fortytwo☆KYLIE

3.3K 83 0
                                        

            Isang photoshoot na naman ang ang ginagawa ko.Wearing a two piece red bikini,sa isang beach sa Palawan naman kami nag location shoot.Isang ngiti lang at kaunting paseksi,milyon na agad ang katumbas.Kaya kahit ayaw ko na sana magpaseksi sa mga ads,hindi ko din matanggihan kapag milyon na ang inaalok na bayad.Sayang din.Isa pa,kapag nagka edad na ako at di na seksi,di ko na din naman magagawa ito,kaya samantalahin habang kaya pa. Hindi naman ako nagtagal dito,kinabukasan din bumalik agad ako sa Manila.Ininvite kasi ako nila MICKEY AT ROME para sa first birthday ng anak nila,na inaanak ko din. Makikita ko na naman si Ken.Bakit ba naman kasi ganito ako,Si Ken lang ba ang tao sa mundo?Bakit ba palage ko na lang sinisiksik ang sarili ko sa kanya,samantalang ang dami dyan na nagkakandarapang ma i date lang ako.haaaaist!Mahirap talagang turuan ang puso.

"Ate Kylie!Mabuti at nakahabol ka!_Rome na tuwang tuwa ng makita ako.
"Oo nga.Akala ko nga din di ako makaka abot.Pasensya na,hindi ako nakabili ng regalo kay MIRO.Ipadadala ko nalang bukas ha. _ako
"Ate naman,ang dami mo na kayang nairegalo kay Miro..wag ka ng mag abala.Ung makarating ka lang okey na yun sa anak ko._Mickey.Sabay abot sa akin sa baby.Natuwa ako sa pag smile nya sa akin,pinanggigilan ko sya at pinaghahalikan
"Aba,Nagpa praktis na ata maging mommy ang Supermodel natin ah!_Verna.Kaakbay si Mikee na nagbeso naman sa akin
"Hahaahaha,bagay pala sayo Kylie.Look,parang anak mo nga eh! _Rhian
"Alam nyo mas bagay yan kung may daddy na kasama diba?KEN, lapit ka nga dun sa tabi ni Kylie tapos kukunan ko kayo ng pic,bilis!_MJ.sabay hila kay KEN na nabigla naman dahil wala syang alam sa pinagnuusapan namin.
"Hahahha.Ayan..Perfect family nga!bagay na bagay talaga kayo!
_Rhian
"Okey,next yung buong family naman.Sila inang at ung mga boys din._Verna
Di naman ako naka alis dahil nakakapit sa akin si ROME at si Inang.Nakakahiya naman,family picture tapos kasama ako.
"Hahahah.Belong talaga sa family si Kylie!Kaya kita nyo ung picture,para talaga silang isang masayang pamilya.look!_MJ
"Kayo talaga,naisahan nyo si Kylie dun ah!Di na sya talaga naka alis._Mikee
"Tara ng kumain guys,mga gutom na siguro kayo kaya kung anu anung naiisip nyo._Ken
"Okey,lets go na.Gutom na din kasi ako talaga.hahahah_VM
...Habang kumukuha kami ng pagkain,sya namang dating ni Charry na may dalang regalo kay baby Miro.Magiliw din sya sa mga kapatid at Inang ni Ken.Napansin ko din na palagi syang naka dikit sa inang ni Ken at masayang nakikipag usap.
"Kylie,look at Charry oh!Mukhang nagpapalakas sa nanay ni Ken. Kanina pa dikit ng dikit.Hahahah_MJ.sabay siko kay VM na natatawa din.
"Wag kang mag alala Kylie,Mas malakas pa din naman ang kapit mo,idol ka kaya ng mga kapatid ni Ken.Kaya panigurado mas boto sila lahat sayo!_VM.Na halatang nang aasar sa akin
"Oi marinig kayo ni Charry.Hindi nya kaya alam na may sumting nuon sila Ken at Kylie._Mikee
"Really?Sila KEN at KYLIE ba nuon?Anung nangyari?Bakit sila naghiwalay?_Rhian.Na takang taka na naging kami pala ni Ken
"Hahahaa.Sa bahay ko na ikukwento sayo babe,wag na dito.Saka wag ka maingay kay Charry,wala syang kamalay malay._MJ
"Ganun ba?Sabagay,kahit ako nga di ko nahalatang sila pala nuon.Now ko lang naalala,kaya pala ganun na lang ang pagbuhat ni Ken kay Kylie nuon sa Bora!_Rhian
"Ehem!May pinag uusapan ata kayo na di ko alam ah!May problema ba?_Ken nakasama si Charry papalapit sa amin
"Wala naman,ang sabi lang ni Kylie..Masarap daw ung Menudo sino daw ang nagluto?_VM.Na ngingisi ngisi
"Salamat.Actually,kulang na nga ako sa praktis,madalas kasing busy na sa pagtuturo kaya di na masyado nakakapag luto._Ken
