Thyone
Unti unti kong minulat yung mata ko, una kong nakita ang malaking chandelier sa kisame, medyo magaan na ang pakiramdam ko kumpara kanina.
Nakauwi na pala kami.
Natigilan ako nang makitang nakaupo sa sofa si lukas, dito pala nila ako sa sala hiniga, seryoso itong nakatingin sakin.
"How did you get there?" He asked, napalunok ako at lumingon sa paligid, nasaan sila?
"I... ah---" I bit my lower lip, paano koba ipapaliwanag? atsaka bakit ako nate-tense?
"You could have..." Nakita kong kinuyom niya ang kamao niya, napapikit siya.
"That's enough Lukas." Sabay kaming napalingon sa nagsalita, It was mother elisabeta, nasa likod niya naman si Bianca na may malay na ulit, tipid siyang ngumiti sakin.
"Okay ka na ba?" Nag aalala niyang tanong sakin, tumango ako sakanya.
"Lukas let's talk." Napatingin ako kayla mother elisabeta, tumango ito sakin.
"Please excuse us." Yumuko lang ako sakanila at muling pinanood habang nag lalakad sila papunta sa office nila mother elisabeta, narinig ko ang hakbang ni bianca papunta sa kinauupuan ko, tumabi ito sakin at hinawakan ako sa kamay.
Medyo pagaling na ang mga pasa niya.
"I'm sorry i wasn't there." She said, napabuntong hininga ako at tumingin sakanya.
"Walang ibang kasalanan don, Arippina lured me, she pretended as Kyline, i even saw kuya..." I bit my lower lip, kasalanan ko din iyon dahil nag padalos dalos ako.
Humigpit ang pagkakahawak ni bianca, "Parang hindi na tumatalab yung mga proteksyon na ibinigay ko sa iyo..." Malungkot nitong sabi.
"Hindi. sadyang mas masasama lang talaga ang mga bampirang iyon bianca, at naging padalos dalos lang ako dahil akala ko ay muli konang makikita ang kuya ko." Hindi kona napigilan pang maiyak.
Yinakap ako nang mahigpit ni bianca, pinatahan niya ako.
"Maliligtas din natin ang kapatid mo thyone, gumagawa ng paraan sila Lukas." Ngumiti ito sakin, tumango ako sakanya at pinunasan ang luha sa mata ko.
...
"Teka saan tayo pupunta?" Taka kong tanong kay lukas, mataas pa ang sikat ng araw nang hinila niya ako palabas ng mansion, tahimik namang sumunod sa amin sila mother elisabeta at katherine, tumigil kami sa tapat ng kotse ni lukas.
"We are going to an island, we'll get out of you here, they can't find you there." He said, nangunot naman ang noo ko.
Bakit kami aalis?
"Hindi pwede lukas, hindi pa ako pwedeng umalis hangga't hindi kopa nababawi ang kapatid ko." Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Hija..." Napatingin ako kay mother elisabeta nang lumapit ito sakin, hinawakan niya ako sa kamay.
"Hija kailangan niyo munang lumayo, magtiwala ka samin." She said, "We're doing our best to help you, pero kung ganitong paulit ulit nilang pinipilit kang saktan at kunin... nawawala ang atensyon namin sa pagbawi sa kuya mo." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...