Chapter 20. Differences

193 0 0
                                    

“Oh dahan dahan pagupo baka bumuka yang tahi mo.”

“Ang OA mo ate. Magaling na to kaya di na to bubuka. Nawawala ang talino mo as a surgeon e.” Inasar ko si Ate.

Nakauwi na pala ako from the hospital. I swear, ayoko na talaga bumalik dun sa boring place na yun. Kung tatanungin niyo kung ano na nangyari kay Mario after niyang magwalkout.

Flashback …

Bago ako matulog kagabi, naisipan kong pumunta dun sa veranda ng floor ng room ko.

“Ang sarap naman ng hangin dito.” Sabi ko sa sarili ko habang nasa veranda ako at naka wheel chair. Habang naka tingala ako at nagsstargaze, nakarinig ako ng kaluskos sa may pintuan papasok ng floor.

“May tao ba diyan? Wala naman takutan. Eeeee!” Kinakabahan na ko.

Napapikit ako nung may humawak sa balikat ko.

“Wag kang matakot. Ako to.” Boses ni Mario yun ah.

“Ikaw pala yan. Akala ko multo e.” Napakaduwag ko talaga.

“Sorry kung natakot kita.”

“Okay lang.”

“Pasensiya na pala kanina kung lumabas ako bigla ng walang paalam.” Napayuko siya.

“Ano ba nangyari sayo?”

“Wala yun. Ah-eh naiihi na ko e.”

“Ah ganun ba. Akala ko nagalit ka or whatsoever e.”

“Pasensya ka na nga pala kay Marcellin ha. Walang magawa sa buhay yun e. Wala kasing kaseryoseryoso sa katawan.”

“No. Okay nga siya e. Nakakatuwa. I think you should be like him. Make connections to your patient. Kasi pag ginawa mo yun, mas mapapagaan yung pakiramdam ng pasiyente mo e. Like he did to me. You should be---”

“STOP!” Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. “Stop comparing me to that man or from anyone else. I'm different! Everyone's different! So please stop.” Halaaa siya. Sensitive? 

“Sorry.” Aalis na sana ko kaya lang pinigalan niya ako. Hinawakan niya yung braso ko saka ako niyakap.

O.O

What shocked me the most is that. I heard him sobs. Umiiyak si Mario? Bakit?

“Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para mapantayan ang expectations ng mga tao? I feel so worthless. Ayoko na Ishi. Hindi ko na kayang itago lahat ng nararamdaman ko. After all those years of suffering and frustrations. I don’t want to live with the shadow of my dead brother.” Nagulat ako sa huli niyang sinabi. Sinong dead brother?

“Hindi kita maintindihan Mario pero kung ang pagiyak ang makakapagpagaan ng nararamdaman mo sige lang. Ilabas mo yan.”

“Napapagod na ko. They want me to become like my brother. 5 years na siyang patay pero pakiramdam ko people are still expecting me to be better like my late brother. Ayoko ng ikumpara pa sa kanya. I’m the one living. Hindi siya.”

“Sorry kung nacompare kita sa ibang tao. Sorry.”

“I’m a worthless person.”

“Shhhh. Stop putting yourself down.”

After a while, napagod din siyang umiyak. Pinunasan niya yung mga luha niya sa pisngi then he looked at me with those pair of melancholic eyes.

“Sorry Ish kung sa balikat mo pa ako umiyak. Nakakahiya. Alam kong di dapat ako umiyak sayo”

“No. I’m your friend. I want to help you. Kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako.”

“Thank you. I think you should sleep now. Mahamog na baka maudlot pa ang discharge mo bukas sige ka.” Nagsmile siya pero ramdam ko pa din na mabigat talaga ang dinadala niya.

“Sige.” Tinulak niya yung wheelchair ko pabalik ng room. Inalalayan niya akong humiga sa bed and tucked me in.

“Goodnight Ish.”

“Goodnight Mario.” He kissed me on my forehead and then he went out of the room. Aba rumarami na ang pagkiss at pagyakap neto ah. HAHAHAHA! Pero kilig naman e. Joke! :DD 

End ng flashback ..

“Ano nangyari sayo jan sissy? Bakit bigla ka natulala?”

“Ha? Wala wala may naisip lang ako.” Nakaupo kami ni Ate dito sa couch ng condo unit namin. It’s really good to be back home. Wala na yung mabahong amoy ng hospital na parang gamot. Eww. Hahaha. “Ate may tanong ako.”

“Ano yun baby sister?” Hawak ni Ate yung buhok ko saka niya sinuklay gamit ang kamay niya.

“Hmmmm. Is Mario and Dr. Marcellin Reeds related?”

“Yeah. Father and son sila.”  Hindi na ko nagulat sa sagot ni Ate kasi ramdam ko naman e. At tsaka magkamukha naman sila.

“Eh bakit ganun? Magkaiba apelyido nila?”

“Hindi kasi kasal si Ms. Madrigal which is yung mom niya and si Dr. Reeds.”

“Ah so sinunod sa mom niya yung last name ni Mario.”

“Definitely.”

“By any chance, may kapatid ba si Mario?” Nakita kong parang nagiba yung expression ni Ate. Lumungkot.

“Oo. Si Dr. Martin Reeds. Actually half brother lang sila ni Dr. Mario. He’s also a great surgeon. Kaya lang he died from a car accident. Everyone from this hospital was devastated nung namatay siya kasi he’s a good person and he died all of a sudden.”

“Talaga? Surgeon din pala siya.”

“After a year nung mamatay si Dr. Martin, lumitaw ang pangalan ni Dr. Mario Madrigal sa hospital. Nakilala siya bilang isa sa pinakamagaling na cardiosurgeon as I told you dati. Nalaman din namin na half brother nga siya ni Dr. Martin kaya yung mga tao hindi maiwasang ikumpara siya sa namatay niyang kapatid.”

“Kaya pala ganun na lang ka-cold ang personality ni Mario. Masyado palang mabigat yung dinadala niya.”

“Lagi siyang pressured bilang doctor. Ikaw ba naman kasi ang ikumpara sa isa ding magaling na doctor at kapatid mo pa.”

“Siguro defense mechanism niya yun ate?” Ang taraaay. Defense mechanism talaga? 

“Siguro nga.”

“Napansin ko ding parang hindi close si Mario sa dad niya.”

“Hindi talaga though pinipilit ni Dr. Reeds makuha yung loob ni Dr. Mario by being bubbly and sunny. Kaya lang wala talagang makatunaw ng nagyeyelong puso ni Dr. Mario e.”

“Sana maging okay sila.”

“Sana nga.” 

==========

Short update lang po yan. Hehehe.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon