THYONE
"Hey Lauden! wait for us!" Sigaw ni hadria at hinawakan ako sa kamay para humabol kay laude, papunta kami ngayon sa building kung nasaan si katherine.
Mabilis kaming nakarating sa building, naghintay lang kami ng ilang minuto sa lobby, bago ko naaninag si katherine, ginamit niya ang vampire's speed niya para makarating dito
Nanlaki ang mata niya habang nakatingin kay hadria, yinakap niya ito ng mahigpit.
"You’re back!" She giggled, napatingin siya sakin.
"So... you already met hadria." She griined.
Tumango ako at ngumiti.
"I’m sure you’ll get along!" Excited niyang sabi.
"Oo nga pala... may event tayo tomorrow, Thanksgiving ng family natin dito sa University, make sure to wear clothes properly!" Sabi ni katherine, tumango naman ako.
"How about kuya?" Mahina kong tanong.
Natahimik naman si Katherine, "Don't worry thyone, we’re doing everything to make sure he will get back safely." She said.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may event sa University, at maaga din akong susunduin nila lauden. Hinanda kona yung black long gown na ipinahiram sakin ni Hadria, ang sabi niya ay designer madeq daw ito na galing sa paris, kaya siguro sobrang ganda.
Susunduin din nila ako kaya nag madali na ako, kada titingin ako sa kusina ay hindi ko maiwasang mamiss si kuya, wala ng taga luto sakin ng umagahan, tanghalian at hapunan, napabuntong hininga ako.
Pero kakayanin koto.... Maghintay ka kuya, may tamang oras para mabawi kita sa mga masasamang bampira!
Natigilan ako ng biglang may kumatok.
"Sino yan?" paninigurado ko.
Narinig kong madami sila sa labas.
"It's us!" Tumatawang sagot ni hadria, mabilis kong binuksan ang pinto.
"Pasok kayo." Nakangiti kong sabi, namilog ang mata ko nang pumasok sila, bihis na bihis sila! Si lauden ay suot ang black coat and tie, makintab din ang kanyang sapatos, nakita ko ang maliit na kumikinang na hinaw sa kaliwang tenga niya.
Habang sila katherine at hadria ay naka gown, backless ang suot ni hadria, kulay pula ang gown niya at madami itong glitters, habang si katherine naman ay kulay black ang kanyang suot, may slit ito sa hita at hapit sa bewang niya ang damit, kumikinang din ito.
"Bagay sayo yung long gown!" Kinikilig na sabi ni hadria at sinangayunan naman iyon ni katherine.
Nahuli kong nakatitig si Lauden.
Napalunok ito at umiwas nang tingin nang makitang nakatingin ako sakanya.
"Bagay din sainyo yung suot niyo." Nakangiti kong sabi sakanila.
Natawa ako sa reaksyon ni hadria. grabe nagniningning mga mata niya!
"Thankyou, pero sa totoo lang mas maganda kayo, ang sexy niyo." Puri ko sakanila.
Ngumuso si hadria, "Talaga?" ngumiti pa siya.
Nang matapos ako sa pag hahanda ay napag pasyahan na naming umalis, sinigurado kong naka lock ang buong bahay, napanganga ako nang makita ang dala nilang white limousine.
"Ang ganda..." Nakatulala kong sabi, akmang sasakay na kami, si lauden panga ang nag bukas ng pinto para sakin pero may mabilis na kotseng nagpatigil samin.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...