Thyone
Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko, napakunot ang noo ko.
Sinubukan kong gumalaw at bakit parang nakahiga ako sa tubig?
Tubig ang hinihigaan ko?
"W-water bed?" Gulat kong tanong, ang random naman nito!
Nilibot ko yung paningin ko.
"Hala! nasaan ako?" Gulat kong tanong ng mapagtantong ito yung kuwartong tinutuluyan ko sa bahay nila Lukas.
Agad akong napatingin ng biglang bumukas yung pintuan.
"You're awake." Bumungad sakin si bianca, ngumiti siya at nilapag sa maliit na lamesa yung hawak niyang tubig.
"Anong ginagawa ko dito?" Napangiwi ako kasi pumipintig talaga ang ulo ko.
"Thyone? ayos kalang ba?" Nag aalala niyang tanong, pinilit kong bumangon kaya inalalayan niya ako.
"Bakit may water bed ka dito?" Tanong ko sakanya.
"Matagal konang gustong magka water bed eh." Napakamot sa pisngi si bianca.
"So? nasa bahay moko?" Nakangising tanong ko.
"Exactly, welcome to my house!" She said, tipid akong ngumiti sakanya.
"Here, take this, for your headache." May inabot siyang gamot sakin, pero kakaibang gamot iyon pero ininom kopa din naman kasi masakit talaga ang ulo ko.
"Nasaan si lukas?" tanong ko sakanya nang mainom na ang gamot, she suspiciously look at me, inirapan ko tuloy siya.
"In love kana 'no?" She teases me.
"Gosh..." Umiwas ako ng tingin sakanya kaya mas lalo siyang natawa.
"You have a lot of stocks in here!" Na-amaze kong sabi habang nakatingin sa pantry cabinet ni bianca, yung mga normal na brands pa galing sa mundo ng mga tao!
"You finally found your favorite place inside the kingdom, huh?" She smirked at me.
Kumuha ako ng chips at nagsimulang kumain.
"You have to stay here until tomorrow." Bianca said, I tilted my head and looked at her.
"Why?" I asked.
"Wala ang mga Claveria sa mansion nila, may importante silang pinuntahan." She said.
Nangunot ang noo ko.
"Saan daw?" Tanong ko sakanya, umiling lang siya at hindi na sumagot pa, nag kibit balikat ako at naupo sa sofa, binuksan ko ang tv at nagsimulang mag hanap ng palabas.
"Actually we have to go somewhere." Naupo si bianca sa tabi ko.
"We will visit a friend, kailangan ko din siyang makausap." She sighed.
"Kailangan paba akong sumama?" Tanong ko, sa totoo lang ay natatakot na din akong umalis baka kasi sumakit na naman ang dibdib ko.
"Hindi kita pwedeng iwan dito." Sabi ni bianca, tumango nalang ako para sundin siya.
Pinahiram ako ng damit ni bianca, puting turtle neck at itim na long coat, tapos pants at itim na boots, nakabihis na din siya at nakapag ayos.
"Let's go." Tumango lang ako sakanya at sumunod.
After 3 hours of drive, nakarating kami sa kakaibang lugar, pansin ko nagmukhang European buildings yung mga nadadaanan namin, tumigil kami sa tapat nung mataas na castle.
"Nakakatakot dito, bianca." Bulong ko sakanya, hinawakan naman ni bianca ang kamay ko.
"Just relax." She smiled at me, tumango ako sakanya at tipid na ngumiti.
Habang papasok kami ay pansin kong madaming bantay sa bawat sulok ng castle, hanggang sa nakarating kami sa pinaka malaking pinto, parang entrance door.
"Hey! hey!!" Sigaw ni bianca ng may naglabas ng espada yung isang bantay, nanlaki naman ang mata ko at napaatras.
"Relax! put down your sword. I'm here to talk to domenic." Bianca said, pero hindi natinag yung bantay.
Napabuga ng hangin si bianca, mula sa dala niyang maliit na bag ay may nilabas siyang maliit na bagay, kahoy iyon at may makintab na nakasulat, parang latin at hindi ko maintindihan, may tali din sa tuktok iyon, kulay puti at may color white din na jade stone.
Mukhang nagulat naman yung bantay at ibinaba yung espada niya, yumuko siya, "Ut venias in." sabi niya, hinawakan ulit ako ni bianca at hinila na papasok sa loob ng castle.
"Oh my Gosh!" Tili ko ng bumungad samin yung tigre, itim iyon at kulay green yung mata.
Nanlaki ang mata ko nang mag lakad ito palapit samin.
"Vemos!" Napatingala kami sa second floor ng may magsalita, tinago ako ni bianca sa likod niya.
"Okay kalang?" Bulong niya, napalunok ako at tumango.
"Bianca Cassandra Emia?" May matangkad na lalaki na bumaba, mukha itong nasa 40's na, may tungkod siyang dala, naka brush up yung buhok niya at maputi din siya, kulay asul ang mata niya.
"Master Domenic, I'm here to talk to you." Yumuko si bianca kaya yumuko na din ako.
"Come along bianca." Tumalikod ito at nag lakad na, nakasunod lang kami ni bianca, pinipinigalan kong wag manlambot yung mga tuhod ko dahil nakasunod sa likod ko yung tigre.
Naiwan ako sa labas ng opisina nung domenic, mabuti nalang at pumasok din sa loob yung malaking tigre, kasi naka himatayin na talaga ako sa takot dito.
Makalipas ang halos 30 minutes ay lumabas na din sila bianca, nag tama ang paningin namin ni domenic, tipid lang siyang ngumiti kaya ngumiti din ako sakanya.
"Do you girls want to see my dragons?" Nagulat ako ng magsalita si domenic, taka akong tumingin kay bianca.
"It's okay." Bianca mouthed at me, muli siyang tumingin kay domenic.
"It's our pleasure to meet them, master dom." She said.
Dragons?! They are existing here?
"It's their lunch time." He said, dire diretso siyang nag lakad hanggang sa makarating kami sa likod ng castle niya, may mga matataas na puno doon, hanggang sa nakakita ako ng Labyrinthine, namangha ako kasi first time kong makakita non.
"Ostende mi dracones!" Nag echo ang boses ni domenic sa buong lugar, hanggang sa nakarinig kami ng malalakas na lagaspas, nalula ako ng makakita ng napakalaking anino na nagmumula sa itaas.
Napakapit ako ng mahigpit kay bianca dahil pagkatingala ko ay nandon ang dalawang dragon ni domenic.
JANNALISTIC
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...