Chapter 38. A Night of Surprise (Part 1)

148 0 0
                                    

Dead air kami hanggang sa makasakay ng sasakyan. Pede na magpiyesta ang mga kuliglig sa sobrang tahimik. Gosh! Nakakailang naman kasi e.

“Ehem.” Nagulat ako.

“…..” (--_) Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

“Hey.” Buti naman at nagsalita na siya.

“Hmm?” Tumingin ako sa kanya ng lakas loob.

“I just want you to know that you’re the most BEAUTIFUL creature than I’ve ever seen in my entire life, Ishi.”

LAB DUB.

“Ang OA nyan ah! He he.” Pinilit kong mawala yung ilang kaya kunyare I took it as a joke.

“I’m dead serious Ish. You’re so beautiful.” Patuloy pa din siya sa pagmamaneho.

“Matagal ko ng alam yun.” Onti-onti ng nawawala yung ilang.

“Pero ngayon ko pa lang nasabi yun sayo.”

LAB DUB.

Oo nga no. Kaya siguro may kakaibang imapact.

“Thanks. Ikaw din. You look dashing jan sa suot mo.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Thank you. Pinaghandaan ko talaga ang gabing ito Ish. Kung alam mo lang.” Firm. Firm ang tono ng boses niya. Mahahalata mong seryoso talaga siya.

“Teka. Saan ba tayo pupunta?”

“Basta. Hawakan mo to.” May binigay siya sa akin.

“Blind fold?” Hindi Ish. Sako yan. Stupid. Hahaha.

“Yeah. Pag sinabi kong isuot mo na yan. Suot mo na ha. Remember this night is a surprise.”

After 30 minutes …

“Suot mo na yang blind fold Ish.” Sabi niya sakin.

“Ha? Oh-ocge.” Kinabahan ako dun ah. Shucks! Ano kayang pautot neto ni Lee. May ganito pang nalalaman.

“Baka kung saan mo ko dalin ah!” Sabi ko sa kanya para maibsan ng konti yung kaba na nararamdaman ko.

“Sira. Basta pag kasama mo ko, tandaan mo, safe ka. Trust me.”

LAB DUB.

Safe? Sarap naman pakinggan nun.

“Malapit na ba tayo?”

“Oo konti na lang.”

After some time, naramdaman kong huminto na yung sasakyan.

“Andito na tayo. Pero wag mo munang tatanggalin yang takip sa mata mo. Aalalayan naman kita e.” Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan.

Pagbaba ng sasakyan nakaramdam ako ng malakas na hangin at may naamoy na parang malapit ka sa dagat. Hmmm.

“Dahan-dahan lang baka madapa ka.” Pagalalay niya.

“Hindi naman ako lampa no!” sagot ko sa kanya. Pampabawas lang ng kaba. Kabado pa din ako e.

“Eh kasi naman e. Di naman kailangan magmataas na takong. Nakakatakot kaya yang suot mo. Baka matapilok ka jan.”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon