Chapter 3. The New Found Best Friend

311 2 2
                                    

Di ako masyado kumain since salad lang naman kinain ko tska I’m not a fan of hamburgers. Di tulad netong si Ali, kahit ano kinakain except for balot. Ewww daw.

“Yum! Sarap talaga ng Baconator”

“Di nga halatang sarap na sarap ka e.”

“I know right. I’m so glad na kahit ano kainin ko I’m not gaining so much weight.”

“Ikaw naaa. Tara na nga. Baka start na nung competition nila.” Tumayo na kami from our seats and went to Time Zone. Take note, dala dala pa namin ung mga paper bags na pinamili naming. Ang arte kasi ng kasama ko e, ang layo daw kasi ng parking. Letse! Ang arte ng syokoy na to.

When we got there …

“Lee!” sigaw ko kay Lee na busy sa pagtetext.

“Hey! Tetext pa lang kita kung nasan na kayo e.” Parang wala namang bago sa taong to. Simple manamit at walang ka keme keme. Pero infairness, ang bango nya ha.

“So, did the competition started already?”

“In 5 minutes pa, may hinihintay lang kami.”

“Hey Pare! Mind if you introduce me to this gorgeous lady here.” Ay yang gwapo ni Kuya. Parang ang sarap mahalin.

“Nga pala, Hero si Ishi, Ishi si Hero kaibigan ko.”

“Hello there Hero?” makikipag shake hands sana ko kaya lang nagulat ako kasi kiniss nya bigla yung hands ko. Ayyy grabe! Kinikilig akoooo! ^o^

“Hi! Ako naman si Ali, friend ni Ishi.” Umeextra na naman tong si Ali. Kainis much ha!

“Excuse me, may sasabihin lang ako sa friend ko.” Hinila ko si Ali palabas ng Time Zone. “Hoy Bex! Wag ka na umeksena dyan. Bet ko si Kuya.”

“Anoooo ba yan! You’re so selfish talaga! May Lee ka na nga e. Pati ba naman si Hero iyo pa din? Ano na lang matitira sakin? Wala! Forever alone na lang pala talaga ko.” Hala siya nagdrama.

“Ang arte arte mo talaga Bex. Si Hero bet ko hindi si Lee! Tsaka wag ka maingay dyan, baka may makarinig satin!” bulong ko sa kanya.

“Fine! Fine!”

Pagbalik naming sa loob. Nag-start na ung mini program. May emcee na nagsasalita sa maliit na platform.

“Good Afternoon Ladies and Gentlemen! Welcome to the 2nd Tekken Team Battle conducted by the Philippine Tekken Otaku Association. Let the Tekken game begins!” Ang dorky ng itsura nung nagsalita. Bet ko walang ginawa sa buhay to kundi maglaro lang ng mga games like this. Hahaha!

“Bex! Eto pala yung Tekken. Ang childish huh! Pero ang daming cute guys. Mukhang mageenjoy ako ng bongga dito.”

“Mukha ka talagang lalaki. Tara, ayun si Lee and Hero oh. Sila ata yung naglalaban.”

“Babae ako Bex! Babae!”

Nag-enjoy naman kami ni Ali sa competition nila Lee kanina. Pero unfortunately, natalo yung team nila from Hero’s team. Andito kami ngayon sa Krispy Kreme kasama si Lee at Hero.

“Ano Ishi, nagenjoy ka ba kanina?” Hindi ko alam kung nagpapacute ba tong si Hero oh may dumi lang sa mata. Kanina pa nagbubeautiful eyes e. Pero kilig much ako. :”>

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon