Chapter 18. I'll Be Next To You

189 1 0
                                    

“Ano kasi e. Baka di kita masamahan sa Saturday night. Nagpapasama kasi sakin si Stace, may importanteng party daw kaming kailangan puntahan. She needs me there. Wala daw kasi siyang kakilala dun.” Ouch! Sabi ko na nga ba e. T_T

“Haa? Okay lang yun ano ka ba! May makakasama naman na ako dun e. Ali will be going too. Don’t worry everything’s fine with me.” Parang gusto kong umiyak sa mga sinabi niya. Ang daya daya naman kasi e. :’(

“Ayan. Akala ko magagalit ka e. Sensha ka na talaga Ish ha. Sorry. Wala kang hard feeling jan ah.” Nagsmile siya then he held my hand. Argh! Naiinis ako sayo! Wag mo akong hawakan! Tigilan mo yan! Huhuhuhu! Ang bigat bigat ng nararamdaman ko.

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. “Wala no. Okay lang talaga ako. Teka punta lang ako ng CR.” Tumayo ako saka tumakbo papunta dun sa CR. Pumasok ako sa isang cubicle saka nilabas yung mabigat na nararamdaman ko.

“Nakakainis ka! Bakit ba ang tanga tanga mo? Hindi mo ba naiisip na masasaktan ako sa ginawa mo?! Napagusapan na natin na ikaw ang kasama ko sa party nay un e! Bumili pa nga tayo ng isusuot mo! Ang daya mo!” HUHUHUUHU! Iniyak ko lahat ng frustrations na nararamdaman ko sa kanya. After ko malabas lahat, nagretouch ako kasi baka mahalata niya na umiyak ako.

Pagbalik ko ng room. Wala pa rin yung prof namin. Baka walang klase. Kumonti yung tao e.

“Uy! Bakit ang tagal mong magCR? Jumebs ka no?” G*go!

“Jumebs ka jan! Dumaan din ako sa canteen. Kagutom e.”

“Ah okay.”

“Bakit parang kumonti mga tao dito? San sila pumunta?”

“Ah yun ba? Wala daw professor natin e. Absent. Gawin na lang daw natin yung homework na binigay ni Dean.”

“Ah okay. Sige una na ko. May dadaanan pa ko sa library e.”

“Oh? Kelan ka pa natuto pumunta sa library? HAHAHA!” Letse talaga to.

“May research ako sa isa kong subject e. Need ko na ipasa bukas.”

“Ah ganun? Tara. Samahan na kita!” Hinila niya ako patayo saka pumunta na kami sa school library.

“Hindi mo naman ako kailangan samahan e!”

“Eh gusto kita samahan e. Masama ba?”

“Hindi pero baka kasi may iba ka pang dapat gawin. Like yung homework.”

“Pwede ko naman gawin sa bahay yun mamaya e. Ang importante saken ngayon ay matulungan ka sa research work mo. Pagbigyan mo na ko. Ngayon na lang ako babawi sayo ulit e.”

“Hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya ko to magisa. Kaya pwede ba umalis ka na!” Naiirita na talaga ko sa kanya.

“Ayoko! Kung ayaw mong tulungan kita. Basta dito lang ako sa library kasama ka.” Wala na kong masabi. Suko talaga ko sa kakulitan ng isang to.

So ayun. Ginawa ko yung research work ko for about 3 hours siguro. Di ko namalayan ang oras. Magaalas dos na pala ng hapon. Napansin ko na natutulog si Lee dun sa kabilang table.

“Hoy! Gumising ka na jan! Tapos na ko sa ginagawa ko.”

Kinusot-kusot niya yung mata niya at naginat-inat pa. “Ah tapos ka na.”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon