Chapter 13. Long Distance

235 1 0
                                    

“Kanina ka pa ba naghihintay?”

“Oh. Lee! Kaw na pala yan. Kala ko naman kung sino.” Hehehe. Ang bango bango ni bestfriend.

“Bakit? Sino bang akala mong ako?” nakataas yung isa niyang kilay.

“Wala. Tamang hinala lang?”

“Di naman. Tara na. Uwi na kita sainyo.” Napansin kong medyo matamlay boses niya.

“Bakit ganyan boses mo? May problema ka ba?”

“Wala naman. Pagod lang. Kasi nga nagbasketball kami di ba?” Bago pa siya matapos magsalita, hinila ko siya sa paglalakad. “Oh! Saan tayo pupunta?”

“Samahan mo ko! Bibili ako ng damit para sa birthday ni Glaxa G.”

“Ha? Glaxa G.? Sino naman yun?”

“Si Glaxa G. di mo kilala? Ayy oo nga pala di ka masyado nanonood ng local shows. Maka foreign TV series ka nga pala.”

“Ahhh. Sino naman kasama mo dun?”

“Di ko pa alam e. Baka si Ali. Pero date daw ang isama e.”

“Ah. Eh di si Zayn na lang.” Di siya makatingin sa mata ko. Parang may gusto sabihin.

“Ihhh! Ayoko. Ang bata bata nun ni Zayn e. Baka isipin lang ng mga tao dun kapatid ko kasama ko.” Muntanga lang magsuggest to. “Bahala na kung sino pede kong isama! Kung wala eh di ako   na lang.”

“Ako. Pede naman ako.” Nagblush si bestfriend. Eto ata gusto niya sabihin kanina pa e. Hehehe.

“Hmmmm. Pwede ka ba sa araw na un?”

“Kelan ba?” Pinakita ko sa kanya yung inivitation. “Ah. Next Saturday na pala. Oo naman! Free ako niyan.”

“Okay! Eh di ikaw na!”

Tinreat ko muna siya sa isang fastfood resto tapos nagshopping na ko. Siyempre ano pa ba function niya. Taga dala ng paperbags. HAHAHA! Ang sama ko! Pinakain ko naman siya e. Tsaka wala namang reklamo. Pagkalabas namin sa isang shoe boutique.

“Tara! Bibilan na kita ng susuotin mo. Dun tayo oh!” Tinuro ko sa kanya yung bilihan ng mga formal na damit.

“Talaga ikaw magbabayad ng damit ko?”

“Opo. Kaya wag ka na magtanong dyan!” Pagkapasok namin nung boutique nagtinginan yung mga saleslady.

“OMG! Ang gwapo ni Sir oh!” Di siguro napigilan ni Ate ang bugso ng kanyang nararamdaman.

“Hoy! Marinig ka naman! Good Evening Mam and Sir, what can we do for you.” Sabi naman ni Ateng medyo matanda kesa dun sa isa.

“Hmmm. Meron po ba kayo ditong cream color na coat?” Tinanong ko sila.

“Meron po Ma’am. Para po ba yun kay Sir?”

“Yup. Need kasi para sa formal party na pupuntahan namin. Bagay kasi sa kanya yung cream color since maputi siya ayt?”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon