Chapter 26. Movie Date

189 1 1
                                    

Umiiyak akong sumakay ng taxi. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang yung attitude ni Lee kanina. Nakita ko na yung ganung attitude niya pero matagal na yun. I think he has a problem pero sobrang nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya.

Flashback …

“Gaddameet Ishi! Don’t act like your my mom in here. Hindi kita nanay para gawin mo yung mga bagay na ganun sa kin. And you’re not even my girlfriend, so STOP ACTING LIKE ONE!”

I never expected na magiging ganito yung reunion namin as best friends. Ano nangyari sa kanya? Weeks lang kami nagkahiwalay nagging ganun na siya. Nanlumo ako sa mga sinabi niya kaya iniyak ko na lang.

Pag-uwi ko ng unit, naalala ko na wala nga pala si Ate Iya. Nadagdagan ung lungkot na nararamdaman ko. Tumingin ako sa malaking salamin sa living room namin at magang-maga ang mata ko. Tinignan ko yung phone ko, hinanap kung may text si Lee. Pero wala. Puro group messages lang from friends tsaka text ni Mario.

From: Super Mario :)

Ish? Free ka ba tomorrow? Treat sana kita for lunch.

Parang wala ako sa mood makipagusap kahit kanino. I need time for myself.

To: Super Mario :)

Aww. Kailangan ko mag general cleaning sa unit e. Eksakto kasi wala si Ate. Maybe next time. Sorry.

Pagkatapos ko magshower, binuksan ko yung laptop ko para tignan kung may important messages. Nagopen na din ako ng  Facebook. Tinag sakin ni Ate yung ibang picture nila ni Brad sa Bohol. Kainggit naman! Tinignan ko din kung sinong online sa messenger ko ….

TheGreatLeeEarl is now online.

Yeah right. Online yung monster na umaway sakin kanina. Haaay. I hate him! Mabuti na lang wala masyadong tao dun sa veranda ng coffee shop na tinambayan namin kanina.

TheGreatLeeEarl: BUZZ!

Buzz buzz ka pa jan! I hate youuu! Hmp!

TheGreatLeeEarl: I bet you’re still mega mad at me.

Alam mo naman pala e. Bakit nagchachat ka pa. Di ko pa din siya pinapansin. Bahala ka jan!

TheGreatLeeEarl: What you did was really absurd. Sana man lang pinagsabihan mo ko or something na verbal man lang. Hindi yung basta-basta aagawin mo yung cigarette pack. Napaka childish kase. Di ko napigilan sarili ko kaya nagoutburst ako.

Bahala ka. Di kita rereplyan.

TheGreatLeeEarl: Sorry. Di ko naman sinasadya yun e.

Ishi_Loves: Sorry? So ganun ganun na lang yun? Nagsosorry ka para gumaan yung pakiramdam mo? Paano na lang yung nararamdaman ko? Hindi naman kasi lahat ng bagay natatapos sa SORRY e.

TheGreatLeeEarl: Nagsosorry na nga yung tao e. Sorry kasi na-hurt kita sa ginawa ko. Bothered lang talaga ko this past few days.

Ishi_Loves: So kelangan sakin ibinubuntong yung pagiging bothered mo? Lee, hindi kita kayang intindihin palagi. Nakakapagod din yung ganito.

TheGreatLeeEarl is now offline.

“Siya pa talaga may ganang magoffline. Arghhh! Nakakairita ng sobra! Eeeekkk!”

Naiyak na naman ako sa sobrang inis. Bakit ba ganun siya? Sobrang frustrating niyang tao. Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto niya. Nakakainis!

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon