Chapter 7. Safe and Sound

252 1 3
                                    

Dahil naka 100 reads na ako ay maguupdate na ko ng Chapter 7! Yey! 

Thank you po! :*

=========================================================

*booooooogsh*

OMG! Sinuntok ni Lee yung lalaking bastos.

“Sa dinami dami ng babastusin mo dito, yung bestfriend ko pa. Ang kapal ng mukha mong manyakis ka ah!” bago pa maka suntok ulit si Lee ay pinigilan na siya ni Hero.

“Bro, awat na. Kami na bahala dyan. Si Ishi na lang ang intindihin mo.” Napaupo ako sa sahig sa mga nangyari. Dahil sa paglalasing ko nagkagulo pa dito sa party ni Rizz.

“Okay ka lang ba Ish? Sinaktan ka ba nung lokong yun?” nagaalalang tanong ni Rizz.

“O-okay lang. Sorry Rizz dahil sakin nagkagulo tuloy sa party mo. Sorry talaga.” Mangiyakngiyak na kong humarap sa kanya.

“Ano ka ba, wag mong sisihin yang sarili mo. Wala kang kasalanan. Matagal ng epal sa mundo yung lalaki na yun. Empleyado yun ni Dad kaya siguro nainvite siya dito. Sige na, tumayo ka na jan.” ang bait bait talaga ni Rizz.

“Bex, tara na. I know tipsy ka na. We should go back na to our room.”

“Ako na maghahatid sa kanya sa room nyo. Ako na bahala sa kanya Ali.” Nagulat ako sa sinabi ni Lee. Tinayo niya ako then hinawakan sa kamay at umalis na. Hindi na ko nakapagpaalam sa kanila. Parang nawala yung amats ko sa mga nangyari. Pero natatakot ako kay Lee. Baka galit siya.

Tahimik lang kaming naglalakad sa tabing dagat. Hindi ako makapagsalita kasi baka sigawan niya ako. Nakakatakot. I admit na tuwing tumatahimik si Lee, natatakot na ko sa kanya. Titiklop na talaga ako. Pero sa kagustuhan kong mabasag ang katahimikan .. sinubukan kong magsalita.

“Uhm ..” bago ko pa ituloy yung sasabihin ko ..

O.o

Niyakap niya ko ng mahigpit …

Hi-ndi a-ko maka-hinga.”

“Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Saan masakit?” kitang kita ko ang sobrang pagaalala sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito.

“Hindi niya ako sinaktan. Buti na nga lang dumating ka kaagad e --- hi-hindi ka-ka ba galit?”

“Gusto kong magalit sayo, pero mas nangingibabaw yung pagaalala. Mabuti at okay ka. Hinding hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo.” Hindi ko din naiintindihan ang nararamdaman ko. Parang gusto kong tumakbo at iwan siya dito pero mas nangingibabaw yung kagustuhang makasama siya pagkatapos ng mga nangyari. Naiiyak ako. Nagpapasalamat ako at dumating siya.

“Sorry, Lee. Ku-kung hindi *hikbi* ako naglasing, hindi *hikbi*sana nangyari ito.” Niyakap ko siya ng mahigpit ay umiyak ng umiyak. Natakot ako. Akala ko may masama ng mangyayari sa akin.

“Shhhh .. tama na. Wag ka na umiyak. Andito na ko. Hindi na kita iiwan.” Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya ng makaramdam ako ng ginhawa. I feel better now.

“Salamat Lee.” Tinignan ko siya directly sa mata.

“Wala yun. Obligasyon kong protektahan ang bestfriend ko.”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon