ThyoneNag-aya si bianca na gumala dito, dapat daw ay mag enjoy din ako sa mga malls dito kasi mas maganda pa daw ang mga malls dito kumpara sa mundo ng mga tao, pero wala na iyon sa isip ko simula nung nawala si kuya, parang siya na yung naging priority ko, pero dati talaga aaminin ko ay na-e-excite din akong mamasyal dito.
Pinunasan ko agad yung luhang tumulo sa mga mata ko, "Wag ka nga'ng umiyak Thyone! Pampahina ng loob yan eh" kausap ko sa sarili ko, pumunta saglit si bianca sa counter para mag bayad kaya naiwan akong mag isa dito sa loob ng isang Luxury store.
Madami kaming pinuntahan ni Bianca, alam ko namang ginagawa niya ito para hindi ako malugmok, nanood nga din kami ng sine, pakiramdam ko tuloy ay nasa mundo lang ako ng mga tao bukod lang sa magugulat nalang ako dahil may biglang tumatakbo ng sobrang bilis, o di kaya naman ay may mga lumulutang at sobrang puputi nila dito.
"Yaman mo pala dito ah." Pang aasar ko kay bianca, kasi sa mundo ng mga tao ay ako lagi ang nag papautang sakanya, ngumisi lang sakin si bianca at umiling, pumunta kami sa rooftop cafe, may sariling garden yung cafe, umorder kami ng kape at tumambay muna dito sa taas kasi malamig din naman ang weather dito, para ngang hindi umiinit dito eh.
"Oh shit." Natigilan ako ng biglang makaramdam ng kirot sa dibdib ko, napangiwi ako at napahawak sa dibdib ko, napakagat din ako sa ibabang labi ko.
Mabilis akong inalalayan ni bianca, napansin kong kumikislap yung kuwintas na bigay niya sakin, natigilan kaming dalawa ng biglang sumulpot sa harapan namin si Lukas.
"Are you okay?" Pinalitan niya si bianca sa pag alalay sakin, hindi ako makasagot sakanya kasi pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso, hindi ko nalamayan na binuhat na pala ako ni lukas at mabilis kaming naglaho sa ere.
"Bakit ayaw mong makinig sakin? I gave you a chance!" Galit na sigaw sakin ni Agrippina, napa atras ako, nandito kami muli sa gitna ng kagubatan, ngayon ay makulimlim ang langit at parang nag babadya ang ulan.
Paulit ulit akong umiling, "Hindi kita kakampi, wag mo na akong guluhin!" Pag mama ka-awa ko sakanya, gumuhit ang nakakakilabot na ngisi sa labi niya.
"You dared to betray me." She gritted her teeth, sobrang pula na ng kanyang mga mata.
"Now you have to see your brother die." She said before she vanished through the air.
Hinihingal akong gumising, nangunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay lumilipad ako, nanlaki ang mata ko ng makitang buhat buhat pa din ako ni lukas, at nasa pinaka tuktok kami ng mga puno!
"Ah! Anong ginagawa natin dito?!" Natataranta kong sabi, mahigpit akong kumapit kay lukas.
"Shhh, baka mahulog tayo." Bulong niya sa tenga ko, napalunok ako at tumingin sa pinaka ibaba, mabilis naman akong pinigilan ni lukas.
"Don't look down there." Bulong niya, madiin akong napapikit.
"Just tell me what are we doing here?!" Madiin kong tanong sakanya pero hindi siya sumagot.
"Lukas..." Banta ko sakanya, narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Just look at the skies thyone, look how beautiful they are." He said, unti unti akong dumilat at tumingin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...