Chapter 27

2.3K 50 0
                                    

Thyone





"Anong pangarap mo noon, thyone?" tanong sakin ni lauden habang nakatingin siya sa mga ginagawa ko, sakto din kasi ay may project kami sa school, we have to showcase our greatest talent, kaya ito ako ngayon nakaharap sa malaking canvas board.

“Grabe akala ko hindi nako marunong mag-drawing!” Nakangisi kong sabi.



“You actually have a talent." He said, tumingin ako sakanya.


“Tell you honestly, gustong gusto ko talagang maging painter dati, mahilig din akong magsulat.” Ngumiti ako sakanya.





“Your drawing looks magical thyone, ituloy mo yan.” He said, sabay kaming natigilan ng may mag doorbell, nandito ako ngayon sa bahay ni Lauden dahil may usapan kami nila Hadria.


“Thyone!” Sinalubong ako ng yakap ni hadria. Napangiti ako ng makita siya.

“Nagsimula naba kayo?” She pouted.


Napakamot ako sa ibabaw ng ulo ko, “I tried to draw.” I said.





"Let me see." Nilapag ni hadria yung mga art materials na dala niya at tiningnan yung drawing ko, nanlaki ang mata niya.


"This is beautiful thyone!" She said, napangiti ako sakanya at nagpasalamat.



"After this, we should hang out, where do you want to eat?" She asked.

“Libre mo?” nakangiting tanong ko, namiss ko din silang ka-bonding.




Ilang oras din ang ginugol namin sa project na ginawa namin, mas pinili ko ang mystical theme, may couple na nakahiga sa gitna ng mga bulaklak at napapaligiran ng mga puno, nagustuhan kodin ang ginawa ko.



Tumayo si lauden para mag inat, tumingin siya sakin.


"Coffee?" He asked, nakangiti akong tumango sakanya, kailangan kong gisingin ang utak ko.





“So saan ang punta natin?” Natapos na din naman kami, pati ang pag inom ng kape.

“Hmm, we should try at moon’s café, rooftop café siya, it's really popular here." Hadria said, napangisi ako kasi mukhang ayun yung napuntahan namin ni bianca.



“Okay.” Nag drive si Lauden, tapos kaming dalawa ni hadria sa likod, nainis panga siya kasi nagmukha daw siyang driver, natawa nalang ako at hindi na din siya nakapag inarte kasi minalditahan siya ni hadria.




Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse, alam mo yung feeling na kapag nakikita mo yung sarili mo sa salamin ng kotse tapos akala mo nasa Mv kana ng isang kanta? Ganun yung feeling ko ngayon.


“What?” Kumunot ang noo ko kasi bigla akong kinalabit ni hadria, nag eenjoy na kasi ako sa moment.





“Sorry naman! ikaw kasi eh, kanina kapa jan tulala di ka nakikinig sakin!” Sabi nito.

“Sorry naman, ano bang sinasabi mo?” tanong ko.

“We’re here.” Sabi niya sabay baba ng kotse, sumunod na din ako sakanya, habang nag lalakad ay sinabayan kami ni lauden, tumabi siya sakin at inakbayan ako.




“Everything’s okay?” tanong niya, tumango ako sakanya at tipid na ngumiti.

Iniwan muna kami ni Hadria para umorder, tumingin tingin ako sa paligid, tumikhim si lauden kaya napatingin ako sakanya.





Vampire Kingdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon