Chapter 37. I Could Not Ask For More

151 0 0
                                    

Guysss! Plug ko lang po yung story ng friend ko dito sa wattpad. LOVE CONTRACT ung title. Basahin nyu din. Maganda siya kasi sobrang nakakatawa. Hahahaha! Eto po link: http://www.wattpad.com/story/1070019-love-contract-ongoing THANKS loviessss! :* 

============================================

Ang aga ko nagising pero narealize kong wala nga pala akong klase tuwing MONDAY. Nice Ishi, NICE.

“GOOD MORNING Ate!” diredirecho ako sa kitchen para magtimpla ng coffee.

“Good Morning Baby.” Bati ni Ate habang nagbabasa ng broadsheet.

“Wala ka bang shift sa ospital ngayon?” tanon ko sa kanya after I sip on my cup of coffee.

“Hmmm. Wala. Off ko today.”

“Ah. Same pala tayo. Wala din akong pasok today.”

“Hmmm may tanong ako sayo sissy?” binaba niya na yung broadsheet na binabasa niya.

“Ano po yun?” higop ulit ng kape.

“May date ka mamayang gabi no?” natatawa-tawa niyang sabi.

“Haa?” Aray. Napaso yung dila ko sa lechugas na kape na to. “Paano mo naman nasabi yan ha, Ate?”

“Eh kasi maaga ako nagising kanina tapos nagayos ako ng mga nalabhang damit mo tapos nung ilalagay ko na yung mga damit mo sa cabinet mo, may napansin akong malaking box tapos binuksan ko at ayun nakita ko ang isang GORGEOUS dress. Ikaw haaa!” Si Ate Iya talaga oh. Walang bagay akong maitago sa kanya. Haaaay.

“That’s from Lee. Suotin ko daw yun mamaya sa dinner namin. May surprise daw siya e.” Nakayuko kong sabi sa kanya habang pinaglalaruan yung cup of coffee ko.

“TOFUUUUU! Talagaaaaa? OMG! So seryoso palang talaga siya sayo baby! Yieeeee!” Napatingala ako at nakita kong abot tenga ang mga ngiti sa mukha ni Ate.

“Ano ka ba Ate! Tigilan mo nga yan. Malamang seryoso siya, kinantahan niya pa nga ako nung isang araw sa school cafeteria eh.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Trolololololol TOKWAAAAAAAA! Ohmyyyy! Grabe pala manligaw yan si Lee ah. Soooo ROMANTIC! Nakakakilig! Hihihihihihi! Pero mas nakakakilig pa din si Brad. Hohohoho!” Ang arti ng Ate ko. Parang nangingisay sa kinauupuan niya. Ewan ko ba dito.

“Malamang jowa mo yun e. Kamusta na pala siya?”

“Hmmm. Andito pa din siya. Di ba sabi ko sayo before na isang buwan din siyang mananatili sa aking piling. Hihihihi. Pinapunta ko nga ngayon kasi sabi ko tulungan niya akong maglinis netong unit natin. Hahahaha!”

*Uwaa* ”Nakakasuka naman yang mananatili sa aking piling na linya mo. Iww. Parang telenobela lang.” Kawawa naman si Brad. Hahaha. Hardcore pa naman to si Ate pag nagaayos ng bahay. Siya yung tipong pabago-bago ng isip.

FLASHBACK …

“Dito mo nga ilagay yang frame na yan sissy.” Sinunod ko naman siya. Ayos-ayos ng konti.

“Okay na ba?” tanong ko sa kanya.

“Hmmm. Parang di bagay sa tabi ng pinto. Lipat mo dun sissy, sa may tabi ng side table.” Turo niya sakin.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon