THYONE
Makulimlim ang buong kalangitan, malakas din ang hangin kaya sabay sabay na sumasayaw ang naglalakihang mga puno, nakatanaw ako mula dito sa bintana ng kuwarto ko, binuksan ko ang bintana kaya tumama sa mukha ko ang malamig na hangin.
Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng takot nang biglang kumidlat ng malakas, napaatras ako at nag tago sa ilalim ng kumot ko.
Nakatulog na ako kanina dahil sa takot, nagising nalang ako nang may kumatok sa may pinto, may dalang soup si kuya nang pag buksan ko ito.
"Kuya hindi ba tayo aalis ngayon?" tanong ko at mabilis na umiling si kuya
"Dito ka muna, kailangan kong umalis." He said, nangunot ang noo ko.
"San ka pupunta?" Nag aalala kong tanong, bakit ba ang hilig niyang iwan ako? hindi niya ba alam na delikado sa lugar na ito?
"Just stay here, I have to go somewhere." He forced a smile.
Napalabi ako at humigop nalang ng mainit na sabaw.
Tinotoo nga ni kuya na aalis siya, at hindi ko alam kung anong oras siya babalik, napabuntong hininga ako.
Namiss ko bigla si Cristal at si Bianca, namiss ko sa mundo ng mga tao.
Parang may bumbilyang umilaw sa tuktok ng ulo ko nang naisip na tumakas ulit, this time ay malaya akong lumabas sa entrance door, napahawak ako sa kuwintas na suot ko at napangiti.
Mabilis akong tumakbo papunta sa lugar kung saan ako pumunta kagabi,
napalanghap ako ng hangin nang makita ang kabuuan nito, sobrang ganda ng lugar sa liwanag.
"Lagi ka dito?" Muntik nakong mapatalon sa gulat nabg biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Laude?"
Mapagkakatiwalaan koba talaga siya?
"Don't worry, I won't hurt you." He smiled, nakita ko na naman ang dimple niya.
Napa atras ako habang nakatingin sakanya, pinasadahan ko siya ng tingin, mukhang wala naman siyang dalang kahit na ano.
Napalunok ako habang nakatingin sakanya.
"I don’t have intention to hurt you." Nakangiti niyang sabi.
"Naistorbo ba kita? Sorry, mahilig lang talaga akong tumambay dito." He said, tumanaw siya sa tanawin.
"Nakita mona ba ang mga Claveria? o ang tahanan nila?" Tanong niya pa, bakit pati ang tono ng pananalita niya ay mahinhin? kabaliktaran ng pangangatawan niyang kumpleto ata sa abs.
"C-claveria?" Napalunok ako.
Tumango siya, "Close kayo ni Katherine diba? galing siya sa angkan ng mga Claveria, ang pinaka makapangyarihan dito sa mundong ito." sabi niya pa.
Mas lalo pa akong nag taka.
"Gagawin nila ang lahat para hindi ka masaktan ng kahit na sino, kung sino man ang mananakit sayo ay paniguradong papatayin nila." He said, biglang nanayo ang balahibo sa batok ko.
"Bakit naman nila gagawin yun?" Taka kong tanong.
"Because He chose you." He said and sighed.
Mas lalo akong nag taka.
"Wag na wag kanang aalis mag isa sa bahay niyo, baka pati si Cian ay saktan nila kapag may nangyaring masama sayo, bumalik kana." Seryosong sabi niya at tiningnan niya ako ng diretso sa mata.
Napalunok ako at sinunod siya, mabilis akong bumalik sa bahay at laking tuwa ko dahil wala pa si kuya.
Saan ba nagpunta yon?
Kabisado niya ba sa mundong ito?
Napailing ako, nilibot ko ang paningin ko sa bahay, hindi kopa pala ito nalilibot, nabanggit ni kuya na may library dito, nag lakad ako papunta sa kusina, kung saan may isa pang pinto na hindi kopa napapasok.
Napangiti ako nang matagpuan ang library, napaka daming libro, sa may bintana ay may malaking lamesa at may isang swivel chair, nilibot ko ang bawat shelves ng mga libro, napangiti ako dahil lahat ng mga ito ay tungkol sa mga bampira.
Habang nagpapalipas ng oras, napagpasyahan kong mag basa ng libro para matuto pa sa lugar na ito at sa mga bampira.
JANNALISTIC
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...