Chapter 35

1.6K 37 0
                                    

Thyone



"Nasaan sila?" Taka kong tanong kay lukas, binuksan niya ang pinto ng kuwarto na tinutuluyan ko, pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko.


"Why are you crying?" Nangunot ang noo niya, tumayo siya sa tapat ng bintana habang nakatingin sakin.

"It's nothing." Umiwas ako nang tingin sakanya, nag taka ako dahil nanatili siyang nakatayo sa may bintana, biglang sumeryoso ang tingin niya.

"We're leaving." He said, binuksan niya yung bintana, sapat ang laki non para makalusot ang isang tao o bampira.

"Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong, napatayo ako at lumapit sakanya.

"You're coming with me, right?" Nag tama ang paningin naming dalawa, hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko.

"Let's go thyone, they were right. You're not safe here anymore." He said, hinawakan niya ang kamay ko, napaatras ako dahil napaso ang kamay ko sa sobrang lamig ng kamay niya.

Biglang nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha, nakita kong napalunok siya.

"I'm sorry, did I hurt you?" Biglang umamo ang kanyang mukha.

Hinawakan ko ang kamay ko, tumango ako sakanya.

"Here, hold tight." Tumalikod siya sakin, nangunot ang noo ko, pero sinunod ko siya. Kumapit ako sa likod niya, inalalayan niya akong makasampa sakanya.

Kumapit siya sa bintana at maingat na sumampa, nag ready para tumalon.

Bakit hindi nalang kami dumaan sa main door?

Hindi naman siguro kami pipigilan nila Dawn at Lauden, diba?

Nangunot ang noo ko dahil ilang minuto na kaming nagpapalipat lipat sa mga puno, higit na mas matataas ang mga punong ito kumpara sa mga inaakyat namin noon ni Lukas.

Tahimik na din si lukas, medyo dumidilim na din ang kalangitan, at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Lukas?" Sinubukan kong tingnan siya sa mukha pero masyado akong nalulunod sa hangin, mabibilis din ang pag kilos ni lukas.

Ilang minuto na ang lumilipas pero nanatiling tahimik si lukas, this isn't right, i don't know but my heart keeps beating fast but in a weird way, nararamdaman ko lang ang ganito kapag alam kong malapit ako sa panganib.


"Lukas----" Hindi kona natuloy pa ang sasabihin ko dahil humampas ako sa matigas na punong kahoy, hindi nag tagal ay nawalan na din ako ng malay.



...

"I can't believe how easy it is to take her, she didn't even realize that I'm not lukas, how pathetic." Nagising ako dahil sa ingay nang mga nag uusap.

Nangunot ang noo ko.

"They killed agrippina, we should kill her too." Narinig kong sabi pa nung isa, unti unti kong dinilat ang mga mata ko, unang bumungad sa akin ang itim na kisame.



Nasaan ako?



At sino itong mga nag uusap?



"She's awake, brother!" May dumungaw mula sa kinahihigaan ko, una kong nakita ang pulang pula niyang mga mata.


"Eric, stay away from her!" Biglang umatras yung lalaki, maingat akong naupo at tumingin sakanilang dalawa, mas mukhang bata yung tinawag na Eric, blonde bag buhok niya, pula ang mata, sobrang putla, matangkad at medyo payat.

Nakita kong ngumisi ito nang mahuli niyang tinitingnan ko siya.

Umiwas ako ng tingin sakanya at tumingin naman sa isa niyang kasama, mas matangkad ito sakanya, seryoso ang mukha at mas mukhang matanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire Kingdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon