THYONE
"Nasaan si kuya?" Kinabukasan, nagising nalang ako nang mataas na ang sikat ng araw, hindi ako ginising ni kuya kaya ako na ang nag hain ng makakain namin ni cristal, kahit siya ay late na din nagising dahil wala siyang duty ngayon sa hospital.
Nag kibit balikat siya, "Hindi ba siya nag paalam sayo?" tanong niya pabalik, gumagawa siya ng kape sa coffee maker.
Napanguso ako, "Baka may emergency meeting." sabi ko nalang, nag luto lang ako ng hotdog, eggs, bacon at fried rice.
"Tara, kain na." ngumiti ako sakanya, pero napangiwi ako nang mapansing ang lalim ng eye bags niya, napayuko naman siya at naupo na sa harap ng hapag kainan.
"Ang daming pasyente kahapon, madaling araw nadin ako nakauwi." kuwento nito, tumango ako.
"Kumusta naman?" Tanong ko, malalim siyang nag hugot ng hininga.
"Madami ding namatay." Hindi ako nakapag salita, nakatingin lang ako sakanya.
"But I'm okay, that's really normal when you work at hospital." She forced a smile.
Alam kong mabigat para sakanya iyon dahil first year as a registered nurse palang siya, mas mabigat na ang trabahong kinakaharap niya.
"May gagawin kaba ngayong araw? gusto mong sumama samin mamaya ni bianca?"
Ngumiti siya, "Sure, what time?"
Nagulat naman ako dahil madalas ay tumatanggi siya.
"5 pm..." Mahinang usal ko, tumango lang siya at tahimik na kaming kumain, hanggang ngayon ay hindi padin namin alam kung saan pumunta si kuya.
Ako na ang nag dala ng kotse papunta sa mall, simpleng white Honda Civic lang ang dinala ko dahil malapit lang naman ang mall, hindi pa nag tetext si bianca kaya dumaan muna kami ni cristal sa coffee shop, umorder muna kami at naupo.
Habang nag kukuwentuhan kami ay biglang nag ring ang cellphone niya, nangunot ang noo niya nang makita kung sino ang caller.
"It's doc Crizer, saglit lang..." Mabilis siyang tumayo at lumabas ng coffee shop, sinundan kolang siya ng tingin.
Ilang saglit pa ay nag text na si bianca na nakarating na daw siya, nang matapos makipag usap si cristal ay namumula ito, nangunot ang noo ko pero hindi kona siya tinanong pa.
"Bianca!" Kumaway ako nang makita siya, malaki ang ngiti niya at kumaway din pabalik, bumeso siya samin ni cristal.
"Buti sumama 'tong babaeng to?!" Namewang siya, ilang beses niya na din kasing inayang umalis si cristal pero hindi ito palasama.
"Where should we go first?" I grinned, kumapit ako sakanilang dalawa.
"Daan tayo sa swarovski store!" Nanlalaki ang mata ni bianca, napasipol naman ako dahil mukhang gagastos na naman ng sobra si bianca, mahilig ang babae bumili ng kung anu-ano.
"Gagi seryoso kaba?" Gulat kong tanong kay bianca nang sinabi niyang bibilhan niya din kami ng swan necklace, dahil limited edition lang ito, bukod sa hindi ito palaging nandito ay mahal din ito, may budget naman akong pambili nun pero hindi kolang talaga kailangan iyon.
Suot na ni cristal ang kanya, matamis siyang ngumiti kay bianca, kaya hindi nako nag react dahil mukhang gustong gusto iyon ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...