Chapter 17

3.2K 69 1
                                    

Thyone






Hindi ako makatulog.





Ilang oras na akong nakatitig sa kisame, at kahit anong gawin ko ay hindi ako tinatablan ng antok, uminom na din ako ng gatas kanina bago mahiga pero wala talaga.




Napabuntong hininga ako at naupo muna sa kama, tumingin ako sa labas ng bintana.




Nanlaki ang mata ko nang biglang may bumato sa bintana, muntik ng mabasag iyon dahil sa lakas!





Mabilis kong dinampot yung amulet ko at sinuot, bago tumayo para sumilip sa bintana, malakas ang hangin nang buksan ko iyon.




Mabilis akong gininaw kaya sinara kodin iyon.





"AHHH!" Pag talikod ko ay bumungad sakin si lukas, prente siyang nakaupo sa ibabaw ng kama ko at nakangisi habang nakatingin sakin.







"Why aren't you sleeping?" His forehead creased.







"Anong ginagawa mo dito?!" nag papanic kong tanong, binuksan ko ang ilaw at lumayo sakanya.






Natawa naman siya sa reaksyon ko.






"I forgot something to tell you." He clicked his tongue.






Nangunot ang noo ko.







"Gabing gabi?!" Napabuga ako ng hangin.






Napaatras ako lalo nang mag lakad siya palapit sakin, hanggang sa napasandal nako sa pader.





"You want your brother back, right?" He asked, smirking.





Nangunot ang noo ko, "Oo." diretso kong sabi sakanya.






"I’ll help you, but you have to help me too." He whispered.






Mas lalong nangunot ang noo ko.





"A-ano bang sinasabi mo?" Napalunok ako.






"Thyone, I need you." He closed his eyes, tapos nung binuksan niya ulit ang mata niya ay diretso siyang tumingin sa mga mata ko, naaninag ko ang kulay pula niyang mata mula sa liwanag ng buwan.








"Ano bang sinasabi mo?" Halos hindi kona marinig ang sarili ko.







"Let's meet tomorrow, pumunta ka sa address na ito at hihintayin kita roon." May iniwan siyang papel sa kamay ko bago siya nawala sa paningin ko.





Biglang nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.








Kinabukasan, halos wala akong tulog kaya malalim ang mga mata ko, nag aalalang pumasok nang bahay si hadria dahil hindi ako pumasok ng first subject.





I don’t have other choice but to tell Hadria everything.






"Maybe he was flirting with you? baka inaaya kalang niyang makipag date." She asked.







Pero hindi naman kami close para ayain niya akong mag date diba? or baka may mahalaga lang siyang sasabihin.




I don’t want to think crazy things lalo na I’m here in most dangerous situation, hindi kopa nga alam kung pano hahanapin si kuya.






Vampire Kingdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon