Chapter 40. Curiosity Killed The Cat

143 1 0
                                    

“Well well well.”

“Uyy! Hi Bexx!” Nagulat ako kay Ali. Mineet niya kasi ako dito sa coffee shop sa labas ng school.

“What’s up with the soon to be girlfriend of Mr. Lee Earl Jiang?” Nakapamewang siyang bumeso sakin at naka-taas pa ang kilay.

“Pinagsasabi mo jan? Masyado ka namang advance.” Hinila ko siya papaupo.

“Ewan ko sayo! Nakakainis ka! Hindi mo ako sinabihan na yung plans mo pala kahapon eh involved si Lee! Nag-date pala kayo!” Halos ipagsigawan na niya sa iba yung sinabi niya.

“Hinaan mo nga yang boses mo! Ang dami kayang tao!”

“Care ko? EH DI MAKINIG SILA!” Maldita talaga to.

“Pag di ka tumahimik jan GUSTAV ALESSANO, di ko talaga ikikwento sayo.” Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.

“Okay okay Bex. To naman di mabiro! Ikaw talaga! Wag mo namang ipagsigawan sa kanila yung pangalan ko. Nakakasuka e! I love you na!” Nawala ang kamalditahan ng babaitang to. At bumubulong na lang siya ngayon. Hahahahaa!

“Ikaw kasi e!” Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

“So ano naaaa? Anyare sainyo kagabi?” Interesadong interesado ang bruhang to sa nangyari.

“Ayun. Dinala niya ako sa likod ng MOA. Yung may fountain at ferris wheel. We ate dinner while listening to a choir. Tapos sumakay kami dun sa ferris wheel and …”

“And anooo? Pabitin kaaa! Pero infairness nakakakilig ha! Never talagang pumasok sa isip ko na magagawa ni Lee sayo un. Ituloy mo na!” Pinalo niya yun braso ko ng mahina.

“Maka-palo naman to! Ayun pagsakay namin sa ferris wheel, biglang nagliwanag ang night sky dahil sa fireworks. Ang ganda ganda!” Na-excite kong sabi sa kanya.

“So parang PYRO OLYMPICS sa ganda ba? Ang taraaaay ha! Can afford talaga si Lee ng mga ganyang bagay.”

“Mas maganda pa sa annual Pyro Olympics nu! Syempre can afford talaga siya! Uncle niya lang naman kasi si Henry Sy of SM Supermalls.” Nanlaki yung mata ni Ali sa sinabi ko.

“Weh? Ngayon ko lang nalaman yun ah. I’ve never known.”

“Kaya nga e. Nagulat din ako na ganun pala ka-bigatin ang pamilya niya. Pero alam mo Bexx, ang ipinagtataka ko lang sa kanya. All this time na magkakilala kami, he never told me something about his family. Wala talaga siyang nababanggit.” Napaisip ako that moment. Bakit of all the things about Lee. Ang pamilya niya ang hindi niya naikikwento sa amin. Weird.

“Pansin ko nga yan Bexx. He really never did. Pero baka naman kasi ayaw niya na malaman mo ang mga family affairs nila. Maybe there’s really something about his family na you should never get into. Kaya kalimutan mo na yan idea na yan at isipin mo na lang na may purpose siya kaya di niya sinasabi sayo. Okay?”

“Ah-eh osige.” Pero there’s something in me na gusto malaman ang tungkol sa family ni Lee. At para gumaan ang pakiramdam ko, I need to directly ask him.

Naka-upo ako ngayon sa may bench dito sa school grounds and I’m still bothered kung ano ba talaga ang meron sa pamilya ni Lee. Na-curious ako bigla. I really want to know.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon