SEVENTY THREE*KEN

3K 76 0
                                    


               Ambilis talaga ng araw,Pauwi na ako ulit sa Pinas.May pasok na kasi ako at dalawang araw na kong absent.Hinatid ako ni Kylie sa Airport.May mga excess baggage ako dahil madami syang biniling pasalubong para sa mga kapatid at nanay ko. May mga pinadala din syang mga damit para naman sa shop.Wala kaming ginawang dalawa kundi magyakapan sa loob ng Airport.
"Sweety,baka naman malate na ko sa eroplano nyan.Grabe naman tong akap mo.Parang ayaw mo na ko bitiwan ah!_Ako.
Pero sa totoo lang,nahihirapan din akong iwan sya mag isa.
"Sweetheart,dito ka na lang...Samahan mo ko dito._Kylie
"Kung wala lang akong trabaho talaga sweety,Hindi na kita iiwan dito.Haaaist.Konting tiis na lang,magkakasama din tayo._Ako
"Tawagan moko agad ha,saka yung bilin ko sayo...Wag titingin sa ibang babae!Lagot talaga sila sa akin,makikita nila ang totoong  brat na si Kylie!_Kylie
"Hahahaha.Sira ka talaga!Wala namang magkakamaling lumapit sa akin ah.At saka never naman talaga kong tumingin sa iba..Ikaw lang sapat na._Ako.
"Dapat lang!Oh sya sige na,baka maiwanan ka na ng eroplano.Ingat sweetheart.I love you._Kylie sabay halik sa akin
"Thanks sweetheart.Ikaw din mag ingat ka dito ha.Tatawagan kita palage to make sure na di ka na naman nag eemote dyan. Tapos make sure na ilock mo palage ang apartment mo.Kapag may problema,tawagan moko agad.Lilipad ako para saklolohan ka._Ako. Sabay kindat sa kanya.
"Opo Sir Superman!Copy that!_Kylie na sumaludo pa sa akin.
Kumaway ako sa kanya bago dumiretso na sa loob ng eroplano.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luhang kanina pa gustong lumabas.Palage naman akong sentimental kapag ganitong sitwasyon.Nahihirapan akong lumayo sa kanya.Pero kailangan naming magtiis.May mga pangarap kami sa buhay na kailangan naming tupadin.Hanggang sa nagpasya akong umidlip muna habang nasa ere pa ang eroplanong sinasakyan ko.Nagising ako dahil sa parang may dumuduyan sa akin.Napamulat ako ng madinig kong may mga taong nagkakagulo sa loob ng eroplano.
"We need to be calm sir and ma'm.We're just having a  small problem regarding the weather condition.Please be seated and fasten your seatbelt for your safety._Flight attendant.
"Miss,Anung nangyayari?Hindi ba delikado?_Ako.Medyo kinakabahan na kasi ako sa lakas ng galaw namin dito sa loob.
"Ma'm,ginagawa na po ang lahat.Naka aĺerto na din po ang mga staff para ma assist po kayo.Pakisuot na din po ng mga lifevest nyo._Pinay sterwardess.
Then isang malakas na pagsabog na lang ang narinig ko at pagkatapos nun wala na kong nakita sa buong paligid ko.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko.Puro puti ang nasa paligid ko.Hindi ko alam kung nasaan ba ako.Hanggang sa maalala ko ang huling nangyari sa akin.Ung eroplanong sinasakyan ko.Napa sigaw ako bigla dahil parang may kumirot sa bandang ulo ko.
"Ouchhh!Ang sakit ng ulo ko._AKO.Napahawak ako sa itaas ng ulo ko at saka ko nalaman na may benda palang nakalagay sa akin.
"Miss,wag po kayo masyadong gumalaw.Baka po magdugo ang ulo nyo._Nurse
"Ah,okey miss.Pero asan ba ako?what happened dun sa eroplanomg sinakyan ko?_Ako
"Nasa hospital po kayao ma'm.Ligtas naman po lahat ng sakay ng bumagsak na eroplano.Maliban lang sa mga sugat at mga may ilang nashock pa sa naganap na aksidente._Nurse.
"Salamat miss,By the way may mga nagpunta na ba ditong kamag anak ko?_Ako.Nagtataka ako bakit mag isa lang ako dito maliban sa nurse na kausap ko ngayon.
Bigla akong kinabahan...Baka napadpad ako sa ibang lugar tapos nagka amnesia ako.Tapos dahil wala akong pagkakakilanlan, walang kamag anak na nag claim sa akin!Tatayo sana ko pero biglang sumakit ung ulo ko kaya nagpasya akong matulog na muna.
Pagdilat ko,nagulat ako na madaming ulo na nakapalibot sa akin.
Inisa isa ko silang tignan kung kilala ko sila pero bakit parang wala akong matandaang nakita ko na sila.
"Kamusta na ang pakiramdam mo iha?_Babaeng maganda pero may edad na ng kaunti.Ito kaya ang nanay ko?Sa isip ko.
