Chapter 24. Call Me Maybe?

186 1 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na nananakit ang mga binti ko. Dahil siguro yun sa heels na suot ko sa party. Haaay. Di pa din talaga ako sanay magsuot ng mga ganun ng matagalan. Oh well.

“Good Morning Sunshine!” Sabi ko sa sarili ko as I rise from my bed. Pumunta agad ako ng kitchen para maghanap ng low dosage painkillers para sa nananakit kong mga binti. I quickly glance at the wall clock sa may kitchen. It says 7:12am. Sunday nga pala ngayon. Nasaan kaya si Ate Iya.

Nagtimpla ako ng brown coffee at nagprito ng omelet. Naalala ko bigla yun mga sinabi ni Mario sakin kagabi bago kami naghiwalay sa lobby ng condo namin.

“Alam kong nakita mo si Lee at yung model niyang kaibigan kagabi.”

“….” Nanlaki yung mata ko habang nakatalikod sa kanya.

“I’ve seen the pain in your eyes Ish. You’re jealous.”

“….” Hindi pa din ako lumilingon sa kanya pero bumilis yung tibok ng puso ko.

“It bring pain also to me nung makita ko yung reaksyon mo when they kissed. I don’t want you hurt Ish.”

“Ha? Ako nagseselos? Hindi ah. Nagkakamali ka. I was just shocked by what I saw.” Finally humarap na din ako sa kanya pero iniiwasan kong tumingin sa mga mata niya.

“Okay. Sige sabi mo yan e. Have a goodnight Ish.” So cold ng boses niya. Tumalikod siya sa akin at lumakad na.

“Ikaw din! Goodnight Mr. Madrigal!” Cheerful ko pang sabi sa kanya.

Na-interrupt ang flashback ko ng marinig ko ang voice message sa phone.

“Baby girl! Sorry kung ngayon lang kita nasabihan. Andito ako ngayon sa Bohol with Brad. Sinurprise niya ako kagabi while your away. We’ll be staying here for 3 days. Ingat ka dyan! Loveyouuu!”

*toot…toot…toot…toot…*

That’s good. Buti naman nagparamdam na si Brad kay Ate. I thought iiwan lang niya si Ate sa ere e.

After ko magbreakfast, I decided to go to church by myself. I think I need to be with myself today and with God. Nagdrive ako papuntang Tagaytay. Dun na lang ako magsisimba since special yung place na yun saken kasi dun kami pumupunta nila Ate, Mom and Dad nung bata pa ko.

Bigla kong naalala na 3 months na din since hindi ko nakakausap ang parents ko. Kaya I decided to call them while driving.

(Speaker phone)

“Hi Mom!”

[Ishi baby?]

“Yes po! I miss you Mom! It’s been 3 months since I had a talk with you.

[Ohh my baby. Sorry anak kung hindi nakakatawag si Mommy. You know naman how busy I and your Dad sa mga business natin dito sa States.]

“Alam ko naman yun Mom. I’ve just missed you.” Nakaramdam ako ng lungkot habang kausap ang pinakamamahal kong Mommy.

[So, how are you baby? Si ate iya? Kami ng Dad mo okay lang dito.]

“Okay lang po kami ni Ate, Mom. Namimiss ko na yung hele mo sakin. I really want to see you badly.” Awww.

[Ohhh. My baby. Don’t cry kasi baka maiyak din ako. Why don’t you have a vacation here? Kahit a month lang.]

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon