THYONE
Nag tuloy tuloy ang tulog ko dahil pagod na pagod kami ni kuya, 5 am na nang magising ako.
Naabutan kopa ang sunrise kaya dali dali akong lumabas sa terrace, sa totoo lang kapag nag vlog ako dito ay paniguradong sisikat ako.
Umihip ang malamig na hangin kaya napapikit ako, bukod pa don ay yinakap ko ang sarili ko.
"Shit! Thyone?!" Gulat akong napalingon sa may pintuan, pawis na pawis na sumilip mula doon si kuya, nang makita niya ako ay dali dali siyang lumapit at yinakap ako.
"Akala ko nawala ka!" Kinakabahan niyang sabi.
"Pinanood kolang ang sunrise..." mahina kong sabi, napabuga ng hangin si kuya at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Wag na wag kang lalabas mag isa, naiintindihan mo?" sabi niya kaya tumango ako.
"Let's go, mag luluto na ako ng breakfast natin." He said.
After naming kumain ay naligo lang si kuya, tumambay muna ako sa sala at binuksan ang flat screen tv, gumagana ang netflix dito!
Medyo matagal na naligo si kuya, hindi kona din nabantayan ang oras, hindi padin lumalabas sa kanyang kuwarto si kuya, natigilan lang ako ng makarinig ako ng katok mula sa labas.
Napalingon ako sa kuwarto ni kuya, at muling lumingon sa pintuan palabas ng bahay, wala akong kakilala dito...
Narinig kong kumatok muli ito sa pintuan, hindi ito tumigil, dahan dahan ang kanyang pagkatok pero hindi ito tumitigil.
Napakapit ako sa kuwintas ko.
Safe naman siguro ako.
Pikit mata kong binuksan ang pinto, nangunot ang noo ko nang makitang wala kahit na sino ang nandon.
Mabilis ko iyong sinara ulit at tumakbo papunta sa kuwarto ni kuya, kumatok ako ng malakas.
"Kuya! kuya!" Mangiyak ngiyak kong sigaw, lalo na’t biglang nag iba ang pakiramdam ko, parang... hindi kami nag iisa dito sa bahay.
Nanginginig ako at kinabahan.
Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto, nangunot ang noo ko nang makitang hindi basa ang buhok ni kuya, bukas din ang malaking bintana sa kuwarto niya kaya pumapasok ang malamig na hangin mula sa labas, hindi siya mukhang naligo, bukod pa don ay pawis na pawis siya.
"Kuya parang may nakapasok." I bit my lower lip, pakiramdam ko ay may nakamasid samin.
"Ha? sino?" Kumunot ang noo nito, sinara niya ang pinto ng kanyang kuwarto at lumabas, tiningnan ang bawat sulok ng bahay.
"Wala luna." He simply said, tumingin siya ng diretso sa mata ko.
"Kumalma kana, I’m here okay? you're safe with me." He said.
Sigh.
"Kuya natatakot nako dito..." Napahikbi nako, nagulat ako nang hilahin ako sa pulso ni kuya, dinala niya ako sa loob ng kuwarto ko.
"Stay here okay? walang ibang makakapanakit sayo dito, trust me." He said.
Napatingin ako kay kuya, nag lakad siya sa mga bintana ko at nilock iyon, chineck niya din ang loob ng cabinet ko, bawat sulok, at nang makasigurado ay muling lumapit sakin.
"We're the only one who's here, don’t be scared, luna..." He said.
"Just make sure to always wear your necklace, I promise you'll be safe." He said.
Natigilan kami nang may malakas na kumalabog sa labas, kasabay non ay ang malakas na alulong ng kakaibang aso... parang malalaking aso!
"Just stay here..." Kuya cian warned me, napalunok ako at tumango.
JANNALISTIC
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...