Chapter 45. Miserable At Best

151 2 1
                                    

"Anong kaguluhan to? Ugh. Aray."

O_O

Si Lee? Gising na si Lee! Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ng dalawang bodyguard ng Mama ni Lee at tumakbo papunta sa may kama niya.

O______O

"Mama, bakit nandito ka?" Nilibot niya ang tingin niya sa buong room at nakita niya ako. "O, mahal ko, bakit ka umiiyak? Halika nga dito." Niyaya niya ako sa tabi niya. Tinignan ako ng Mama niya at inismiran.

"Nagising ako dahil may narinig akong malakas na boses. Ikaw ba yun Ishi?" Tinignan niya ako sa mata. Hindi ako makapagsalita sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Natakot ako sa posibilidad na magka-amnesia siya pero mabuti at nakilala niya ako. Walang pasubali ay niyakap ko siya. "Shhhh .. wag ka na umiyak mahal ko. Okay na ko. Shhhh .. tahan na." He rubbed my back and I even hugged him tightly.

"Tatawagin ko lang ang doktor mo, Lee Earl." Sabi ng Mama niya.

"Thanks, Ma." Nag-smile siya sa Mama niya pero hindi ito lumingon at ngumiti man lang.

Pagkalabas ng Mama ni Lee ay inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo e. Etong ulo ko masakit." Nag-frown siya.

*tsup* Hinalikan ko yung sinabi niyang masakit. "Di ba sabi ng iba, nawawala daw ang sakit pag kinikiss." Sabi ko sa kanya.

"Talaga?" Nag-smile siya. "Ouch! Eto oh, sobrang sakit." Tinuro niya yung lips niya.

Kinurot ko yung pisngi niya. "Niloloko mo ba ko? Iba na yan e! Ikaw talagaaa!"

"Aray! Aray! Sorry na. Akala ko kasi makaka-score na ko ng kiss sa lips sayo e. Wahehe." Tinitigan ko siya ng matagal. Maraming salamat po Lord at nagising na ang taong ito. I can't afford to lose this man. Mahal na mahal ko siya. "Ohhh .. bakit umiiyak na naman ang mahal ko? Don't cry na. Okay na ko oh." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Lee. Thank you at nagising ka na. I really thought that you will leave me." Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko.

"Wag kang mag-alala, mahal ko. Hinding-hindi na mangyayari ito dahil hinding-hindi na kita iiwan. God knows how much I love you, that He even gave me a second chance to be with you." Nagulat ako ng bigla niyang hinalikan ang mga kamay na kanina lang ay hawak niya.

*tok tok tok tok*

Binitawan niya na ang kamay ko ng marinig namin ang katok.

"Baka yung doktor na yan. Sandali bubuksan ko lang." Sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa may pintuan para buksan ang pinto. Pag bukas ko ay nakita ko ang tatlong doktor ni Lee kasama si Ate.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Mr. Jiang?" Tanong nung matandang doktor.

"Nanghihina pa rin po at kumikirot pa ng konti ang mga sugat ko."

"Hindi ka ba nahihirapang huminga or may kirot ka bang nararamdaman jan sa iyong ulo?"

"Hindi naman po. Wala naman po akong nararamdamang kirot sa aking ulo. Ahmm dok? Ilang araw na po pala ako dito sa ospital?" tanong ni Lee.

"Apat na araw na din Mr. Jiang. Mabuti at maaga kang nagising. May iba kasi kaming naging pasyente na ilang linggo pa bago nagigising. It's a good sign that your consciousness is back. Oh, I also have to tell you na hindi na kayo itatransfer papunta sa London since gising na kayo." Natuwa ako sa binalita nung doktor.

"Talaga? Dadalhin po ba dapat ako sa London?"

"Yes Mr. Jiang. That was the decision of your mother. Pero dahil gising na nga kayo ay lifted na yun. If you don't have any more questions, maiwan ko muna kayo. Mag-aadvice na lang ako kung may go home na kayo. Kaunting observation pa."

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon