Chapter 25

2.4K 50 0
                                    

Thyone




Where am I?

Malakas ang hangin, nasa gitna ako ng kagubatan at nagsasayawan ang mga puno, sobrang lamig.

Ramdam ko ang naghahalong bato, putik at damo sa pahanan ko habang patuloy akong nag lalakad, halos padilim na ang paligid pero malinaw sa paningin ko na may nakatayong babae na nag aabang sakin mula sa di kalayuan.



"I told you, you'll see me in your dream." Narinig kong sabi ni Agrippina.


Nakakakilabot ang mga ngiti niya.



"You have to choose now Thyone. As much as possible, I want to help you and this is all I can do." She started walking towards my place.



"In order to save your brother, you have to come with us. you have to join our family and stop the prophecy." Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang malamig niyang kamay sa ibabaw ng kamay ko.


Humigpit ang pagkakahawak niya.


"Thyone!" Mabilis akong napalingon nang marinig ang boses ng kuya ko, nag e-e-echo ang boses niya sa kagubatan, at sigurado akong siya yon.


"Wag kang makinig sakanya! iligtas mo ang sarili mo thyone. gumising kana!" May pag aalala sa boses ni kuya, kahit anong lingon ko ay hindi ko siya makita.



"Dearest thyone, I just want to help you and your brother. hangga't pinipilit ng pamilyang claveria na itakas si cian ay lalo lang lumalaki ang gulo, now you have the opportunity to stop the chaos." Wala na ang kaninang nakakakilabot niyang boses, bigla itong lumambing.




"A-ano ba ang dapat kong gawin?" Nanginginig kong sabi.

Biglang gumuhit ang ngiti sa labi niya.



"Sa susunod na linggo ang ika-dalawang daan na pulang buwan, at bago pa mangyari yon, kinakailangan mong sumama sa amin, sa susunod na araw ay hihintayin kita sa tabing dagat, doon din mag wawakas ang koneksyon mo sa mga claveria." Sabi niya.

Napalunok ako at inisip nang paulit ulit ang magiging desisyon ko para sa kuya ko.

Tumango ako sakanya, at kasabay ng kanyang pag ngiti ay ang pag lakas ng hangin, hanggang sa tangayin ako nito.




Nang magising ako ay maliwanag na ang kalangitan, hindi na din mabigat ang dibdib ko pero ramdam kopa din ang basa sa pisngi ko dahil sa luhang patuloy na tumutulo.

Pinunsan ko iyon at tumayo na para maghilamos, naamoy kodin mula dito sa kuwarto ang mabangong pancakes na niluluto mula sa kusina sa ibaba.




Akmang lalabas na ako sa kuwarto pero nang buksan ko ang pinto ay bumungad sakin si katherine, seryoso siyang nakatingin sakin, nangunot ang noo ko at inaya siyang pumasok sa kuwarto.





"You have to tell.me everything, thyone. This is not safe! I know that Agrippina told you something, and I'm telling you, she's not an ally." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.




"Kami ang kakampi mo dito, thyone." Napakagat ako sa ibabang labi ko.





"P...papatayin nila si kuya." Nagsimula ng tumulo ang luha ko, nanlalabo ang paningin ko habang nakatingin kay katherine.



"Hindi kona din alam ang gagawin ko! handa naman akong mag sakripisyo..." Humihikbi kong sabi.



Naramdaman ko ang pag yakap ni katherine, sinubsob ko nag mukha ko sa balikat niya at patuloy na umiyak.




Vampire Kingdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon