Chapter 47. Against All Odds

139 4 1
                                    

“San ka galing mahal ko?” tanong ni Lee sakin. Dumirecho ako sa condo niya para dalawin siya. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ng Mama niya sa akin. Ngayon alam ko na kung gaano ka-sama ang ugali nito. Nakakainis! “Huy, mahal ko. Okay ka lang ba?” Kinalabit niya ako.

“Ha? Ano yun?”

“Something wrong? You seem so spaced out?” Pagtataka niyang tanong.

“Ah wala to. Pagod lang.” Hindi ko pwede sabihin kay Lee ang pag-uusap na naganap sa pagitan namin ng Mama niya. Ayokong mag-alala siya.

“Ganun ba? Tara punta tayo sa mall. Bored na bored na talaga ako dito sa bahay e. Bibilhan kita ng kahit na anong gusto mo.” He smiled at me. The smile where all my fears and worries wiped away.

“Eh? Paano yang kundisyon mo? Hindi naman pwedeng umalis tayo ng naka-saklay ka lang at tsaka baka mapagod ka lang.” Hinawakan ko yung mukha niya.

“May wheelchair naman ako e. Pwede naman natin gamitin yun. Yun nga lang itutulak mo ko. Hehe. At tsaka pakiramdam ko kasi parang lalo akong magkakasakit dito sa bahay. Nakakasawa.” Itinuro niya sa akin yung wheelchair na sinasabe niya.

“Okay sige. Gusto mo magpasama na lang tayo kay Ali? Para masaya.”

“Sige sige. I’ll treat you both since you’ve been with me all the time.” He then kissed me on my forehead.

-----

“Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa inyong dalawa. Kaya siguro isinama niyo ako dito para may taga-tulak sa boyfriend mo.” Pagrereklamo ni Ali. Nandito na kami ngayon sa MOA para ipasyal si Lee. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao kasi puno pa rin ng benda sa katawan si Lee. Sa ulo, kaliwang braso at mga binti.

“Eto naman. Parang wala ka pa ngang 5 minutes na nagtutulak jan, nagrereklamo ka na agad. Akin na nga!” Hinawi ko yung kamay ni Ali sa wheelchair. Ang arte talaga nitong baklang to. Kung hindi ko lang talaga bestfriend to.

“Sorry na Bex! Nagjojoke lang naman ako e. Ikaw naman. Galit agad! Sorry na.” Hinaplos-haplos niya yung braso ko.

“Tigilan niyo na nga yang pag-aaway niyo. Tara na’t kumain. Nagugutom na din ako. My treat.” Nginitian niya kami pareho. At sabay pa kami ni Ali na nagtatalon.

-----

Lumipas din ang dalawang linggo ng wala akong naramdamang threat sa Mama ni Lee. Pero the more time went by, the more na kinakabahan ako sa kung ano mang balak niya sa akin.

“Mahal ko, tara na?” Papunta kami ngayon sa ospital para ipatanggal na ang mga benda at cast ni Lee. May therapy na din siya ngayon kaya kailangan ko siyang samahan. How supportive no?

“Tara.”

Hey I heard you were a wild one … Oooh

If I took you home It'd be a home run

<3 Ate Iya <3 calling …

“Teka lang Lee .. sagutin ko lang tong tawag ni Ate ha.” Lumayo ako ng konti. “Hello, Ate?”

[Baby, san ka?]

“Kasama ko po si Lee ngayon. Papunta kami sa ospital ninyo para sa appointment niya sa doktor and for his therapy. Bakit po?” Tinignan ko si Lee nan aka-tingin lang sa akin.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon