THYONE
Hindi ko napigilang sumigaw nang maka ahon mula sa hinihigaan ko, ramdam ko ang pawis mula sa noo ko, habol ko din ang aking pag hinga.
Nang tingnan ko ang orasan ay alastres palang ng madaling araw, nakabukas pa ang laptop ko sa ibabaw ng office table ko, nakabukas din ang mga bintana sa kuwarto ko kaya bukod sa liwanag ng buwan ay pumapasok din sa loob ng kuwarto ko ang malamig na hangin mula sa labas.
Tahimik akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig, mahimbing nang natutulog ang kuya at pinsan ko sa kani-kanilang kuwarto kaya hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay.
Nakabalik din agad ako sa loob ng kuwarto ko, tumingin ako sa labas ng bintana para tanawin ang mga nag tataasang mga building, buhay na buhay padin ang mga ito mula sa labas, magaganda ang mga ilaw ng mga ito, tanaw din dito ang mga billboards sa labas.
Nakatutok ako sa monitor ng laptop ko, nandito padin ako sa parati kong ginagawa bago o kapag hindi ako makatulog, iniisa isa ko yung mga katanungan sa isip ko, madami. pero iisa lang ang gusto kong malaman, kailangan kong malaman kung totoo nga ba sila
Napalunok ako, ilang taon nadin gumugulo sa isipan ko ang tungkol sakanila, lalo pa’t ilang gabi ko nang napapaniginipan ang presensya nila.
Napalunok ako bago mag type sa search engine.
Vampire's history.
Search...
Vampire's history 1664..
Vampire's Real Origins
Vampire's Legends and Stories
The truth about Vampires
Napatigil ako sa pag scroll down sa Iba't ibang mga link na tungkol sa mga sinearch ko ng mapukaw ang atensyon ko sa isang nakasulat.
Vampire's theory of living in mortal’s world.
Napakunot noo ako.
then curiousity shoot me, I clicked that site at binasa ang nakalagay.
"Historiya ng mga bampira... kadalasan natin silang nakakasalamuha sa mundong ibabaw, they exist in our world, may daan sila patungo sa mundo ng mga tao, ngunit ang iba sakanila ay dito na naninirahan ngunit sa malalayong lugar, walang nakaka alam kung saan, walang tao ang naninirahan doon, mas pinili ng iba na manirahan dito dahil mas madali silang makakakuha ng kanilang mga pagkain at mga 'dugo' they killed human, for bloods, ngunit hindi sila basta basta nagpapakita ng umaga o tanghali, kung mamalasin ka.. minsan ay pwede ka nilang biktimahin para sipsipin ang iyong dugo."
Napasinghap ako bago itinuloy ang binabasa
"Mabibilis ang mga kilos nito, at ang kanila ng mga balat ay ibang-iba sa balat ng mga mortal, ang kanilang mapuputlang balat na para bang walang dugong dumadaloy sakanilang katawan, at isa pa... meron silang mahahaba at matutulis na pangil, lumalabas lamang ito kapag sila ay naseseduced, okaya naman galit o gutom, ganun din sa kanilang mga mata, may dalawang kulay ang kanilang mga mata, red and gold, these history is idea from Mr. king"
"Thankyou for reading."
Kumunot ang noo ko ng mapagtanto kong puro tungkol sakanilang pagkatao lang ang na
kasulat doon.saan koba sila makikita?
Ang gusto ko lang naman kase ay mapaniwala ang sarili ko na totoo nga sila?
Pero dahil sa mga links and sites nayan nacucurious ako!
Naalala ko tuloy yung sinabi ng officemate kong si bianca.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...