Chapter 46. This Means War

154 1 0
                                    

(Yung pic po sa may right side ang Mama ni Lee. :)) Lee Mi Sook as Veronica Jiang.) 

“Kamusta naman na ang minamahal mong Lee, ha Bex?” tanong ni Ali sakin. Kasama ko siya ngayon dito sa school. Hindi pa rin kasi pumapasok si Lee since hindi pa siya masyado magaling. Hindi pa din kasi tinatanggal ng doktor yung mga cast niya. Baka abutin pa daw ng dalawa hanggang tatlong linggo bago siya tuluyang gumaling.

“Okay naman. May cast pa din siya sa kaliwang kamay at sa paa. Baka abutin pa daw ng dalawa hanggang tatlong linggo bago siya tuluyang gumaling e. Tapos magtetherapy pa siya ng one week after tanggalin kaya baka next month pa siya makapasok.” Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng school main building.

“Wow naman. Updated na updated si GIRLFRIEND! Pero mabuti at mabilis ang recovery niya. Ayy alam ko na kung bakit! Maalaga kasi si GIRLFRIEND e! HA! HA! HA!” So ayun, kami na nga pala ni Lee. Hehe. Sinagot ko na siya kesa sa huli ako magsisi di ba. Mahal ko naman siya kaya wala namang masama kung sagutin ko na siya.

“Maka-sabi ka naman ng girlfriend jan. Wag mong ipagkalandakan! Baliw ka talaga!” Itinulak ko siya.

“Aray naman! Ayaw mo nun sisikat ka sa buong campus? Boyfriend mo na ang so called heartthrob ng course niyo. Tuhhraaay!” Inayos-ayos niya ang damit niya.

“Hindi ko naman kailangan sumikat no! Basta masaya kami ni Lee, yun na yun! Kaya wag ka ng epalogss jan!” Huminto na kami ng makarating sa lobby ng main building.

“Blah blah blah blah!” He rolled his eyes. Maldita talaga.

“Osyaa. Let’s separate from here. May exam pa pala kami sa first subject. Sige na buhbye!” Bineso ko siya saka tumakbo papunta sa building namin.

-----

Pagkatapos ng first subject ko ay dumirecho ako agad ng lobby para i-meet si Syd at Lyla. Matagal na din kaming hindi nagkikita dahil hectic ang sched nila sa mga tours.

“Ishiiiiii!” sigaw ni Lyla sakin nan aka-upo sa farthest seat ng lobby.

“Uyyy! Syd and Lyla! Namiss ko kayoooo!” Bineso ko sila pagka-lapit ko.

“Kamusta ka na teh? Haven’t heard you since forever ah.” Sabi ni Syd.

“Forever talaga? Oo nga e. Namiss ko kayo grabe! Okay naman ako eto nagbabawi.”

“Ha? Anong binabawi mo?” sabi ni Lyla habang nagtatype sa cellphone niya.

“Pagod at puyat. Ilang araw din kasi akong nagpabalik-balik sa ospital e. Tsaka ilang araw din akong hindi nakakakain.”

“Ehhh? Pansin ko nga pumayat ka teh.” Sabi naman ni Syd.

“Halaaa! Sinong naospital teh? Anyareeehh?” Napahinto si Lyla sa pagtatype sa phone niya. Hindi nga pala nila alam na na-ospital si Lee.

“Si Lee. Naaksidente nung nakaraang linggo. Naging delikado yung lagay niya pero he’s recovering na ngayon.”

“Whaaaat???” sabay silang napasigaw. Tumingin ako sa paligid namin at lahat ng tao sa lobby at nakatingin sa amin.

“Shhh! Wag kayo maingay! Naaksidente siya nung gabing mag-dedate dapat kami. He got badly injured from a car crash sa isang ten wheeler na truck. Thank God talaga at nagising siya from a four-day coma.” Napabuntong-hininga ako pagkatapos ko magsalita.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon