Chapter 41. I Miss You Song

175 1 1
                                    

One week na after nung nagkabati kami sa issue ng family niya. Nandito kami nila Lyla at Syd sa pad ni Ali.

"Kamusta naman ang panliligaw ni Lee sayo ha Ms. Soon to be Mrs. Jiang?" tanong ni Lyla sakin.

"Mrs. Jian agad? PBB Teens muna kaya BF-GF muna. HAHAHAHA!" Dugtong naman ni Syd. Talaga tong dalawang to. Magkadugtong ang mga bituka pagdating sa pangangantiyaw.

"M'kay lang naman. Consistent pa din siya. Hindi niya ako hinahayaang umalis ng bahay mag-isa. He makes sure na susunduin at iuuwi niya ako on time." Naka-smile ako sa kanila.

"Wow naman. What an ideal manliligaw. Pero malay mo sa una lang yan. Pag nanliligaw lang masipag pero pag kayo na, pababayaan ka na." Sabi ni Syd.

"Ganyan naman yang mga lalaki e. Syempre nanliligaw kaya nanunuyo. Kaya pag alam nilang nahuhulog na kayo sa kanila at kayo na. Wala ng sweetness. Wala ng kilig factor. Puro na lang away. Puro heartaches. Mambababae na sila." Napaghahalataang bitter talaga to si Lyla.

"Bitteeeeer much Lyla?" sabi ni Ali habang nagiinternet.

"Wala namang perfect relationship di ba? Natural lang na may away. May heartaches. Hindi naman ako nageexpect na magkaroon ng perfect relationship e. Ang importante sakin, yung napupunan namin yung pagkukulang ng isa't-isa para kahit hindi man perfect ang relationship namin, maayos pa din. And most importantly, masaya kami." Sabi ko habang nakahiga. Bigla kong naisip how happy I am with Lee by my side. He's my own version of Superman. LOL!

"Very well said! Palakpakan!" Sabat ni Ali sabay pagpapalakpakan nila.

"Pero wait! Kelan mo ba siya balak sagutin? Parang for formality na lang din naman yang panliligaw niya sayo di ba? You've known each other for a year na. Maybe it's time?" Hinawakan ni Lyla ang damit ko.

"Oo nga Bexx. Hanggang kelan?" dagdag pa ni Ali.

Hanggang kelan. Yan ang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko since kahapon sa paguusap namin nila Ali. I think it's time. Noon pa. Alam kong mahal ko na si Lee. Hindi lang ako aware dahil siguro magkaibigan kami. Siguro oras na para tumapak ako palabas sa FRIEND ZONE namin.

Sabi nga sa movie na napanood ko dati. "For some, choosing a lover means losing a friend.."

I don't want to lose him pero if being lovers takes us to FOREVER. Then be it.

Haysss. *sigh*

LAB DUB.

Bakit ganun? Parang bigla akong kinabahan.

"Baby Sis! Bumangon ka na jan! Ready ang breakfast natin! Tsaka may utos ako sayo." Sigaw ni Ate from the kitchen.

"Oo Ate! Tatayo na." Inayos ko yung hinigaan ko.

"Kanina ka pa ata gising e. Tagal tagal mo bumangon." Sabi ni Ate habang naghahain sa mesa.

"Sorry naman. May iniisip lang. Ano pala yun iuutos mo Ate?" Umupo na ko ng mesa saka sumubo ng niluto niyang bacon.

"Ah yun ba. Maliit na favor lang naman. Papasuyo ko lang na itype mo tong documents na kailangan ni Dr. Madrigal for his research."

Natigilan ako sa pagkain. "Bakit sayo nakikipagcommunicate siya? Sakin hindi? Ang unfair naman."

"Ewan ko. Ang alam ko lang this is for professional purposes. Akala mo kinakamusta niya ko? Hindi kaya. Inemail lang niya ko. At lahat ng sinabi niya dun eh doctor to doctor thing."

"Ah okay." Siguro walang time talaga si Mario na magpapetiks-petiks kaya ganun.

Ang haba pala netong documents na itatype ko. HALIMAW! Bakit ba ko pumayag? Magdadalawang oras na ako dito. Waaaa! I need fooooood! Energy! >o<

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon