Chapter 31. Comfort Zones

166 0 0
                                    

“Hey! Hey Ish! Okay ka lang?” tanong sakin ni Mario.

*sniff sniff* Hindi ko siya sinagot. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kanya.

“What’s wrong? Anong ginawa sayo ng lalaking yun!?” Hinahaplos haplos niya yung buhok ko.

“*sniff* Wala. May nasabi lang siyang hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa. *sniff*”

“If you feel like crying, sige lang. Andito lang ako.” Pinaupo niya ako sa nearby bench. Kaya mejo kumalma na ko.

“Thank you Mario ha. Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka.”

“Wala yun. Ano bang nasabi sayo ni Lee at nagkaganyan ka?” Nag-isip ako kung anong sasabihin ko. Ayokong malaman niya yung sinabi ni Lee sakin. Dapat walang maka-alam.

“Ha? Pwede bang akin na lang yun?”

“Sige. Kung yan ang gusto mo. Hmm. Tara na? Ikain mo na lang yang nararamdaman mo. Baka mas lalo pang gumaan pakiramdam mo. Don’t worry, my treat.” Sabi niya sabay hila ng dahan-dahan sa kamay ko.

“Sige. Lagi namang ikaw ang may treat e.” Napa-smile ako sa sinabi ko.

Dinala ako ni Mario sa isang resto malapit lang sa school. Nakakagutom na din at the same time nakakapagod. Habang kumakain eh nagkekwentuhan kami.

“Kumain ka lang ng madami Ish. Para sayo lahat yan.” Sabi niya while putting a rice on my plate.

“Baka naman magkaempacho ako neto. Hehe.”

“Wag ka mag-alala. Gagamutin naman kita if ever maimpacho ka  e. Kaya nga andito ako e.”

“Ikaw talaga!” Pinitik ko yung noo niya to which na nagulat siya.

“Aww. Sorry! Di ko sinasadya! Sorry talaga! Sorry!” sabi ko sa kanya.

“Hahaaha! That’s the first time na may gumawa sakin nun. Nakakatuwa ka talaga Ishi. You never fail to surprise and make me happy. Hahaha!” Hawak hawak niya yung tyan niya sa kakatawa.

“Natawa ka dun? Ano kaya nakakatawa dun?” =___= Naisip ko na may pagka weird din to si Mario minsan e. Kung hindi yung mga koreanovela acts niya yung mga random moments na ganito naman. Wagasss.

“Wala pa kasing nakakagawa nun sakin. Hehe.” Naka smile siya pero biglang lumungkot yung mukha niya.

“Uyy! Bakit biglang lumungkot ka naman jan?” tanong ko sa kanya habang sumusubo ng kanin at ulam.

“May naalala kasi ako …. “ Nakatulala lang siya sakin.

“Ha? Ano naman yun?” Habang tinitgnan ko siya, naisip ko na may mga bagay na nakakalimutan ako pag kasama ko tong taong to. Nagiging masaya ako kahit sandali. I found a great friend from him.

“Ish .. aalis ako.” He looked straight at my eyes. Serious mode.

“ …. San ka pupunta?” I paused for a second saka tinanong yun sa kanya. I felt the sadness in his eyes.

“I need to pursue my medical career in the States. May kailangan akong tapusing research na matagal ko ng pinapangarap na gawin. When I received a feedback for my research proposal from a friend of mine sa Harvard, he told me na approved sa kanila yun proposal ko.”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon