Thyone
Napalunok ako dahil ramdam ko ang tensyon sa dalawa, hinawakan ko ang kamay ni lukas at ngumiti sakanya, biglang lumamlam ang kanyang mata at huminahon siya.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Keith, napailing siya.
"You can come with me inside my office Lukas, let's talk there." Sumenyas ito at nauna nang pumasok sa kanyang opisina, napalingon ako kay katherine, she just smiles at me tahimik kaming nag hintay dito sa labas ng opisina, walang nag tangkang mag salita.
"What was that?" Sabay sabay kaming napalingon sa may labas nang biglang may sumabog at parang may narinig kaming may mga tumatakbo.
"Stay here thyone." Bulong sakin ni katherine, sabay sabay silang lumabas para tingnan kung ano ang nangyari, naiwan ako ditong mag isa, lumingon lingon ako sa paligid.
Sobrang lawak ng hallway, may mga iilang indoor plants sa gilid, sa gitna naman ng sala ay may palawak na hagdan paakyat sa second floor, may mga makaluma ding paintings na nakadikit sa pader, medyo madilim ang sala dahil patay ang chandelier.
Napalunok ako at tahimik na nag hintay dito sa labas ng opisina ni keith lively.
"Pst!" Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang makarinig ng boses ng batang babae, napakunot ang noo ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"S-sino ka?" Nanginginig ang boses na tanong ko, bakit naman kasi biglang may bata dito?
Mula sa madilim na parte sa gilid ng malawak na hagdan ay lumabas doon yung maliit na bata, may suot siyang pulang dress na hanggang tuhod niya, kulot ang buhok niya at may bangs siya, may ribbon din ang tuktok ng ulo niya.
Kamukha niya si Keith Lively.
Tuloy tuloy lang ito sa paglakad papunta saakin,
Pero yung mata niya kakaiba, nakakatakot.
Bumilis ang lakad nito papunta sa kinatatayuan ko, mas lumawak din ang kanyang ngiti.
"I’m Kyline. do you want to play with me?" She asked with her sweet voice, pero biglang tumayo ang balahibo ko, pakiramdam ko ay hindi ako safe sakanya.
"Look, he’s waiting for you to play with us." Bigla itong tumuro sa second floor, dahan dahan akong tumingala para makita yung tinuturo niya, biglang nanlaki yung mata ko nang makita si Kuya Cian.
Nakangiti ito saakin at May sinasabi pero hindi ko naman marinig, maya maya ay nakita ko siyang kinukuha ng mga nakaitim at bigla itong nawala kasabay ng pag hawak ni kyline sa kamay ko.
"Let's play, thyone." She said.
Napapikit ako ng bigla kaming nawala sa hangin, pag dilat ko ay nandito na kami sa napaka dilim na hallway, pero pakiramdam ko ay nasa ilalim kami, walang hangin at paranh walang lagusan palabas.
Nilibot ko din ang paningin ko pero hindi kona ulit makita ang kuya ko!
"Nasaan tayo kyline?" Mahinang tanong ko sa bata, humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, nag simula na siyang mag lakad nang mabilis.
"Let's run before he see us." She said, hanggang sa tumatakbo na kami ng mabilis.
Napangiti ako nang makitang may lagusan na palabas, naaninag ko din na gabi na.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...