Chapter 50. Blurry

62 2 0
                                    

“Huy bexx. Hinahanap ka na ng mga friends natin. Kelan ka ba lalabas ng ospital na to? Ang baho pa naman dito oh. Amoy gamot.” Daldal kay Ishi ng kaibigang si Ali.

Hindi sumagot si Ishi sa kaibigan imbes ay tumingin lang ito sa labas ng bintana. Mag-lilimang araw na kasi siya sa ospital. Nakakaramdam din siya na hindi lang ‘stress-induced’ ang kundisyon niya. Alam niyang itinatago lang ito sa kanya ng Ate Iya niya.

Narinig ni Ishi na biglang bumukas ang pintuan ng hospital room niya. Hindi niya tinignan kung sino ang pumasok mula rito pero laking gulat niya ng may biglang yumakap sa kanya.

“How are you, Ish?” Nakangiting nasa harap niya ang isang lalaking may malaking part sa buhay niya.

“Ma-mario?!”

“I’ve missed you.”

“Ba-bakit ka nandito?” Laking pagtataka niya dahil nasa harap niya ito ngayon. Dapat ay nasa America ito at nag-aaral.

“May mahalagang bagay lang na dapat asikasuhin.” Ngumiti ito saka sinimulan siyang i-checkup.

“Anong ginagawa mo?”

“Check-up. Nakalimutan ko palang magpakilala.” Inayos nito ang damit at ang stethoscope na naka-alampay sa balikat. Napansin niya na malaki na ang ipinagbago nito. Hindi na ito cold tulad ng dati. Lagi na rin siyang naka-ngiti. “Good Morning, Ms. Berenguer. Ako po pala si Dr. Mario Madrigal, ang cardiologist ninyo.”

“Cardiologist? Eh di ba stress-induced lang naman ung nangyari sakin. Bakit ikaw pa na nasa America yung magiging doctor ko?”

“Bakit? Ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Pero to think na may iniwan kang importanteng bagay sa America para lang maging doctor ko. Gaano ba ka-seryoso tong sakit ko?”

“Importante nga yun pero mas importante ka.” Tinignan ni Mario si Ali. “Pwede bang iwan mo muna kami sandali?”

“S-sure!” Dali-daling lumabas ito ng kwarto. Ngumiti ito kay Ishi saka kumindat. 

“Honestly, Ish. You’re condition is not common and it's not good. It’s called Idiopathic Restictive Cardiomyopathy.” Hinawakan ni Mario ang kamay ni Ishi na puno ng pasa dahil sa dami ng tusok ng karayom.

“Wag ka ngang magsalita ng pang-alien. Hi-hindi ko naiintindihan.” Gulong-gulo ang isipan niya sa mga nangyayari. Masyado kasi itong mabilis. Mahirap i-sink in. 

“Hindi maganda ang kundisyon mo. Seryoso. Yung naramdaman mo nung gabing inatake ka is fatal. Pwede mong ikamatay yun. Mabuti na lang at nadala ka kaagad dito.”

Hindi ma-absorb ng utak ni Ishi ang mga sinasabi ni Mario. “Ganun ka-seryoso? I’m just in my twenties, Mario. Nakakamatay? Ho-how did I get this?” Naramdaman ni Ishi ang nangigngilid niyang mga luha.

“Unknown. Hindi pa namin alam. Perhaps it’s genetics. Pwede rin sa environment. But the cause is not important. It’s the treatment. Very progressive ang sakit mo. Meaning, lumalala. Pag hindi na nag-respond yang puso mo sa mga high dosage meds na binibigay namin, that will be the time na mag-resort tayo sa pinaka-mahirap na treatment.” Huminga ng malalim si Ishi sa mga narinig. Naisip niya na sana panaginip na lang ang lahat. Na sana hindi totoo ang mga nangyayaring ito sa kanya.

“A-anong treatment yun?"

.

.

.

.

.

.

“Heart transplant.”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon