Thyone
Hinihingal akong sumandal sa dibdib ni lukas, pumikit ako at huminga nang malalim.
Naramdaman ko ang mga kamay niyang humigit sa bewang ko.
"I will be gone for a few days, please take care of yourself." Bulong niya, nangunot ang noo ko at tumingala sakanya.
"Kailangan bang umalis ka ulit?" Tanong ko sakanya.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"I have to. My work here is not yet done." Pinilit niyang ngumiti sakin.
Tumango ako bilang pag sang-ayon sakanya, tinutulungan niya lang naman ako at wala akong karapatan para pigilan siya.
"Katherine will take care of you." He smiled at me, inabot ko ang mukha niya at hinawakan iyon.
"Oh, thyone, you're so warm." He whispered.
Ngumiti ako at tumingkayad para abutin ang labi niya, "Thank you for helping me, lukas." I said.
Ilang linggo ang lumipas, halos araw araw ay sinusundo ako nila Lauden para makasabay sa pag pasok sa school, ilang beses kong tinanong si Mother Elisabeta kung pwede naba akong mag drop since si kuya lang naman ang nagpupumilit sa akin na mag aral ulit dito, pero sinabi niyang mas okay nga daw na magkaron ako ng records dito para hindi makuwestyon ang pagkatao ko.
Naglalakad ako ngayon dito sa labas ng campus, mag isa dahil parang hunting moments nila hadria ngayon, makulimlim ang langit at medyo malakas ang hangin pero hindi naman ako natatakot, mas naeenjoy kopa kasi ang ganitong weather.
Natigilan ako sa pag lalakad nang makaramdam ng kung anong bigat sa dibdib ko, bigla ding namanhid ang mga tuhod ko at hindi ko na mahakbang ang dalawang paa ko.
Kinilabutan ako bigla, mas lumakas din ang hangin sa paligid at mas dumilim ang langit, lumingon ako sa paligid pero mukhang walang estudyanteng nagpupunta dito ng ganitong oras, napalunok ako ng paulit ulit at pilit na hinahakbang ang mga paa ko.
Nanlaki ang mata ko nang maaninag na may palapit sa kinatatayuan ko, babae siya at mahaba ang buhok.
Nakangisi siya habang nag lalakad palapit sakin, mas luminaw ang paningin ko nang nakatayo na siya sa tapat ko.
Katulad nila Lukas ay sobrang putla din ng kutis niya, pulang pula naman ang labi niya dahil sa lipstick, color brown ang mahaba niyang buhok at may bangs siya, matangkad din siya at kulay asul ang mga mata niya.
"You must be Thyone, right?" Napasinghap ako nang hawakan niya ang dulo ng buhok ko.
"Don't be scared, I won't gonna hurt you." Ngumiti siya, lumabas tuloy ang mga pangil niya pero agad din itong nawala nang mapansin niyang nakatitig ako don.
"I'm Agrippina Vercingetorix, and I'm here to warn you." She said.
Vercingetorix? sigurado akong apelyido iyon ng mga bampirang kumuha sa kuya ko!
Mas lumawak ang mga ngiti niya nang mapatulala ako.
"That's right, I'm a daughter of Kingsley Vercingetorix." She leaned into me, mas lalo akong natakot dahil alam kong kahit isang kamay lang ang gamitin niya ay mamamatay ako agad!
BINABASA MO ANG
Vampire Kingdom
VampireThyone Luna Dion had always felt different, an outsider in her own world. One moonlit night, she stumbled upon a hidden path that led her to a forgotten kingdom of vampires, a realm shrouded in mystery and eternal twilight. As she delved deeper, she...