"Hey dude!Are you okey?Sabihin mo lang kung may masakit sayo tatawagin ko si doc._Isang dalagita na parang lesbian kumilos pero parang pamilyar sa akin ang itsura.Infairness,maganda sya.
"Dude!Wag mong binibigla si ate,baka bigla kang masapak nyan. Hahaha._Lesbian na maiksi ang buhok.
"Kayong dalawa,wag kayong masyadong magulo dyan.Naguguluhan sa inyo ang pasyente natin._Aleng maganda
"Ahmm,Mawalang galang na po.Si-Sino po ba kayo?_Ako
Nagkatinginan naman silang tatlo at eksaktong dumating na ang doktor na tumitingin sa akin.
"Miss,Ako si Doc Gia.Ako ang doctor na humahawak sayo mula pa ng dalhin ka dito sa hospital.Wag kang mag alala dahil sagot ng Airline company ang lahat ng gastusin mo dito sa hospital._Doc
"Ganun po ba,salamat naman po kung ganun.Sa palagay ko kasi private ang hospital na to kaya nag iisip talaga ako ng gastos sa pambayad ko dito._Ako
"Naku,wag kang masyado mag isip ng kung ano ano.Makaksama sayo yan.Ang mabuti pa magpahinga ka lang para mas mabilis ang pag recover mo._Doc Gia
"Ayan miss ha,sabi ni doc dont overthinking daw.Dapat chill ka lang_dalagitang maganda
"Hahahah,anung english yan dude!Mahiya ka nga!Miss,wag mo syang pansinin sira ang tuktuk nyan eh!_Lesbian.
"Kayo talagang dalawa,napaka ingay nyo.Naguguluhan sa inyo si.. Iha,anu nga ba ang pangalan mo?_Aleng maganda.
"Kendra po._Maagap kong sagot.Tsk! Alam ko naman pala ang pangalan ko,pero sino ba tong mga nasa harapan ko?
"Ako si Shiera miss.Eto naman ang kaibigan kong si MK.At sya naman ang maganda kong nanay,si nanay Shiela._Dalagitang maganda.
"Hello sa inyo.Ako si Kendra.Ahmmm...Pwede bang magtanong?_Ako
"Sure miss Kendra,Anu ba yung itatanong mo?Kung bakit ako maganda?Hahahha._Shiera.
"Actually miss,hindi sya maganda.Gwapo sya.Kasi Lesbian yan nagpapanggap lang.hahaha _MK.
"Kayo talagang dalawa.Hayaan nyo na muna si Kendra na mag tanong._Aling Shiela.I look at her,kamukha nya si Shiera,younger version nya pero parang meron pa syang kamukha na hindi ko matandaan kung sino.
"Ahhhm kasi po naguguluhan ako kung nasaan po ba ako,tapos pano ba tayo nagkakilala?_Ako
"Ay naku iha,Andito ka sa Palawan.Nakita ka nitong dalawa sa tabing dagat.Mga volunteer rescuer kasi sila,Tapos tamang tama naman na isa ka pala dun sa mga biktima ng aksidente sa eroplano kaya sinamahan ka ng dalawa dito sa hospital._Aling Shiela
"Ganun po pala.Akala ko kasi,talagang mga kakilala ko kayo pero hindi ko lang matandaan.Anyways,Salamat sa inyong dalawa ha_Ako
"Hahahha.Ateh kendra.Akala mo siguro nagka amnesia ka noh? Yun kasi madalas ang takbo ng kwento sa mga teleserye at mga pocketbook._Shiera.Sabay apir kay MK na tawa din ng tawa.Pati tuloy ako natawa.Totoo naman kasi,ganun nga ang naisip ko.
"Kayo talagang dalawa! Ay sya nga pala iha,padating na daw ang pamilya mo at mga kaibigan.Medyo natagalan lang sila ng kaunti dahil may inantay pa daw na mula pa ata sa Japan._Aling Shiela
"Ganun po ba.Maraming salamat po sa pag aalaga nyo sa akin. Hindi ko kayo makakalimutan._Ako.
"Ate Kendra!Kanina pa kasi bulong ng bulong tong si MK.Nag aalangan lang ako itanong.heheheh._Shiera
"Ano ba yun?Baka naman kaya ko sagutin._Ako
"Yun kasing babae na nakausap namin sa fone,iyak ng iyak habang tanong ng tanong kung kamusta ka daw.Naguguluhan kami.Kylie daw ang pangalan nya.Kaano ano mo yun?_MK.Hjndi na nakatiis kaya sya na din ang nagtanong.
Napangiti naman ako sa tanong nila.Actually parang di naman sya tanong,Parang gusto lang ikumpirma.
"Kylie?uhmmm,well Girlfriend ko yun._Ako.Na pinipigil matawa
"Sabi na sayo ih!Kabaro natin sila ate!Ayaw mo pa kasi maniwala _MK
"Hahahaha.Ang lakas mo talaga sa ganun noh?Basta chismis alam mo kaagad._Shiera.
Imbis na mabagot ako at malungkot habang andito sa hospital naaaliw ako sa kanila.Sobrang thankful ako at sila ang nakakuha sa akin.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon