kung gugustuhin ko!_Tere.Na dumating pala at nakikinig sa mga pinag uusapan namin ni Shiela.
"Magkakamatayan tayo pero hindi mo makukuha ang anak ko.At saka,yan bang lalaki na yan ang pinagmamalaki mong nakuha mo?Sayong sayo na sya!Hinding hindi ko kahit kailan gugustuhing mahalin pang muli ang lalaking WALANG PANININDIGANG GAYA NYA!Hindi ko kahit kailan pabababain ang pagkatao ko dahil lang sa pera,Nasusuka akong isipin na makisama sa lalaking KAYA AKONG IPAGPALIT DAHIL LANG SA PERA!_Shiela.
Saglit akong napatingin sa kanya at saka umalis sa lugar na yun. Tama naman si Shiela.Mas pinahalagahan ko ang salapi kaysa pag iibigan naming dalawa.Napaluha ako sa sakit ng damdamin ko.Hindi ko na mababawi pa ang lahat.Nangyari na ang nangyari.Kahit na anung dahilan pa ang sabihin ko,Maling mali pa din ako sa naging desisyon ko.Pero wala na akong magagawa pa.
Hanggang sa mabalitaan ko na lang na nakapanganak na si Shiela at sa PALAWAN daw nagpunta.Hanggang duon na lang ang nalaman ko,kaya naisipan kong hanapin silang mag ina.
Pero bago ko pa lang sana planong magpunta ng PALAWAN,
Isang sanggol ang dala ni Teresita sa bahay namin at saka nya ipinangalanang KYLIE SHANE  SAMONTE SAMANIEGO.



IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon