Nakauwi na ako ng bahay.Nakapagpalit na din ako ng damit na pantulog pero hindi pa din ako dalawin ng antok.Nababahala ako sa mga sinabi sa akin ng daddy ni Kylie...Bagamat pinayagan nya na kami sa relasyon naming dalawa,may isang bagay pa ding hindi malinaw sa akin...Tuloy pa din daw ang kasal nila Kylie at Gabb.haaaaist! Hindi ko maintindihan kung bakit at papano pero yun daw ang bilin ng ina ni Kylie bago sya mamatay.Ang makasal ang anak nya sa lalaki.
Papano ko ihahandle yun sa paraang hindi ako makakasagasa sa isang taong nasa huling taon na ng kanyang buhay?Si Gabb,si Kylie...Alam kong hindi sila papayag mangyari yun,Pero hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoong dahilan. Nagflashback sa akin ang iba pang pag uusap namin ng daddy ni Kylie habang nasa resort kami..."Look at this palace...Kahit ako namangha sa ganda ng lugar na ito.Nung bata pa si Kylie,madalas nyang sabihin sa akin na gusto nya daw tumira sa isang palasyo gaya ng nababasa nya sa mga libro ng fairy tale,at dahil bata...Sinasakyan ko naman ang mga sinasabi nya._Daddy ni Kylie
"Lahat po naman yata ng batang babae,pangarap tumira sa isang palasyo sir._Ako
"Yeah,kaya nga ang sabi ko noon sa kanya..Anak,kung gusto mong tumira sa palasyo,kailangan mong makapag asawa ng isang prinsipe._Daddy ni Kylie
"Ohhh!Para pong hindi iyun ang nangyari sir._AKO.Napayuko tuloy ako.Nasa ikalawang palapag kami ng palace,isang terrace na nakaharap sa dagat,may malawak na espasyo para sa mga gustong mag sight seeing at isang six sitter na lamesa na may bandang gitna para sa mga gustong dun mag relax habang nagkakape.
"Well,hindi na yun mahalaga.Ang importante,natupad nya ang pangarap nyang palasyo sa sarili nyang pagsisikap.Bata pa lang si Kylie,Marunong nya syang mag impok.At kahit may mga bagay na hindi man kayang bilhin ng salapi,Sinisikap kong hindi makaramdam si Kylie na kulang ang buhay nya sa Pagmamahal mula sa amin ng mommy nya._Dad ni Kylie
"Sir,Sa totoo lang po akala ko nuong una...Spoiled brat tlaga si Kylie,pero nung nakasama ko na po sya ng madalas,saka ko napatunayang napakabuti nya pong tao._AKO
"Madami nga akong naririnig na ganun ang tingin sa kanya ng iba,Suplada kasi sya at hindi pala kibo sa mga taong hindi nya kakilala.Pero sa mga taong malalapit sa kanya,napakalambing at mapagbigay nya._Dad ni Kylie
"Opo sir.Saksi po ako sa mga kabutihang pinapakita ni Kylie sa mga taong mahal nya.Totoo pong napakabuti nya,lalo na po pagdating sa inyong mga magulang nya._Ako
"Kaya nakiki usap ako sayong wag mong sasabihin kay Kylie ang tungkol sa mommy nya.At nakikiusap din ako sayo na sana maunawaan mo ang huling habilin ng kanyang ina na magpakasal sya kay Gabb.Kung ako lang,hindi ko na itutuloy ang kasalan,pero dahil sa iyon ang huling habilin ni Teresita,Sino naman ako para hindi yun tupadin bilang asawa._Daddy ni Kylie
"Sir naiintindihan ko po.Pero hindi ko maipapangako na maiintindihan din yun nila Gabb at Kylie sa paraang hindi nila kailangang malaman ang totoong dahilan.
Sir,Kung para sa kapakanan ng mga taong mahal ni Kylie,Handa akong magpaubaya at magparaya...Pero hindi ko hawak ang puso at isipan ni Kylie,kung anu't anu man po ang mangyari hahayaan ko pong sa inyo nya dapat malaman ang puno't dulo ng lahat.
_AKO
"Kaya nga ikaw ang kinausap ko.Alam kong hindi ako mapapahiya sayo base sa karakter at pagkatong nalaman ko buhat sayo.Mabuting pamilya at maganda ang pagpapalaki sayo ng mga magulang mo at hinahangaan ko sila dahil duon._Daddy ni Kylie
"Salamat po sir.Salamat po sa tiwala.Ang totoo po nyan,aaminin ko na sobra akong nagdamdam sa mga nangyari nuon sa atin.Hindi po ako santo para hindi masaktan at hindi makaramdam ng kaunting galit,gayun pa man mas pinili ko pa din irespeto ang gusto nyo.Mas pinili ko pa ding unawain kayo sa abot ng aking makakaya.Pasensya na din po sa mga salitang nasabi ko nuon,at pasensya na din po na hindi ko sindyang mahalin ang ANAK nyo._Ako
"Nang makita ko kung gano kaganda ang lugar na ito,saka ko lang mas lalong naintindihan kung gano ka kamahal at kagusto ng anak ko...Hindi lang dahil sa natupad nya ang pangarap nyang palasyo,kundi sa pagkakaroon nya ng PRINSIPE SA KATAUHAN MO,NA NAGSISILBING TAGAPAGLIGTAS NYA SA PANAHON NG KANYANG KALUNGKUTAN AT PAG IISA._daddy ni Kylie
Napangiti naman ako sa sinabi ng dad ni Kylie...Atlist kahit papaano,masarap marinig ang mga salitang yun mula sa labi ng taong minsan na ding nanakit sa damdamin at pagkatao ko.
Lahat ng sakit at pait na naramdaman ko nuon,napalitan ng kakaibang pakiramdam."Anak,kanina pa tunog ng tunog ang telepono mo.Naiwan mo yata sa salas!_Inang.Nasa kwarto na ako,bigla kong naalala hindi ko pa nga pala nakakausap si Kylie.
"Opo inang,lalabas na ko._AKO.Sabay bangon ko para kunin ang cellfone ko sa salas na naiwan ko pala kanina bago ako pumasok sa kwarto ko.
"Anak,mabuti at gising kapa.Nag alala ako sayo,bakit ka pinatawag ng tatay ni Kylie,may problema ba?_Inang
"Inang,Opo,nag usap po kami ng tatay ni Kylie.May mga ilang bagay lang po syang sinabi sya sa akin._Ako
"Hindi kaba naman nya sinabihan ng masama?_Inang
"Hindi naman po inang,wala naman po syang nasabi sa aking masama.wag po kayong mag alala._Ako
"Ganun ba.Naku mabuti naman.Akala ko kasi kaya ka pinatawag para bawalan kang lumapit sa anak nya._Inang
"Wag po kayong mag alala inang,hindi po ganun,wala naman po syang sinabi na bawal kaming magkita o magkasama ni Kylie._AKO
"Salamat naman kung ganun.Nakahinga ako ng maluwag.Sya nga pala bukas na ang sampa ni Mickey ng barko,ihahabilin daw nila si MIRO sa atin dahil ihahatid pala ni Rome ang nanay nya sa province._Inang
"Ganun po ba,sige po inang ako na po muna ang bahala bumili bukas ng gamit at mga kakailanganin ni Miro._Ako
"Salamat anak.Mas magiging masaya sa bahay nyan bukas,may kaaliwan ang mga kapatid mo pagkauwi mula sa eskwela._Inang
"Oo nga po inang,masaya nga po talaga kapag may bata sa bahay. Pasensya na po,hindi ko po kayo mabigyan ng apo._Ako
"Ahahaha!Anu ba naman yan anak.Ayos lang,sa dami ng mga kapatid mo,sigurado akong mapupuno ng mga bata itong bahay natin,mga ilang taon pang darating._Inang
"Sigurado po iyun inang.Ngayon pa nga lang lahat na ata sila may mga girlfriend na,mga ilang taon na lang siguro may isa na namang magpapa alam sa inyo nyan para magpakasal._Ako
"Aba'y mainam yun anak,Para naman may makakasama naman ako dito sa bahay.Gusto ko nga lahat kayo dito pa din tumira sa akin kahit may mga asawa na kayo sana eh_Inang
"Hahahaha,inang talaga.Wag po kayong mag alala kung sakali naman mag asawa silang lahat,for sure palage naman kayo nilang dadalaw dalawin._Ako
"Hay ganun na nga siguro.Naku,hating gabi na pala,matulog na tayo anak at maaga ka pa bukas sa eskwelahan mo._Inang
"Sige po inang,goodnyt na din po._AKO.Magkasabay kaming pumasok na sa kwarto at saka ko binuksan ang fone ko.
Saka ko lang naalala si Kylie.May 5 misscall at 10 na pala syang txt sa akin.Nagmamadali kong inopen ang laptop ko para makontak ko sya...Awwwts! Anu kaya yung isa pang lihim na hindi pa nasabi ng dad ni Kylie kay Ken?
![](https://img.wattpad.com/cover/95541589-288-k937766.jpg)
BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomanceKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...