"Wow Ken,ikaw ba ang nagluto ng Menudo?Matikman nga._Charry sabay balik sa mesa para kumuha ng menudo
"Buds,mukhang close na si Charry sa pamilya mo ah.Madalas ba sya dito sa inyo?_MJ
"Hindi naman.Paminsan minsan dumadaan sya kapag weekends. Pero di naman  nagtatagal._Ken
"Yun oh!Nanliligaw na ba buds?Hahahaha_VM
"Sira!Dumadaan lang dalaw na agad?Kayo talaga,ang advance nyo mag isip!_Ken
"Eh pano kung umamin na sayo na type ka nga nya,anung sasabihin mo?_MJ
"Wala!Kayo talaga,ang dumi ng isip nyo.Nakikipag kaibigan lang yung tao.Kumain na kasi kayo,gutom lang yan!_Ken
"Grabe,ang sarap nga ng Menudo mo Ken.Tinanong ko si Inang kung anu pa ang mga niluluto mo..Aba,Dapat pala nag culinary ka,ang sarap mo magluto eh!_Charry
"Hahahhaha.Naku,Chambahan lang ako sa mga luto.Si Inang ang talagang masarap magluto,tinuruan lang ako._Ken
"Kylie,ayos ka lang ba?ang tahimik mo kasi eh!_Mikee
"Okey lang ako,siguro medyo pagod lang.Mag kwentuhan lang kayo,nakikinig naman ako._Ako.
"Oo nga pala Kylie,Kamusta naman yung photo shoot mo sa Palawan?For sure,Mas lalong dadami ang mga fans mong guys lalo na at Brand ng alak yung Iniindorse mo._Charry
"Oo naman!Saka alam nyo yan si KYLIE,konting smile at kaway lang nyan,milyones na ang bayad.Kaya lalong yumayaman eh!_Verna
"Loka!Di ako mayaman noh.Ikaw din naman ah,pakembot kembot na may milyones na din.Pareho lang tayo!_Ako
"Ay day iba ka!Kumbaga sa Alahas,ako 10K lang ikaw 14K na!
hahaha.Iba ang ningning mo iha!_VM.
"Ang swerte nyo talagang mga modelo ano?Nakakainggit kayo.Pwede ba kong maging model din?hahahha_Rhian
"Pwede naman.Kaya lang ang tanong,kung papayag yang jowa mo!Hahahha.For sure maghahalo ang balat sa tinalupan kapag isinali kita sa modeling._VM
"Babe?Di mo ba ko papayagan?Gusto ko din kasing kumita.Para naman may pera ako at di naman palaging naka asa sayo._Rhian
"Babe,if want mo magtrabaho dun na lang sa Store ko.Suswelduhan din kita dun.Wag na sa modeling.Alam mo kasi yan si VERNA,BUGAW yan!Ipapalandi ka nyan sa mga foreign investors nya!hahahaha_MJ
"Hayop ka MJ!Baka maniwala sila Charry at Rhian sa sinasabi mo!Bwisssit ka! Ayaw mo lang mawala sa paningin mo yang jowa mo eh _VM.sabay batok kay MJ
"Hahahaha!Loko ka talaga MJ! Parang gusto ko na tuloy maniwala. Madalas pa naman,Foreigner nga ang mga nagiging jowa ng mga model._Charry
"Oi joke lang yun.Nagkakataon lang yun Charry,masarap maging modelo lalo na kapag pumupunta ka sa ibat ibang lugar. Pero nasa tao naman yun kung gusto nya ng madaliang aliw,hindi naman porke model ka,easy to get kana or bayarang babae kana._Mikee
"Nah!Im just kidding.Wala kong ibig sabihin duon ha.Ang totoo, parang masaya nga maging modelo.Di gaya namin ni Ken,maghapon na sa kakaturo,puro estudyante at kapwa guro lang ang mga nakakasalamuha._Charry
"Pero kahit ganun,masaya pa din naman.Maliit nga ang sweldo pero fullfiling._Ken.Napatingin sya sa akin habang nagsasalita.
"Ayan tayo eh!Biruan lang,napupunta na sa seryosohan! Mag enjoy na lang tayo guys,dalian nyo kumain para maka shot na tayo._MJ
"Ayan.dyan ka magaling eh,basta inuman!Wag ka magpakalasing ha,magda drive kapa!_Rhian
"Hahahaha.Yes boss! Ang sweet mo talaga babe!Pakiss nga...
Umwuuuuah!_MJ
Ilang saglit pa,nakapwesto na kaming lahat sa inuman.Kasama namin ung mga kapatid ni Ken pati na yung iba pa nilang mga kaklase at kaibigan.Natatawa nalang ako dahil sa pag uunahan ng mga guys na tabihan ako at gusto magpapicture.Nakita ko namang nakasimangot Ken kaya mas lalo pa akong ginanahang nagpose kasama ng mga kabataang gustong makakapg papicture sa akin.
Tawa naman ng tawa sila MJ at VM.Ilang sandali pa,isa isa na kaming tumatagay sa baso.Naka tatlong tagay pa lang ako,nararamdaman ko na ang pagkahilo pero di ako nagpapahalata.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon