Chapter 5. His Sanctuary

287 1 1
                                    

“Sino kayo? Sino ako? Anong pangalan ko?”

“Gaga! Nagka anaphylactic shock ka friend, hindi amnesia kaya wag kang umarte jan.”

“Teka. Paano ako nakarating dito?” tanong ko kay Ali.

“Ayun, pagkatapos kita painumin ng anti-histamine binuhat ka ni Lee at saka dinala dito sa cabana. Ang sweet nga ng beps mo. Alalang-alala. Hihihihi.” Mabuti na lang pala at andito si Lee.

“Ah talaga. Teka, asan na ba siya at anong oras na?”

“Alas siyete na po ng umaga mahal na prinsesa, at ang iyong prinsipe ay kumuha ng iyong agahan.”

“Whuuut? Ganun pala katagal ako nawalang ng malay. Ang tagal naman niya. Nagugutom na ako.”

“Darating na yun. Wait mo lang. Naku Bex ha! Wag mo na uulitin ung nangyari sayo kagabi! Muntik na kong atakihin sa puso. Di ko keri yung mga ganung eksena. Pang teleserye. Nakakaloka!”

“Para namang sinadya ko kumain ng food na may lobster di ba? Tska kung alam ko naman na may lobster yun, di na ko kakain nun no!” bumangon na ko para uminom ng tubig.

“Yeah right. Kaya sa susunod Bex, magpagawa ka nan g food scanner para madali mo malalaman kung may lobster ba yung kakainin mo.”

“Wait, wait wait! Sinabi mo ba  yung nangyari saken kay Ate Iya?” Sana hindi, sana hindi.

“Hmmm .. hindi! Alam ko namang ayaw mo magalala si Ate Iya no. Tsaka ayaw ko rin naman siya na mapasugod dito ng di oras. Kawawa naman ate mo.” Haaay. Buti na lang. Gaya nga ng sabi ni Ali, ayaw kong ipagalala ang Ate ko. Baka lalo ma-stress yun, graduating pa naman siya. Alam kong marami na siya inaasikaso sa mga panahong to. Ayoko ng dumagdag pa sa iintindihin niya kahit na doctor pa siya.

“Mabuti naman kung ganun.” Nagbuntong-hiniga ako, senyales na panatag na ang loob ko.

*knock .. knock*                                                                                                                                 

“Pasok.” Sigaw ni Ali sa kumakatok.

“Good Morning Beps.” Si Lee na pala yun. May dala siyang tray na punong-puno ng pagkain at prutas.

“Good Morning din Beps. Para sakin ba yan?” ang pogi pogi naman ng bestfriend ko. Ang bango bango tignan. He’s wearing a white polo shirt and a khaki short.

“Hindi no. Para to kay Ali. Bakit naman kita bibigyan neto e. Pinag-alala mo ko kagabi. Di ata ako nakatulog.” Aww. Nagtatampo si bestfriend.

“Sorry na po. Di ko …” hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi may biglang sumingit.

“Teka. Iwan ko muna kayo. Mukhang out of place na ako dito.” Ang arte ni Ali ha. Nagseselos siguro to.

“Wait --!” lumabas na lang bigla siya ng kwarto.

“Hayaan mo na yun. Nagiinarte lang yun.” Sa bagay. Best actress pa naman yun.

“Nagugutom na ko.” Nagparinig na kay Lee. Baka sakaling maawa at ibigay na sakin ung breakfast na kinuha niya.

“Eto na nga. Kumain ka na. Ubusin mo yan ah. Para naman tumaba ka.” Sorry naman. Kahit ano naman kasing gawin kong paglamon di pa din ako tumataba. Wew!

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon