Chapter 22

2.8K 52 0
                                    

Thyone







"I was wondering where you've been hiding, nandito ka lang pala!" Parehas kaming napatingala ni lukas sa nag salita, nakapangewang si hadria habang nakatingin saming dalawa.





"Kayong dalawa nalang ang wala. party will start na!" She said.




Sabay tuloy kaming napatayo ni lukas, oo nga pala, birthday ni Aurelia ngayon!








"God... you have to change your clothes!" Mukhang stress na stress na si hadria, nanlaki ang mata ko nang biglang nawala si lukas, mas lalo tuloy nainis ang mukha ni hadria, she has no choice kundi ang hawakan ako sa pulso at hilahin pabalik sa isla.





Pinaupo ako ni hadria sa harapan ng vanity mirror, madaming nakakalat na mga make up, mukhang dito sila nag make up kanina, naka ready nanga sila sa venue, kami nalang talaga ang wala.





"Just close your eyes and trust me." bulong ni hadria, kaya mabilis ko naman siyang sinunod.





Sana lang ay wag niya akong gawing clown.

Naramdaman kong may nilalagay na siya sa mata ko, sunod sa pisngi, tapos naramdaman koding nilagyan niya ako ng false eyelashes.






"Tapos naba?" Naiinip kong tanong.







"I'll tell you when it's done." Sabi ni hadria, nag kibit balikat ako at hinayaan siyang make upan ako.






"In the count of three, you open your eyes, okay?" Hadria giggles.






Nang makapag bilang siya ay unti unti kong dinilat ang mata ko, nagulat ako dahil maganda ang pagkaka make up niya, lalo na sa mata, mas lalong naging buhay ang mata ko, pero napansin kolang na mas pinaputla niya ang skin tone ko, talagang nag mukha na akong bampira.



"A-ang ganda... pero ang putla ko."


Narinig ko ang pag-hagikhik ni hadria, "Pinaputla kita para di halatang tao ka, madaming pictorial mamaya, baka mapansin sa pictures na buhay ka." Tumawa si hadria.







Pinahiram ako ni hadria ng maxi dress, tapos accessories since wala ako nun dito. Meron din siyang extra high heels kaya pinahiram niya na din sakin.






Sabay kaming humarap ni hadria sa full length mirror, ngumiti siya sa likod ko.





"Gorgeous." She said.





Ngumiti din ako sakanya, "Thank you." talagang ramdam ko na mabait ang pamilya ni lauden, parang gusto ko tuloy isama si hadria sa mundo ko.








"Hinihintay ka pala ni lukas sa labas." Kumamot sa batok si hadria, at tinaasan ako ng kilay.





"Kayo naba?" She asked.





Nanlaki naman ang mata ko sa gulat, "Anong sinasabi mo?" tanong ko sakanya.





She shrugged, "If you're not yet ready, you have to tell him." She said.







Hindi na ako nakapag salita pa, katulad nga ng sinabi ni hadria ay nag hihintay nga sa labas si lukas.








Nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader, agad kong napansin yung itim niyang longsleeves na nakatupi hanggang siko niya, may suot din siyang kulay gold na relo, halatang mamahalin, may suot din siyang maliit na hikaw sa kanang tenga niya.







Vampire Kingdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon