Chapter 44. When The Cat Meets The Tiger

146 2 1
                                    

Apat na araw na din ang nakalipas ng mangyari ang aksidente kay Lee. Pabalik-balik din ako sa ospital para dumalaw at malaman ang improvement ng kundisyon niya. Stable na daw ang kundisyon niya sa ngayon pero wala pa ring sign ng pag-gising niya. Sa totoo lang, natatakot ako na baka dumating ang araw na hindi na nga siya gumising at rumatay na lang dun sa hospital bed niya. Pero pinipilit ko ang sarili ko na wag panghinaan ng loob dahil naniniwala akong gigising siya at makakasamang naming muli.

Papunta ako ngayon sa ospital para dumalaw. Umaasa ako na sana hindi ko maabutan ang Mama ni Lee dahil natatakot ako sa kanya. Natakot kasi ako sa sinabi ni Hero na mag-iingat sa kanya. She seems harmless pero wala akong clue kung anong klaseng tao siya. Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon ng makita ko siya …

Flashback …

“Ikaw ba ang girlfriend ni Lee?” tanong ng Mama ni Lee sa akin habang umiinom siya ng tsaa at ako naman ay naka-upo sa harap niya.

Nataranta ako. “Ha? Naku, hindi po ako ang girlfriend ng anak ninyo, Mam.” Hindi ako maka-tingin sa mga mata niya.

“Oh I see. Then what is your role in his life? Caregiver? I saw you holding his hand when I first arrived here.” Composed na composed siya. And the tone of her voice is really intimidating.

“Kaibigan lang po niya ako.” Nakayuko lang ako habang nakikipag-usap sa kanya.

“You know, the way you speak to me is rude. Look at me. You’re not having a conversation with the floor.” Sarcastic niyang sabi.

Tumingin na ako sa kanya at nakita kong nag-smirk siya. “Uhm. Sorry po Mam.”

“Forgiven. But don’t call me Mam, I’m not your teacher.” She raised her eyebrows.

“Tita Veronica, nasa baba na po ang sasakyan ninyo.” Mabuti na lang at dumating na si Hero.

“Oh. Thanks Hero.” Tumayo na siya. At bago siya lumabas ng pinto ay tumingin siya sakin from head to toe. Sheesh! Why is she this intimidating? Parang kinakain na niya ko ng buhay e.

“Wala po yun Tita.” Sabi ni Hero sa kanya.

Flashback ends …

Hindi ko talaga makakalimutan ang paguusap na yun. Tuwing naiisip ko yun eh kinikilabutan talaga ako.

“Good Morning Baby!” Sinalubong ako ni Ate sa entrance ng hospital.

“Good Morning Ate.”

“How are you? Sorry Baby kung hindi na nakakauwi si Ate sa bahay ha.” Hinawakan niya yung kamay ko saka kami umupo sa lounge.

“Okay naman ako Ate. Alam ko namang tinututukan mo talaga si Lee kahit na hindi ikaw ang resident physician niya.”

“Sinisilip-silip ko ang status niya every now and then pero marami lang talaga akong patient ngayon kaya kailangang dito sa ospital magstay at matulog. Wag ka mag-alala Baby, pagkatapos ma-discharge nung isa kong patient, uuwi na ako.” Naka-smile siya sa akin.

“Naiintindihan ko ang nature ng work mo Ate.” I smiled back at her.

“Thank you for being an understanding sister. Pero nag-aalala din ako sayo kasi apat na araw pa lang ang nakakalipas since ma-ospital si Lee, kitang-kita na agad ang pagbagsak ng katawan mo. Malaki ang ipinayat mo at tsaka namumutla ka pa. I have to check on you na din. Ikaw naman ang ipaprioritize ko.” Biglang nawala yun smile niya at napalitan ng pag-aalala.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon