Chapter 12

3.5K 87 0
                                    

THYONE







Nakatingala ako sa tapat ng Moon University, ito ang unang araw nang pag pasok ko ulit, and yes, pumayag na ako sa gusto ni kuya.




Maybe this is my future, natapos ko ang buhay ko sa mundo ng mga tao pero panibago ulit dito, sa mundo ng mga bampira.


 
Medyo kabado ako, dahil hindi ko alam kung pano aarte na kabilang ako sakanilang lahat, binigyan ako ng proteksyon ni Katherine para hindi nila malamang mortal ako.





Binigyan din ako ni Katherine ng proteksyon para sa mga mind readers, hindi nila pwedeng mabasa ang pinag iisip ko, isa pa ay ipinagbabawal na gumamit ng kapangyarihan dito sa loob ng University.







Ipinakilala nila ako sa head ng University na isa nila akong kamag anak na galing sa ibang bansa.





Nakita kong nag-aabang si katherine at laude sa lobby ng University, nginitian ko sila.







Napatitig ako sa kulay tsokolateng mata ni Laude, maamo iyon katulad ng kanyang mukha, tanggap kona kung ano siya... Isa siyang wolf.

    

I’m not scared of him, ramdam kong mabait siya.




Ilang beses niya akong pinag tanggol, hindi ko alam pero parating nag tatagpo ang aming landas, natatakot lang talaga ako sa mga kasama niyang nag iiba ang anyo kahit kaharap ako.





Isang araw nga. Nagulat nalang ako ng biglang nag kagulo sa labas ng bahay, Natakot ako ng makitang ang daming bampira sa labas ng bahay na tinutuluyan namin ni Kuya.





May kumalat daw kasi na chismis na may taong nakapasok dito sa mundo nila. Mabuti nalang at pinag tanggol
kami ng pamilyang Claveria, kami kasi ang bagong salta sa lugar na ito at natagpuan nila ang bagong tayong bahay sa gitna ng kagubatan.








"Hey, are you okay?" Nakangiting tanong ni Laude, tumango naman ako.





"You look pale." He said.





I bit my lower lip.






"Well that's okay, I mean we're all pale here." Natatawang sabi ni Katherine, kinuha ko ang compact mirror sa bag ko at tiningnan ang sarili, una kong nakita ang gold-red kong contact lens na pinasuot sakin ni katherine, mas pumutla din ang mukha ko dahil bukod sa maputi na ako ay maputi din ang foundation ko, pero nag mukha naman iyong natural sa mukha ko.










Inakbayan ako ni Laude, kaya nakasabay ako sa pag lalakad nila katherine, napasinghap ako nang mapansing pinag titinginan kami, madaming nag papapnsin kay Laude, kahit kay katherine ay madaming tumititig, naalala kong galing pala siya sa Royal Family ng mga bampira dito sa lugar nila.
  





Habang nag lalakad ay tinuturuan ako ng mga techniques ni katherine para mag mukhang bampira. dapat din daw ay hindi ko pinapahalatang humihinga ako, straight daw dapat ang lakad at seryoso ang mukha.






Hindi uso sakanila yung uniform pansin ko, naka civilan lang kasi lahat. Hindi ko alam kung anong year ang papasukan ko pero wala na akong pakielam pa.








Section White Fire ang nakalagay sa Id ko, napangiti ako nang sinabi ni Katherine na nasa senior year na daw kami, pero nawala din ang ngiti ko nang malamang hindi kami mag kaklase.





Transferee daw kasi ako.






Ilang minuto kodin bago mahanap ang room ko, para iyong mini theater ang style, paitaas ang mga upuan at may malaking stage sa pinaka ibaba kung nasaan ang malapad na white board at white screen.








Umupo ako sa tabi mismo ng bintana, pasalamat kona lang din na walang nag tangkang tumabi sakin, tahimik din ang mga estudyante dito, parang wala silang mga pakielam sa Isa’t isa.





Matalim ang tingin ng professor nang
pumasok ito, dumeretso siya sa table para ibaba ang mga bitbit na gamit.






Wala pading imik ang mga tao dito, hindi din nila binati ang bagong dating na prof, after na i-set up ang power point ay tuloy tuloy na nag discuss ang professor, pasalamat din ako dahil walang recitation, buong araw ay nag discuss siya about past presidents dito sa mundo nila, nag type lang ako ng notes sa laptop na bigay ni kuya.






Halos tatlong oras din ang buong klase, after class ay kinailangan kong ibigay kay Prof ang record ko para sa grades purposes, nang lumapit ako ay napa atras pa ako dahil sa talim ng tingin niya.




"¿Qué necesitas?" She asked, hala spanish ba yun?




Nanginginig kong inabot ang records ko, she looked at it.





"What's that?" She asked.






"I-it’s my record. I’m a transferee." I said.






Marahas niyang hinila ang envelope at nauna nang umalis, napabuga ako nang hangin pero agad ding natigilan at lumingon sa paligid, shit! hindi nga pala humihinga ang mga bampira.







Nang pag labas ko sa room ay natigilan ako dahil may nag hihintay saking lalaki, nangunot ang noo ko nang makilala ang mukha niya.





Siya yung pumunta sa bahay at kinailangan naming umalis ni katherine dahil mainit ang ulo sakanya ni kuya!





Lukas ang pangalan niya.






He was wearing a black long sleeves, nakatupi ang manggas nito hanggang siko, may maliit na hikaw sa kaliwang tenga niya, kumikinang iyon, matangkad siya at maputi, at guwapo siya... Para siyang greek god.







Parang may sariling buhay ang mga paa kong nag lakad papunta sa puwesto niya, gumuhit ang ngisi sa labi niya.






"Come with me." Pati ang boses niya ay guwapo! pero nangunot ang noo ko dahil parang narinig kona ang boses niyang iyon, hindi kolang maalala kung kailan.







Para akong nalunod sa mata niya, at tumango ako sakanya. Nakita kona lang din ang sarili kong sumusunod sakanya.










JANNALISTIC

Vampire Kingdom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon