Thyone
Hindi ko alam kung lasing naba ako o talagang nagkakagulo ang paligid ko, malakas ang hampas ng alon sa dagat, malakas din ang hangin at ang lamig lamig, hindi kona nabilang kung naka ilang bote na ako ng alak kaya umiikot na din ang paningin ko, pero pansin ko talagang nagkakagulo sila.
May malamig na kamay na humigit sa braso ko, nangunot ang noo ko at takang tumingin sakanya.
"What's happening?" tanong ko kay lukas, seryoso ang mukha niya pero nang mag tama ang paningin namin ay gumuhit ang pag aalala sa mata niya.
"You have to leave this place." Madiin niyang utos, pero paano? hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko din alam kung kaya kopa bang mag lakad ng maayos, pare pareho naman kaming uminom kanina pero bakit parang ako lang ang nalasing?
"Lukas! they are here!" Narinig kong sabi ni katherine, parang umiiyak siya at ang boses niya ay natatakot.
"Lauden! help us to get out of here!" Binuhat na ako ni lukas dahil hindi kona talaga kaya pang mag lakad nang maayos, naramdaman kong parang sinakay ako ni lukas sa mabalahibong bagay, kumapit ako dito ng mahigpit hanggang sa nagsimula na itong tumakbo nang mabilis.
"Ahh..." Tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok, madiin akong pumikit dahil pakiramdam ko ay tatangayin na din ako nang hangin, lalo na kung hindi ako kakapit nang mabuti sa bagay na ito.
Hanggang sa hindi kona din namalayan na nawalan nako ng malay.
Nasaan ako?
Pag dilat ko ay maliwanag na sa labas, nasa isang kuwarto ako na palagay ko ay sa loob ng mansion ng mga claveria.
Tahimik akong bumangon sa malambot na kama, dumiretso sa cr para mag hilamos at mag toothbrush, tapos tahimik akong lumabas ng kuwarto.
Natigilan ako sa pag lalakad nang mapadaan ako sa meeting room, naka awang ang pintuan kaya rinig ko ang mga nag uusap mula sa loob.
“Kumikilos na sila, konti nalang din ang araw bago ang elección del templo, dinadaan nila tayo sa bangis!”
Rinig kong sabi ni Godfrey, ang tatay nila at tumatayong hari daw dito sa mundo nila, biglang nanayo tuloy ang balahibo ko dahil pakiramdam ko ay nasa seryosong sitwasyon sila.
Tama pala ang mga naalala kong nangyari kagabi, nagtatakbuhan sila bigla sa isla, may mga pag sabog din akong narinig kagabi, mga nag tatakbuhan at nag sisigawan, pero may kung anong bagay ang nag layo sakin sa lugar na yon.
“Wag lang tayong padalos dalos dahil hawak padin nila si Cian. masyadong delikado.” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ni kuya.
“Katherine! bakit?” Nangunot ang noo ko nang marinig ang nag aalalang boses ng kanilang Nanay.
“I had a vision of Cian--- they are going to kill him... Under the red moon.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nanlambot din ang mga tuhod ko pero hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay, kailangan kong marinig kung ano pa ang nakita ni katherine!
“Red moon... that's the night of the elección del templo and the prophecy.” Nangunot ang noo ko.
Unti unti akong sumilip sa awang ng pinto, pero agad ding napa atras nang mapatingin sa direksyon ko si natasha, tumakbo ako pababa ng malawak na hagdan.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...